~Lui~
"Manang Shon, tapos ko na pong linisin ang buong kusina. Aalis na po ako." Ang nakangiting paalam ko sa may-ari ng kainan na pinagtratrabahuhan ko.
Sa dami ng tao ngayon araw ay talagang paguran ang trabaho.
Nanginginig pa nga at sobrang nangulubot ang aking kamay sa sobrang pagkakababad sa tubig.
Pero okay lang. Sanay na naman ako.
Sanay ako kahit anong trabaho pa yan, kaya ko naman..
May maiuwi lamang akong pera.
Lalo na ngayon na kailangan ni Tatay ng pang maintenance..
May iniinom na itong gamot para sa kan'yang atay..
Kundi pa siguro nagkasakit ay di pa titigil sa paginom ng alak!
"O, sige na. Gabing-gabi ka na. Wala bang susundo sa'yo? Gusto mo bang ipahatid kita kay Leo? Teka at gigisingin ko lang. " Bakas ang pag-aalala sa boses at mukha nito.
Mahigit isang taon na rin akong nagtratrabaho sa kanila.
Maliit ang sweldo at aaminin kong mabigat siya kahit pa sanay na naman akong magbanat ng buto.
Pero wala akong mapagpipilian..
Elementary lang ang natapos ko.
Matalino naman ako, at madaling matuto. Pero dito sa Manila importante pala ang deploma para makahanap ng mas magandang trabaho.
"Nako, huwag na ho, tulog na naman pala. Isa pa po kaya ko na naman." Ang nakangiti kong sabi..
Napatingin ako sa maliit nilang tv..
Natigilan ako.
Para akong itinulos at hindi na maialis ang mga mata ko roon.
Kasabay ng tila malakas na pagbumba sa loob ng dibdib ko..
Hindi ko na rin naiintindihan pa ang ibang sinabi ni Manang Shon
Ang buong atensyon ko'y nasa tv lamang at sa lalaking naroon..
Naka-black three piece suit..
Seryoso ang mukha at nakatayo lamang siya..
Habang napapaligiran ng mga taong may hawak ng malalaking camera..
Kita ko ang pagkainip sa mukha niya at ang pagsipat sa mamahaling relos nitong suot.
Para akong maiiyak nang makita ko ang napakagwapong mukhang iyon..
Parang gusto kong pumasok bigla sa loob ng tv para mayakap siya..
Noah..
"Ang gwapo no? Ang daming nagkakandarapang babae d'yan." Ang dinig ko nang ani Manang Shon.. Pero hindi ko pa rin magawang kumurap o ibaling lamang ang aking tingin sa kan'ya..
Nanatili lamang ang aking mga mata sa tv.
Baka biglang-bigla kase maglaho na lang siya roon kung kukurap man lang ako..
"Ang gwa-gwapo rin ng mga kaibigan n'yan. Alam mo ba? Pinsan yan ni Althea Olivarez yong sikat na singer? Napakayaman daw n'yan at ngayon ay nali-link sa isang sikat na artista. Yong si Charlene Villigas?" Ang patuloy na kwento nito..
Halata sa boses ni Manang Shon na tila butong-buto at parang lagi itong nakasubaybay sa estorya ng dalawa.
Madalang akong makapanuod ng tv, bilang nga lang sa daliri. Bukod kase sa wala kaming tv ay abala ako sa pagtratrabaho.
Maya-maya pa'y makikita ang pagdating ng napakagandang babae..
Sobrang ganda talaga. Napakaganda rin ang suot nitong red evening gown.
Malawak at matamis ang ngiti nito sa labing lumapit kay Noah..
Masuyo itong umangkla sa braso ni Noah.
"'Yan si Charlene. Magaling na artista yan. Nako bagay na bagay talaga sila!" Ang pigil na tili ni Manang Shon kinikilig ng husto.
"Alam mo bang bali-balita na kahit hindi nila aminin sa publiko ang relasyon nila ay may haka-hakang magnobyo na nga ang dalawa? Lagi daw magkasama ang dalawa sa isang isla.. " Sa narinig, ay parang nanikip ang dibdib ko..
Kaya ba maski isang sagot sa mga sulat ko ay wala akong natanggap?
Binigay ko ang address ko dito sa Antipolo para mapuntahan niya ako.
Araw-araw akong umaasa at naghihintay pero wala naman dumating.
Ilang sulat pa ang pinadala ko pero wala pa rin..
Ibig sabihin hindi talaga niya ako sini-seryoso nun..
Siguro naawa lamang siya sa'kin. Alam nitong kailangan ko ng trabaho.
Isang musmos na bata lamang ang turing nito sa'kin.
Sabi ko na malabo niya akong seryosohin.
Kaya nga siguro kahit anong panunukso at pang-aakit ko sa kan'ya hindi niya ako pinatulan..
Siguro talagang hindi niya ako gusto..
At kahit kailan ay hindi kailanman magugustuhan.
Ako lang ang umasa na baka tulad ko maaari rin mahulog ang damdamin niya.
Lalo na noong mga huling sandali bago pa kami magkahiwalay..
Pagkatapos ng kaarawan ko'y umalis ulit ito kinabukasan. Hindi pa raw tapos ang trabaho niya sa ibang bansa at talagang umuwi lamang siya para sa kaarawan ko..
Sobrang saya ko noong araw na iyon.. Pakiramdam ko sobrang napaka-importente kong tao para sa kan'ya para paglaanan niya ng gano'n oras at atensyon..
Pero Dalawang araw pa lamang na wala siya ay kinakailangan namin lisanin ang isla Mabato..
Hindi ko alam ang dahilan.
Basta pag-uwi ko agad akong sinabihan ni Tatay na aalis kami. Natataranta siya pati si Nanay.. Tila takot na takot sila. Hindi ko alam kung bakit.
Nakalagay na rin ang mga damit ko sa isang bag.
Magga-gabi na nun. Gusto ko pa sanang makapag- paalam man lang kina Arman at Jeylai pero hindi ko na nagawa.
Hinila na ako ni Tatay sa nag-aabang na bangka sa daungan.
Habang nasa biyahe ay humanap ako ng pagkakaton.
Lihim ko na lamang tinext si tita Babes.
Sinabi kong hindi ako makakapasok kinaumagahan o sa mga susunod na araw dahil umalis kami ng isla Mabato at 'di ko pa alam kung kailan kami makakabalik.
Sinabihan ko rin itong tatawagan ko na lamang ito kapag nakakuha ako ng pagkakataon..
Nakatulog na ako habang sakay ng bus pabyahing Manila.
Mahaba rin ang biyahe namin. Nakakapagod. Sobrang masakit ang katawan ko..
Pagdating sa Manila ay nagpalakad-lakad pa kami.
Alam kong walang gaanong pera sila Tatay at Nanay.
May naitatabi naman ako pero hindi ko pwedeng basta-basta na lamang ipakita iyon at galawin..
Sa haba ng nilakad namin ay napapahinto na rin si Tatay at napapaubo dahil na rin siguro sa pagod.
Tapos ay pare-pareho pa kaming walang kain.
Sa isang makipot na eskinita kami dumaan.
Maraming nakahubad na tambay sa gilid..
Nakatingin sila sa'min.. Ewan ko pero iba ang pakiramdam ko..
Parang nakakatakot manirahan sa lugar na ito..
Mabaho ang amoy ng Manila. Puno ng usok..
Hindi tulad ng isla Mabato na napaka-presko parati ng hangin.
Malamig sa balat ang simoy ng hangin..
Di tulad ng Manila na napakainit at maalinsangan!
Ibang-iba sa mga naririnig kong papuri mula sa mga taga sa'min na naranasan nang pumarito.
Sabi nila napakaganda raw ang Manila..
Pero parang hindi naman.
Huminto kami sa isang pintuan ng maliit na aparment.
Kumatok si Nanay ng tatlong beses.
Mula sa pintuan ay lumabas naman si ate Malta na halata sa mukha ang gulat..
"Anong ginagawa n'yo rito?" Ang gulat niya ay tila nahaluan ng inis nang tanungin kami.
Tumingin muna si Tatay sa'min ni Nanay..
Kimi niyang hinarap ang ate..
"Kailangan naming umalis sa isla. Dito muna kami sa Manila, anak. At kung maari ay dito muna kami sa iyo makikituloy.." Ang mahinahon at nakikiusap na tono ni Tatay..
Nakita ko agad ang pagguhit ng disgusto sa mukha ni ate dahil sa narinig.
Tumutol itong manatili kami rôon ng mas matagal.
"Pwede kayong tumuloy rito ng dalawang araw lang. Uuwi na si Larry sa Linggo at hindi niya kayo pweding datnan rito. Ayaw kong pati pagtira niyo rito ay pag-awayan pa namin." Ang masamang timplang anito..
Nakita ko sa mukha ni Tatay ang pagkapahiya sa inasal ni ate, pero hindi rin naman ito nagsalita..
Kahit nga si Nanay ay 'di rin nakapag-salita.
Ang alam ko kase, lagi rin siyang hinihingian ni Nanay ng pera. Buwan-buwan rin itong nagpapadala kay Nanay para sa pag-aaral ni Ate Marry at para sa ibang gastusin.
Pero alam ko naman na sa sugal lamang napupunta ang pinakamalaking bahagi ng mga perang nakukuha nito sa amin ni Ate Malta.
Siguro pinag-aawayan nila ng nobyo nito ang tungkol roon.
Sa maghapong iyon ay noodles lamang ang kinain namin kinagabihan..
Sa may lapag na rin sa maliit na sala ako pumuwesto para matulog.. Ginawa ko na lamang unan ang backpack kong dala at ang tuwalya ko naman ang ginawa kong kumot..
Hindi na ako makahanap pa ng pagkakataon para tawagan si Noah o sila Tita Babes masyadong crowded ang paligid ko at napapansin ko ang masamang tingin sa'kin lagi ni Nanay..
Para bang lagi niyang binabantayan ang bawat galaw ko..
KINAUMAGAHAN ay pagkagising ko ah 'di ko na inabutan pa sila Nanay at ate Malta.
Ang sabi ni Tatay ay maaga ang mga itong umalis upang maghanap ng mauupahan..
At sa narinig ay agad akong nabuhay ng loob..
Heto na inaantay kong pagkakataon..
Tatawagan ko si Noah..
Kailangan niyang malaman mula mismo sa akin na umalis kami ng isla at nasa Manila kami..
Taga Manila ito kaya maari kaming magkita rito..
Agad kong hinanap ang cellphone ko sa bulsa ng aking backpack.
Wala? Pero alam ko dito ko lamang iyon sinuksok upang madali ko rin makuha kung sakaling makakuha ako ng konting pagkakataon na gamitin iyon.
Kinakabahan ako.. Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang loob ng backpack ko at hinalukay na ang loob pero wala talaga!
Naiiyak ko nang niwagwag ang palabas lahat ng laman ng bag ko pero nag-iiyak na napaupo na lamang ako sa sahig..
Kahit ang Tatay ay awang-awa sa akin..
Pagdating ni Nanay at ate Malta ay agad kong nilapitan si Nanay..
Malawak ang ngiti nila pareho. Ayaw kong basta na lamang mangbintang pero malakas ang pakiramdam ko..
"Nasaan ang cellphone ko? Ibalik nyo sa'kin ang cellphone ko?" Nanginginig ang labi kong agad na sabi kay Nanay..
Hindi ko rin maiwasang pangilidan ng luha..
Napaka-importente sa'kin ang cellphone na iyon..
Humalukipkip si Nanay sa'kin at nakakaloko akong tinignan.
"Inaantok ka pa ata, bakit may cellphone ka ba? Saan mo kinuha? May pangbili kaba ng cellphone e, lahat ng kinikita mo sa'kin mo binibigay di ba?" Sarkastiko nito singhal sa'kin..
Napakagat ako sa ibaba kong labi para pigilan ang mapahikbi.. Pero hindi ko parin maoigilan..
"P-parang awa n'yo na Nay...bigay sa akin 'yon ng amo ko.. I-importante sa'kin yon." Ang mamakaawa ko sa pagitan ng aking pag-iyak.. Ngumisi ito sa'kin..
"Amo mo nilalandi mo? Nabasa ko ang mga palitan nyo ng minsahe! Ang galing Mong bata ka! Lumandi ka na! Inaakit mo amo mong may-ari ng isla Monteverde ano? Siguro ang dami mong perang tinatago sa'kin ano? " Hasik nito sa'kin habang dinuduro ako sa mukha..
"Ibalik nyo ang cellphone ko! Ibalik nyo sa'kin dahil hindi inyo iyon kundi akin!" Ang hindi konmapigilang nang galit habang hilam sa luha ang aking mga mata..
Umakto akong aagawin ang nakasukbit na bag sa balikat nito. Baka naroon ang cellphone ko pero agad nitong tinabig ang kamay ko kasunod ng pagdapo ng palad nito sa pisngi ko. Ang ang paghila nito sa buhok ko..
"Wala na! Bininta ko na! Wala tayong pera para pangbayad sa upa ng bahay! kaya kalimutan mo na yang kalandian mo!" Ang galit nitong duro sa mukha ko..
Nanlulumo akong tinanggap na lang ang lahat.. Pero pinapangako kong hindi ako susuko..
Babalik ako ng isla...
MULA sa Manila ay sa Antipolo kami napadpad..
.Naghanap ako agad ng trabaho ng mapagkakakitaan.
Ilang buwan na rin kami nun dito sa Antipolo.
Kung ilang beses kong ginastong umalis at bumalik na lamang sa isla ngunit naiisip ko ang Tatay..
Mahigpit ang bilin nito sa'kin na huwag na muna dôon magpunta..
Pilit kong tinatanong kung ano nga ba ang dahilan ng pag alis namin..
kung bakit madalian at parang takot na takot sila, pero hindi naman niya masagot ang tanong ko..
Hanggang isang araw ay talagang buo na ang loob ko..
Balak ko na sanang umalis upang bumalik sa isla pero, saka naman nagkasakit si Tatay..
"Ano napala mo? Wala ka nang silbi ngayon naman nagkasakit ka pa?!" Ang dinig kong bulyaw ni Nanay kay Tatay na nasa higaan at inaapoy ng lagnat.
Nagulantang ako sa itsura ni Tatay nanginginig na ito at maputla na.
"Nay dalhin natin si Tatay sa ospital, " ang mangiyak-ngiyak kong sabi habang natataranta..
Ngunit nginisihan lamang ako nito at tila hindi nababahala sa nakikitang kalagayan nu Tatay..
"Saan ka naman kukuha ng pangbayad sa ospital aber?! Pareho kayo ng Ama mong walang silbi!" Ang anito at iniwan kami!
Lumabas ako at humingi ng tulong.. Nakita ako ng isang magtra-traysikel at nakiusap ako sa kan'yang tulungan akong dalhin si Tatay sa ospital..
Dinala namin ito sa pinakamalapit na ospital..
Private pa ang ospital na iyon pero sa takot ko nang mga sandaling iyon na baka may mangyaring masama kay Tatay ay doon ko na lamang dinala ito at di na ako nagalangan pa..
Buti na lamang ay may naitabi akong pera.
Ngunit ilang araw lamang ay nasaid na rin iyon.. Kinakailangan kong maghanap ng pera kailangan ko nang mahihingian ng tulong!
Si Noah lamang ang naiisip ko, pero paano ko ito makakausap?
Sinubukan kong alalahanin ang cellphone number nito..
Naghanap ako ng maari kong pakiusapan upang makatawag..
May nagmagandang loob naman ngunit naka-ilang subok na ako ay hindi ko na makontak pa si Noah.
Nanlulumo at wala sa sarili akong bumalik ng ospital.
Sa dami ng iniisip kong problema, ay nakabangga na ako..
"Pasensya na po.. Hindi ko sinasadya.. " Ang nakayuko kong hingi ng paumanhin..
"Lui?! is that really you?" Ang masaya at di makapaniwalang tanong tanong nito..
Pag-angat ko nang tingin ay agad na nagliwanag ang mukha ko!
"Senyorito, Ivo?" Ang hindi ko makaniwalang banggit sa pangalan nito!
"Anong ginagawa mo rito? Saan na kayo nakatira? Umalis kayo ng isla at walang makapagturo kung saan kayo nagpunta ." Hilaw na ngiti ang tanging naisagot ko sa sunod-sunod na tanong nito.
"Na-confine dito si Tatay.. Nagkasakit po siya.. At opo dito sa Antipolo na po kami naninirahan ngayon." Ang alanganin kong ngiting sabi..
Medyo nabigla ito sa narinig at nakita kong namilog pa ang mga mata..
Ano tengene ka? Gulat ka pa e, every punta mo sa'min may case ang dala mong alak, gago ka!
Pero syempre sa isip ko na lamang yon isinatinig!
"Kayo po, may na-ospital rin po ba kayong kamag-anak rito?" untag ko sa pagkabigla niya..
"No.. no.. dito nagtratrabaho ang mom ko.. actually my Lolo own this hospital.. Lolo ko sa side ng Mommy ko.." Ang pagpapaliwanag nito na kinaliwanag rin ng mukha ko..
One problem solve! Hulog ng langit ang kainuman ni Tatay!
**
"Lui...okay ka lang ba? " Ang puno nang pag-aalalang boses ni Manang Shon ang medyo pumukaw sa'kin..
Agad kong hinawi ang mga luha sa pisngi ko at umiwas ng tingin mula sa tv.
Parang sinakal ang puso ko nang makitang dampian kong hinalikan ng babae si Noah..
Nanginginig ang labi at kamay kong ngumiti kay Manang Shon...
"O-okay lang po ako.. M-medyo pagod lang po siguro.. " Ang pagdadahilan ko. At pilit na ngumiti..
"Heto baka makalimutan mo pa.. " Ang abot nito sa isang plastik na may lamang ulam.
Lagi niya siyang ganito, binapabaonan niya ako ng libreng ulam bagay na para sa akin ay malaking tulong na rin..
Bawas gastos...
A/N: Unedited.. bukas ko na lang review at edit.. expect many errors.. sakit na talaga daliri ko. antok at tamad na rin ako for edit.. bukas na lang.. basahin n'yo na lang ulit pag edited na ... Shoooriii