PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA
—
Nagising ako sa marahang halik sa ulunan ko at unti-unti akong nagmulat ng mga mata.
"Shh... sleep more, Honey," narinig kong tinig ni Cyden.
Naramdaman ko ang maingat na paghaplos nito sa buhok ko hanggang sa tuluyan ko siyang makita. Nasulyapan ko agad ang ngiti sa mga labi niya at napansin ko rin agad na nakabihis siya.
"Aaalis ka? Where are you going?" inaantok na tanong ko. "It's Sunday today."
He extended his arm to reach for something from the table beside the bed. Dinala niya ang isang bouquet ng bulaklak sa tabi ko.
"Happy Valentines, Hon." Lalong lumapad ang matamis na ngiti sa mga labi nito.
Hindi agad iyon nag-sink in sa akin. Maybe because I just woke up and I was still a little bit sleepy.
Bumaba siya para dampian ng halik ang mga labi ko.
"Happy... happy Valentines," alangang bati ko rin. I didn't want him to notice na nawala iyon sa isip ko.
Nagpatuloy ito sa paghaplos sa pisngi ko. "I need to come into the office to finish some urgent work, but I promise to come early so we can celebrate."
Wala sa loob na tumungo ako. Nagsisimula na ring humalimuyak ang bango ng mga pula at puting rosas na binigay niya.
Muli kong naramdaman ang mainit na halik nito sa noo ko. "I love you..."
Pinilit ko itong bigyan ng tipid na ngiti. Tumayo na rin naman ito at lumabas ng silid naming dalawa. Sa loob ng five years na kinasal kami, he never missed the special days. Kahit gaano siya ka-busy sa trabaho, he would always make time to celebrate. Wala pa itong pinangako na hindi niya tinupad.
Kahit kailan ay hindi rin ito nagalit o nagtampo man lang na nakakalimutan ko ang mahahalagang araw. He would always try to understand and forgive me. Marahil isa iyon sa dahilan kung bakit halos wala kaming pinag-aawayan.
Every Saturday and Sunday wala itong pasok sa opisina pero madalas ay kailangan niyang umalis dahil sa mga urgent or unexpected problems. Minsan naman ay may out of town or out of the country business siya. Despite that, hindi niya nakakalimutang nag-message o tumawag just to remind me to eat or just so he could say good night.
He had always been thoughtful, and maybe... clingy. He always wanted to know kung okay lang ako o kung anong pinagkakaabalahan ko.
Inayos ko sa isang vase ang binigay niyang mga bulaklak at d-in-isplay ko iyon sa bedside table. Nang matapos ay naghanap na ako ng maaaring ipangregalo sa kaniya online. Madalas ay nahihirapan akong isipan ito ng regalo dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niya. Anything na ibigay ko sa kaniya ay nagugustuhan niya naman. He was never a materialistic pero bukod sa ibang material na bagay, wala na akong alam na maaari pang ibigay.
I just ordered a polo shirt for him.
Hapon na nang makatanggap ako ng message mula sa kaniya. He told me to dress up dahil may pupuntahan daw kami.
Before 6:00 ay nakauwi na ito ng bahay. Sinalubong ako nito nang may matamis na ngiti. There was really something with his smile. Napaka-gaan niyong tingnan. Para bang maliwanag ang paligid at may kasama siyang mga anghel.
Humalik ito sa pisngi ko bago ako ikulong sa mga bisig niya. Marahan naman akong yumakap pabalik.
"Are you ready?" he asked.
I slowly nodded.
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito at pinakita sa akin ang dalawang papel na hawak. Those were movie tickets. Tuluyan na akong napangiti. That was our usual date, watch a movie.
Kinuha niya ang kamay ko at sabay na kaming lumabas ng bahay. Halos hindi niya na ako binitiwan hanggang sa makaupo kami sa loob ng sinehan. We watched a romance movie. Wala akong hilig doon, but I would still always come with him.
He was not fond of surprises. He was very simple and straightforward. No drama, no fights, no shouting. He mentioned na ako lang ang nag-iisang babaeng niligawan niya. It made sense kung bakit natataranta pa rin siya at nag-aalala kahit limang taon na kaming nagde-date.
Dinala nito ang bisig sa balikat ko at hinigit ako palapit sa kaniya. Binaba niya rin ang popcorn sa lap niya para mahawakan ang kamay ko. Nagpatuloy siyang haplusin iyon habang nanunuod pa rin kaming dalawa. Marahan ko namang pinatong ang ulo ko sa dibdib niya.
That's exactly what I meant when I said that he was clingy. He loved hugging, kissing, and touching me, always longing to show his affection and how much he loved me.
I didn't have to doubt that dahil simula pa lang pinakita niya na sa akin na handa siyang gawin ang lahat.
Pagdating sa bahay, tinulungan niya akong maghiwa ng mga gulay para sa lulutin kong paborito niyang chop suey.
I had never seen him cook unless absolutely necessary. Katulad na lang kapag may sakit ako. Alam kong masarap din siyang magluto dahil sa mga naihain niya noon.
Umupo ito sa counter stool at pinanuod ako nang maihanda niya na ang mga gamit. Hindi niya na sinubukang manggulo.
Hindi naman ako ganoong komportable na pinapanuod niya ako dahil madalang ko lang siyang makasama sa kusina na kasalukuyan pa lang akong nagluluto. Madalas ay nakakauwi siya na tapos na ako.
"You know what..." muli akong bumaling sa kaniya habang patuloy ako sa paghalo ng niluluto ko, "I think you are also good at cooking. Don't you want to try preparing dishes?"
Marahan lang itong umiling.
"Why not?" muling tanong ko.
Nakita kong sumilay ang lungkot sa mga mata nito. Iniwas rin niya ang tingin sa akin at bumaling sa hawak na baso.
"Mom taught me how to cook."
I wasn't so surprised. Parating may luto si Tita sa tuwing pupunta kami sa bahay nila. I also rememer her telling me na lagi niya iyong ginagawa simula nang makabalik siya.
"It had been our bonding ever since I was young... bago siya umalis."
Hindi ako nakasagot agad. Mahabang taon na ang lumipas at ilang taon na rin simula noong balikan sila ni Tita Cynthia. Alam kong mahal niya ang mommy niya pero alam kong sariwa pa rin sa kaniya ang nakaraan. It was really hard to forgive but harder forget. Naging malaki ang impact sa kanila ni Miguel ang pag-alis nito noon.
I gulped. "Forget it. Hindi mo naman kailangang magluto. I'm here to cook for you."
Muli itong bumaling sa akin at ngumiti nang bahagya. "Thank you."
Pinilit kong ngumiti bago ako bumaling sa niluluto ko. Hindi ko na dapat iyon nabanggit pa. Alam ko namang iwas pa rin siyang pag-usapan ang tungkol sa mommy niya o sa pamilya niya, especially the past.
Napangiti ito nang matikman ang niluto ko. "Always the best."
Umangat din ang mga labi ko habang naglalagay ng pagkain sa pinggan ko. "You always say that."
"You will always be my favorite cook, and your dishes will always be my favorites. Nothing can change my mind."
He really loved complimenting me. Somehow, alam kong hindi niya lang ako binobola dahil hindi siya marunong magsinungaling.
As usual, kinumusta ko ang tungkol sa trabaho niya. Magiliw naman niyang kinuwento sa akin ang nangyari sa buong araw. I was glad na hindi nasira ang mood niya dahil sa nabanggit ko kanina, and he seemed happy while sharing his experiences. Hindi ito talkative lalong-lalo na sa ibang tao. Sa akin niya lang nasasabi lahat ng bagay dahil parehas lang sila ng kaibigan ni Miguel at halos wala namang pakialam ang mga ito lalo na kung hindi bisyo ang pag-uusapan.
Naging mahaba ang kuwento niya bago kami umabot sa silid. I greeted him. I gave him my Valentine's gift, then we both lay naked on the bed.
Naramdaman ko ang mainit na yakap niya mula sa likuran ko. Marahan ko namang hinaplos ang braso niyang mabigat na. Marahil nakatulog din siya agad.
Hindi ko namalayang matagal na akong nakatingin sa kawalan. Every night... I couldn't help but ponder. Perpekto na 'yung buhay ko kasama si Cyden. Komportable ang araw-araw. May mabait akong asawa. May masaya at buong pamilya sa Camiguin. I had nothing to ask for pero hindi ko maintindihan... bakit parang may space pa rin sa buhay ko na hindi pa rin napupuno.
Umabot na ang hating-gabi pero hindi pa rin ako nakaramdam ng antok. Maingat kong tinanggal ang pagkakayakap ni Cyden at umibis ako ng kama. I wore my night robe and stared at him as I tied the laces. He looked so peaceful... so calm, and handsome.
Inayos ko ang kumot niya at ang ilang hibla ng buhok sa noo niya bago ako tuluyang lumabas ng silid. Pumunta ako sa balcony para tawagan sina Nanay at Tatay.
I didn't expect them to answer dahil hating-gabi na, but I still tried. Gusto ko lang magbaka-sakali.
Ibababa ko na sana ang tawag pero narinig kong may nagsalita na sa kabilang linya.
"Oh, napatawag ka?" It was't Nanay, not even Tatay. It was my brother, Kuya Paulo.
"Sina Nanay?"
"Siyempre tulog na. Kung kailan hating gabi at saka ka kasi tumatawag. Manananggal ka ba?"
"Nevermind, just drop the call and stop answering calls that is not meant for you."
"Sungit mo naman, Sister. Buntis ka na ba, ha?"
Napailing ako rito. "Bakit ba gising ka pa? Galing ka na naman ba sa inuman?"
"Siyempre naman. Naaya lang, hindi naman ako makatanggi. Hindi naman ako lasing. Hindi mo na ako kailangang pagalitan. Papayag lang ako kung mas nauna kang pinanganak sa akin. Kuya mo pa rin ako."
"Yeah, hindi ko nakakalimutan. You are my older brother but you are still acting like a kid. You are turning thirty, right?"
"Psh, ganiyan ba talaga kapag matagal nang nakatira sa mansion ng mayayaman? Huwag mo nga akong ini-English, Payne Irene. Sakit mo sa ulo. Bakit nga tumawag ka? Importante ba 'yan? Gigisingin ko nanay at tatay mo, baka nag-e-exercise lang 'yung mga 'yon sa kuwarto nila."
"Hindi na, tatawagan ko na lang ulit sila bukas."
"Ikaw, bahala ka. Nga pala kailan ka ba uuwi at kailan mo ba dadalhin dito si Bayaw? Hindi dahil hindi kagandahan ang bahay natin dito eh hindi mo na iimbitahan. Aba, ang dami kaya nating magagandang view dito na p'wedeng ipagmalaki."
I knew Cyden wouldn't mind. Alam niya kung anong klase ng buhay ang meron ako at ang pamilya ko. Pinilit akong pag-aralin nina Nanay at Tatay, including Kuya pero na-disappoint ko lang sila. Huling taon ko na sa course na architecture pero hindi ko pa nagawang makatapos.
"O baka naman ayaw mo'ng bumalik dito dahil kay ano. Psh, tagal na nu'n. Matagal na rin 'yun wala rito. Tagal mo na ring kasal kay Bayaw hindi ka pa rin nakaka-move on sa ex mo? Malaki siguro sandata—"
"Kuya," agad suway ko rito.
"Hindi ka na mabiro. Alam kong nakalimutan mo na 'yung kumag na 'yon. Kung ayaw mong umuwi rito, si Bayaw na lang ang papuntahin mo. Hindi naman ako interesadong makita ka. Sawa na akong makakita ng seahorse dito."
Kahit kailan ay insensitive talaga ito. Simula bata kami ay gustong-gusto na nito na binu-bully ako at kapag nainis ako ay doon lang siya magpapakabait. Hanggang ngayon ay sakit siya ng ulo nina Nanay at Tatay. Parati na lang siyang may kaaway doon at lagi na lang may dalang problema. Hindi ko alam kung kanino siya nagmana.
"I don't want to talk about him."
"Edi 'wag."
"I will sleep now."
"Teka... malapit na birthday ko, pahingi naman pambili ng sapatos."
"Why do you need shoes? Nasa bahay ka lang naman."
"Isusuot ko sa inuman para astig. Kung gusto mo isususot ko sa bangka habang nangingisda ako para maiba naman."
Muli akong napailing. "Magpapadala ako."
"Ayon! Kaya mahal na mahal kita, eh. Ikaw talaga ang pinaka-maganda kong kapatid at paborito kong kapatid na babae."
"Ako lang ang kapatid mong babae. Hindi mo ako kailangang bolahin."
Tinawanan lang ako nito. Binabaan ko na rin ito ng tawag dahil alam ko na puro kalokohan lang ang sasabihin niya.
Napangiti ako nang bahagya. I missed them, Nanay, Tatay, Kuya, Aaron, and Sion. Masaya na ako na hindi sila nagkakasakit. Naibibigay ko sa kanila ang buong salary ko dahil hindi naman ako hinahayaan ni Cyden na mag-share pa ng gastusin sa bahay. It became a lenghty discussion between the two of us bago kami nagkaroon ng iisang desisyon.
Wala kaming kasambahay, so I handled everything at home. For the past five years, naging transparent ako sa kaniya lalo na sa mga gastusin. I made sure na may resibo at nakasulat lahat. Ayokong pag-awayan namin ang pera kahit alam kong malabo iyong mangyari.
Ano man ang tingin ng ibang tao, hindi na ako nagpapaapekto pa. It was enough that Cyden and I understood each other. Kahit kailan ay hindi ko ito hiningan ng pera lalong-lalo nang kuhanan ng pera kahit pa maliit na halaga.
Hindi ko pa siya naiimbitahan sa bahay namin sa Camiguin. Nami-miss ko na silang lahat doon pero hindi ko pa gustong bumalik. Simula nang ikasal kami, kinukulit na siya ng lahat ng tao sa bahay na pumunta roon. Paminsan-minsan ay tinatawagan siya ni Nanay at Tatay para lang kumustahin siya. Ilang beses na rin nilang nasabi sa akin kung gaano nila kagusto si Cyden dahil mabait daw ito.
I prepared food early in the morning. Inayos ko rin ang mga gamit na dadalhin at susuotin niya. That was just a simple wife duty.
Nang matapos sa kaniya ay inayusan ko naman ang sarili ko.
Kasalukuyan akong nakaupo sa couch habang sinusuot ang heels ko nang umupo siya sa paanan ko at siya na ang nagsuot niyon sa akin na madalas talaga niyang gawin. I just let him.
Nang matapos, nag-angat siya ng tingin at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Are you ready, Honey?"
Hindi ako nakasagot agad. I suddenly asked myself again... ano bang nagustuhan ko sa kaniya?
Maybe that smile, maybe him, maybe all of him.
I couldn't think of any bad things about him... pero hindi ko maintindihan kung bakit kumikirot ang dibdib ko.
Bakit parang... hindi ko pa rin nakikita 'yung hinahanap ng puso ko?
He offered his hand to me— the hand that had saved me for five years.
Maybe I was saved... but still lost... still not found.
There was still part of me left in the dark, and neither he nor I... could pull me out of it.