MASILAW sa mata ang sikat ng araw nang magising si Cassandra kinabukasan. Pagbangon niya ay tumambad sa kaniya ang mga puting kurtina na sinasayaw-sayaw ng hangin. Magara ang silid na kinaroroonan niya dahil mula dito ay tanaw niya sa labas ng salamin na bintana ang malawak na swimming pool at napapilubatan ng magagandang halaman sa paligid at iba’t ibang kulay ng mga bulaklak. Lumabas siya ng kuwarto at sinundan ang hagdan pababa. May natatanaw siyang mga palaruan pambata at mayroon rin dalawang cottage. Walang katao-tao pero malinis ang paligid maging ang tubig sa swimming pool ay malinis na halatang kakapalit pa lang. Sa gilid ay natanaw niya ang isang bulto ng tao at agad siyang naglakad papunta roon dahil kilalang-kilala niya si Edward kahit anong angulo pa nito. “Anong ginagawa k