04 Calix

1379 Words
Nagulat ako nang bigla na lamang sumulpot ang bisikleta sa kung saan. Buti na lang at mabilis na naapakan ko ang preno ng sasakyan. "Calix! What happened?" gulat na tanong ni tita. Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni tita. Nakaupo siya sa backseat. Marahil ay sobrang nagulat ito sa biglang pagpreno ko. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. 's**t! Nakapatay ako!' sigaw ng utak ko. "Bigla po kasing sumulpot iyong nagbibisikleta," tugon ko habang tinatanggal ang suot kong seat belt. "Titignan ko lang po muna," mahinahong dugtong ko kahit ang totoo ay nabibingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko at nangingig na sa takot ang mga kamay ko. "Nabangga mo ba iho? Naku i-check mo bilis baka kailangan niyang madala sa ospital," nagpapanic na saad ni tita. Agad kong nilapitan ang babaeng nakatuwad pagkababa ako ng kotse. Ang mga tuhod nito ay nakalapat sa sementadong kalsada ang dalawang kamay naman nito ay nakasawsaw sa maduming tubig na kanal. "Okay ka lang ba miss?" muntik ko ng matampal ang noo ko dahil sa stupid kong tanong. Obvious naman na hindi ito okay base palang sa posisyon nito. Ewan ko ba kung bakit natanong ko iyon imbes na tulongan ko siyang tumayo. Hindi ako nakagalaw nang bigla itong tumingin sa akin. Siguro kung dagger ang mga mata nito kanina pa ako patay. Sobrang talim nito makatingin. Napalunok ako nang tumayo ito at galit na naglakad palapit sa akin. “Alam mong interseksyon bakit hindi ka nagdahan-dahan?” sabi nito na punong-puno ng iritasyon ang boses. “Pasensya na miss bigla po kasi kayong sumulpot,” katwiran ko. Eh totoo naman eh bigla na lamang siyang sumulpot out of nowhere. “Nakikita mo mga iyon?” napatingin ako sa tinuro nito. “Iyong mga gatas na iyon na idedeliver ko palang ay hindi pa bayad,” nakapameywang na sabi nito. Sasagot sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad na dinukot ko ito sa bulsa ng pantalon ko. Napatingin ako sa kotse. Si tita kasi ang tumatawag. Nagtataka man ay sinagot ko pa din ang tawag. “Yes po?” sagot ko. “Po? Sigurado po kayo?” naniniguradong tanong ko. Sinabihan kasi ako ni tita na papasukin ko daw itong babae sa kotse at dadalhin daw namin sa ospital. “Sige po,” sagot ko saka ko muling sinuksok sa bulsa ang hawak kong cellphone. “Nandito ba kausap mo?" sambit ng babae sa harapan ko. Pumwesto ito sa harap ng hood ng sasakyan saka nito dinuro ang windshield “Pagsabihan mo itong driver mo ah na magdahan-dahan, nakakaperwisyo eh!” galit na sabi nito. Napansin ko ang panlalaki ng mga mata nito na para bang gulat na gulat ng hawakan ko ang nakaangat nitong kamay. “Pasensya na ulit,” ani ko habang binababa ang kamay nito. “Miss baka gusto mo na sa loob po muna tayo ng sasakyan maguusap? Gusto po kayong makausap ng ti- “ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lamang niyang hinila ang kamay niya na hawak ko. Nagmamadaling naglakad ang babae papunta sa bisikleta saka ito nagpedal palayo. Napakunot ako ng noo. Pinoprocess pa ng utak ko kung ano ang nangyari. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang itong umalis. Nagtatakang pumasok na ako sa loob ng kotse. "Anong nangyari iho?" tanong ni tita. "Hindi ko nga rin po alam eh bigla na lang umalis," kibit-balikat na saad ko. "Pero kumusta naman siya, okay lang ba siya, wala ba siyang sugat? pilay? Nagflash sa utak ko ang mga matatalim na titig nito. "Okay lang naman siguro siya ang tapang eh," wala sa sariling sabi ko. Inabot ko ang seat belt at sinuot. Pagkatapos ay pinaandar ko na ang kotse. "Okay lang kaya siya?" dinig kong sabi ni tita. Ilang minuto pa ang lumipas ay nasa harap na kami ng bahay ng kaibigan ni tita. Nagpaiwan ako sa kotse at sigurado akong mabobored lamang ako kung sasama ako sa loob. Puro business lang din naman kasi ang paguusapan nila. Wala pa naman akong interes sa pagnenegosyo. Hindi rin nagtagal si tita sa loob. Wala pang 30 mins ay bumalik na rin ito. "Iho, sumaglit nga muna tayo sa flower shop, bibistahin ko lang saglit si manang Soledad," ani tita nang makaupo ito sa backseat ng sasakyan. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at binagtas ang daan papunta sa flower shop. Hindi naman iyon malayo mga ilang minuto lang ang layo mula sa bahay ng kaibigan ni tita. Kaya naman narating namin ito agad. Binaba ko si tita sa harap ng shop habang ako naman ay dumeretso sa parking lot. Pagkatapos kong maiparada ang sasakyan at masiguradong nalock ko ang pinto ay naglakad na ako patungo sa shop. Bahagya akong nagulat nang sabay sabay na lumingon si tita at ang dalawa pang kasama nito pagkabukas ko ng pinto. Hindi ko alam ang gagawin. Mag ha-hi ba ako? Palihim akong natawa sa naisip kong iyon. Nagpakawala ako ng alanganing ngiti saka ko marahan na sinira ang pinto. Kumunot ang noo ko nang maglakad iyong babaeng pandak na kausap ni tita palapit sa akin. 'Teka familiar 'to ah, ito iyong babae kanina,' bulong ko sa sarili. Hinding-hindi ko makakalimutan ang nakabusangot niyang mukha katulad ngayon ganitong-ganito din ang mukha nito kaninang umaga. Naniningkit ang mga mata. Nanunulis ang mga nguso at pulang pula ang mga pisngi. 'Ang cute,' sabi ng utak ko na naamaze sa babaeng pandak na 'to. Parang ang sarap niyang bitbitin at asar-asarin. "Anong kinu-kunot kunot ng noo mo? sabi nito. Matiim itong nakatingin sa akin. Lalo akong naamaze ng makita ko ang nagkasalubong niyang mga kilay. Mas lalo siyang naging cute. "Kita mo 'to?" sabi pa nito habang tinuturo ang sarili. "Ikaw ang may kagagawan nito. Kaya huwag mo kong makunot-kunotan ng noo," 'Ang cute talaga ng babaeng ito,' sigaw ng utak ko. "Sandali apo, anong nangyayari?" Dumako ang tingin ko sa nagsalita. Kay lola Soledad. "Itong lalaking to lola ang muntik ng bumangga sa'kin," sumbong ng babae kay lola. "Siya ang dahilan kung bakit ako nalate kaya hindi ako nakapagexam! Kaya ako bumagsak!" dagdag pa nito 'Apo pala ni lola Soledad ang babaeng ito, parang ngayon ko lang siya nakita,' "Si sir Calix?" hindi makapaniwalang saad ni lola. "Si sir Calix ang muntik ng bumangga sayo?" dagdag na sabi ni lola sa tono na naninigirado. Bumaling si lola sa akin. "Sir Calix totoo ba?" Napatikhim ako oras na para depensahan ang aking sarili. "Lola kasi-," hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang magsalita si tita. "Ako na ang magpapaliwanag Calix," sabi nito. "Actually iha, sasakyan ko yung kanina, si Calix at ako yung muntik na makabangga sa'yo, Pasensya ka na," hinging paumanhin ni tita. Napansin kong natahimik ang babae hindi ko alam kung anong iniisip niya. Unti-unting nawala ang pagkakabusangot ng mukha niya napalitan ng parang nahihiya. 'Napakaganda niyang pagmasdan,' ani ng isip kong tila ba dinuduyan sa ulap. Napakurap ako ng tawagin ako ni tita. Niyaya niya kasi ang pandak na babae na sobrang slow din pala. Hindi pa niya nagegets na pupuntahan namin iyong professor niya. Pinagmaneho ko sila papunta sa school. Ako si Calix bunsong anak ng nakababatang kapatid ni tita. Dalawa lang kaming magkapatid at nasa syudad sila mama kasama na si papa. May builder's company si mama. Pinama ito sa kanya sa kasamaang palad ay palugi na ang kompanya. Si papa naman ay secretary daw ng isang kompanya. Iyon ang sabi niya. Pero isang araw, hindi sinasadyang nalaman ko ang totoong trabaho niya. Ang boss nito ay isang druglord. Si kuya Henson, pagkagraduate nito ng kolehiyo ay naadik na ito sa night life. Nalulong na din ito sa droga.. College student palang ako pero graduating na. Architecture ang kurso ko at fourth year na. Malapit na akong grumaduate. Sem break namin kaya nandito ako ngayon sa Sta. Ignacia. Ayokong manatili sa bahay at puro away lang ang maririnig doon. Rest day ngayon ng driver ni tita kaya ako ang nagsilbing driver niya ngayon at para mafeel ko na driver talaga ako. Sinuot ko ang uniform ng driver nito. Ilang sandali pa ay natanaw ko na sina tita na palabas na ng school building. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan habang inaantay ko silang makasakay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD