Chapter 2

1893 Words
PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — "You are the best cook in the world," sambit nito pagkatapos tikman ang niluto kong menudo. Napangiti ako. Kahit kailan ay hindi ito pumalyang puriin ang mga luto ko kahit iyong mga simple lang. Nasanay na rin akong mag-prepare ng lunch para baunin niya sa opisina. Sumasabay din ako sa kaniyang kumain dahil iisang kompanya lang ang pinapasukan naming dalawa, his family's company, Abellera's. He was the CEO while I worked as assistant and secretary of other executives. Nag-offer siya ng higher position para sa akin pero ginusto kong magsimula sa umpisa katulad ng ibang empleyado. Cyden was very hardworking. Wala na akong masasabi pa sa expertise niya pagdating sa business pero kahit gaano karami ang trabaho niya, hindi siya nawawalan ng sapat na oras para sa akin. He knew his priorities well, and would often reassure me that I was his top priority. Kalalabas ko lang ng cubicle nang maramdaman kong nag-vibrate ang mobile phone sa loob ng coat ko. Sinilip ko kung sino ang tumatawag. It was Bella, my best friend. Hindi ako nagdalawang-isip na sagutin ang tawag nito. "Bes, birthday ng inaanak mo bukas, ha." Napangiti ako at humakbang papunta sa harap ng salamin. I just looked at myself there. "Don't worry, hindi ko nakalimutan." "I just wanted to remind you kasi alam ko makakalimutin ka. Ayokong magtampo. Anyway, isama mo si Cyden, okay?" "I forgot to tell him about that... but yeah, I'll tell him." "Okay, see you tomorrow then, Bes." "Bye..." Binaba ko na rin ang tawag. Nauna akong umuwi ng bahay dahil mayroon pa raw ginagawa si Cyden sa opisina nito. Katulad ng lagi kong ginagawa, naghanda na ako ng hapunan. Madilim na nang dumating ito. Kahit mukhang pagod sa trabaho, nakuha pa rin nitong ngumiti nang matamis sa akin. Magaan ang mga ngiti nito simula pa nang makilala ko siya. He was really charming. Hinayaan kong bigyan nito nang marahang halik ang pisngi ko. "I can smell the food you cooked, Hon." I smiled a little at tinulungan itong tanggalin ang coat niya. And just like before, masigla itong kumain at marami itong naikuwento sa akin habang nasa hapag kaming dalawa. Pagkatapos at pagdating sa silid, tinulungan ko naman siyang i-unbutton ang sleeves niya. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa akin. He placed his hands on my waist, staring at me lovingly. "How was your day?" "I had a great day. How about you?" I looked at those pairs of hazel eyes of him bago ko muling dalhin ang atensyon ko sa pagtanggal ng butones sa sleeves niya. "I'm okay now that... I see the most beautiful wife in the world." Nangingiting napailing ako. Nasanay na rin ako sa mga pambobola niya. Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya nang mahubad ko na ang damit niya. "Birthday ni Sid bukas. Bella told me na isama kita." "I'd love to come with you, but... I guess kailangan kong pumasok sa opisina bukas. May importante akong kailangang tapusin, Hon." I nodded. "It's okay. I know she'll understand." "Sabihin mo kay Bella babawi na lang ako sa susunod o 'di kaya susubukan kong humabol." "Will do." Humalik ito sa ulunan ko bago ko siya panuorin papunta sa bathroom. Bahagya rin akong napangiti. Every time I looked at him, I couldn't help but think about how lucky I was. Kinabukasan, marami ng bisita nang dumating ako sa bahay ni Bella at ni Simon. I greeted my friends, too. Nasa dining area na silang lahat habang abala naman ang mga bata at ang ibang bisita sa pagkain at paglalaro pagdaan ko sa garden kanina. Madalang na namin makita ang isa't-isa dahil pare-parehas na kaming abala sa trabaho. Kasalukyan kaming nagkukuwentuhan tungkol sa buhay nila nang maramdaman kong umupo si Bella sa tabi ko. Hinaplos niya ang braso ko habang mayroong tila pangamba sa mga mata. "Bes..." she gulped, "hindi ko alam na pupunta siya... at saka... hindi ko alam na in-invite siya ni Simon." Kumunot ang noo ko. I was confused dahil hindi ko maintindihan kung ano o sino ang tinutukoy niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na papalapit si Simon sa direksyon namin. Wala sa loob na bumaling ako rito pero nakuha rin agad ng atensyon ko ang lalaking nakasunod sa kaniya. Hindi ko inaasahang makaksalubong ko ang pamilyar na dalawang pares ng mga matang iyon... Hindi ko nagawang ilayo ang mga mata ko sa kulay itim na mga mata nito habang unti-unti kong nararamdaman ang panlalamig ng kamay at paa ko. And that... familiar sound in my chest began to make its presence known again. Halos wala siyang pinagbago... parang walang nagbago... "Dustin..." I heard Luna call his name. It was like an alarm to me to look away. Sinubukan kong kontrolin ang malakas na kabog sa dibdib ko at halos hindi ko naramdaman ang paghaplos ni Bella sa braso ko at ang pagbulong niya sa tainga ko. "Sorry, Bes..." I hated it... I didn't even have to feel that way. "Oh my gosh, it's been years!" Isa-isa nang nagtayuan ang mga ito para lapitan at yakapin siya. I remained looking in one direction, still feeling the lump in my throat, still feeling different emotions I didn't want to feel. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-upo nito sa tapat ko. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin ay alam kong nasa akin ang atensyon niya. Bella cleared her throat. "So... Guys, I'm happy that we are complete. I... didn't expect this. Surprise to me." Wala sa loob na humawak ako sa baso na nasa tabi ng pinggan ko. Hindi ko alam kung bakit nangangatog ang kamay ko. Dinala ko pa rin ang baso sa mga labi ko dahil pakiramdam ko ay nagsisimula nang manuyot ang lalamunan ko. "Seriously, nice to see you again, Dust. Kumusta ka na?" Jane asked with so much excitement. "You surprised us! Ang pogi-pogi mo pa rin!" He chuckled. "Thanks. I've been doing great." "That's good to hear. Kailan ka pa nakauwi galing ng Canada?" "Last month." "Oh, so... you're gonna live here na for good?" tanong ni Dani. "Yeah..." "So ibig bang sabihin madalas ka na naming makakasama?" Luna asked. "Probably. I hope so." "Kumusta naman 'yung anak mo, Tol?" Simon threw a question as well. Marahan kong kinuha ang braso ng wine at iyon naman ang ininuman ko. "I'm planning to enroll him this school year." "That's great. Anyway, Irene, hindi pa rin ba kayo nakakabuo ng husband mo?" Dani shifted her attention to me na sinundan nilang lahat. Binaling ko ang tingin sa kaniya. She shouldn't have asked. Kararating lang ng kaibigan nila. Sa kaniya na sana nila binigay ang spotlight. "You are still not ready yet?" muling tanong nito. I wasn't able to answer her question dahil narinig kong nagsalita si Luna. "Five years na kayong kasal, right?" Glad I didn't. I didn't feel the urge to answer that question. Hindi ko alam if they were just being intentional. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang nila in-open up ang tungkol doon gayong kanina pa namin pinag-uusapan ang tungkol sa buhay ng isa't-isa. Bella again cleared her throat. "Ano ba kayo, twenty-seven pa lang naman si Irene, at saka 'di ba kasi Cyden is super rich? I'm sure marami pa silang ibang plano ni Irene. Right, Bes?" Bumaling ako kay Bella. She really loved saving me in situations like that kahit na hindi naman kailangan. "Oh, oo nga pala, mayaman 'yung asawa mo. You know what, you are lucky. Rich na, guwapo pa, matalino pa, mabait pa. Wala na akong masasabi kung hindi 'sana all'. Haba talaga niyang hair mo. Simula pa noon ikaw talaga ang gustuhin at ligawin ng kalalakihan sa ating lahat." "Gustuhin pero bawal. May nakabakod na," West said, grinning. Ron and Bryan also giggled habang iba't-iba naman ang naging reaksyon ng girls. Bella shook her head beside me. After their short awkward reaction, tinuon din nila ang atensyon sa kaibigan. "Dust, I heard big time ka na rin ngayon, Tol." Ron said. "Sabi ko naman sa'yo kaya mo, e." "Nakaka-proud talaga. Imagine, matindi 'yung... pinagdaan mo that time, kasi 'di ba, Irene got married to Cyden the same month, but... look, you still made it," muling sabi ni Jane. Natahimik ang buong hapag. They didn't have to mention that. Matagal ding walang umimik sa mga ito bago ko narinig ang malalim na tinig nito. It was still the same... magkahalong lamig at paos. "How about you?" Napatigil ako sa paggalaw ng mga kubyertos sa pinggan ko dahil alam kong para sa akin ang tanong na iyon. "Kumusta ka na?" Maayos kong binaba ang mga kubyertos. Ramdam ko pa rin ang panlalamig ng katawan ko, but I did my best to compose myself before giving him my full attention. Nanatiling tahimik ang buong hapag na tila ba nasa amin lang ang atensyon nilang lahat. Hindi ko alam kung para saan ang tanong na iyon. Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong sagutin pero ilang taon na ang lumipas... nakalimutan ko na dapat lahat. Binigyan ko lang ito nang tipid na ngiti bago ako sumagot. "I'm good." I was thankful enough na nabigkas ko ang dalawang salitang iyon ng hindi man lang nauutal. Nanatili itong nakatingin sa akin. He didn't hide anything from those eyes. Halo-halo ang emosyon doon, happy... hurt, sad... He looked at me like nothing ever changed... like I was still the only one he was seeing. And... it gave me an emotion that nothing really changed. The familiar heartbeat in my chest came back... iyong akala kong matagal nang patay. "Are you an architect now?" "No," I answered casually. "Why not?" "It was a choice." He no longer said anything, but remained staring at me the same way. Hindi ko alam... kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. "Ah, Guys, mag-comfort room lang ako," paalam ni Luna at narinig ang pag-atras ng silya nito. It became an excuse for me to look away. "Ako rin." Sumunod na agad si Jane sa kaniya. Dani stood up as well. "Wait, I think I have a phone call." "Tol, parang masakit ang tiyan ko. Bili lang ako ng gamot sa labas." "Hon, puntahan natin 'yung ibang bisita," narinig kong sambit ni Simon kay Bella. Then, all I knew was that we were left alone there. Mas lalo lang akong nakaramdam ng higpit sa dibdib ko. That didn't feel right. Ayoko na rin na mabasa pa niya ang mukha ko. Kinuha ko ang dala kong purse sa ibabaw ng mesa at inatras ko ang inuupuan kong silya bago ako tumayo. Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko ang bisig nitong yumapos mula sa likuran ko. Napapikit ako nang mariin. Pakiramdam ay nagsimulang dumaloy nang mas mabilis ang dugo sa buong katawan ko. I immediately felt lost. I immediately felt the warmth in my eyes. I learned from that moment na hindi nagbago ang mga yakap na iyon. Pinili kong kumawala pero hindi niya ako hinayaan. Tuluyang umagos ang maiinit na likido sa pisngi ko and I hated it. I hated it dahil hindi naman dapat... hindi ko dapat iyon nararamdaman. Hindi na dapat ulit. "I'll see you..." he whispered close to my ear, "again." Muli akong nag-ipon ng lakas para kumawala sa kaniya. Hindi ako nag-abalang lumingon. Pinili kong humakbang palayo. Katulad noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD