02 Lola Soledad

1202 Words
Ten five na ng umaga! Mabilis akong bumaba sa bisikleta nang marating ko ang bike parking na nasa loob ng school campus. Napatingin ako sa apat na palapag na school building na nasa harap ko. Hindi ko mapigilan mapamura. Tang ina naman kasi nasa third floor ang room kung saan kami magdedemo at walang elevator ang school, haaay! Nagmamadaling tinungo ko ang entrance ng building. Tumakbo na ako nang makita ko ang hagdan. Maya’t maya akong nag eexcuse at nagsosorry kapag may nasasagi ako at nakakasalubong o may sinusundan ako na mababagal maglakad. Sobrang nakakairita diba kapag nagmamadali ka tapos may magbabarkadang mabagal at pasexy na naglalakad habang nagpapakawala ng pacute na tawa at okopado pa nila ang buong hall way. At ito pa ang sobra sobrang nakakainis iyong magjowa na naghaharutan at sobrang showy na sobrang bagal maglakad sa gitna pa man din ng hall way. Saglit akong huminto sa pagtakbo nang marating ko ang paanan ng hagdan papuntang third flor. Hinihingal na napatingin ako sa relo ko. “s**t! Late na talaga ako,” Muli kong tinakbo paakyat ang hagdan. Agad kong binagtas ang daan kung nasaan ang classroom namin nang marating ko ang thrid floor. “Miss Ellen Diaz, stop running,” Automatic na napahinto ako sa pagtakbo. “S-sir! g-goodmorning sir,” bati ko sa professor na nakasalubong ko. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang professor na nakasalubong ko. Walang iba kundi ang professor sa prof ed subject kung saan ako magdedemo. “Your late!” seryosong sabi nito. Napayuko ako. Hindi ko kayang salubongin ang matiim na titig nito. “Anong oras ang usapan natin?” “Ten `o clock sir,” mahinang tugon ko. “And?” Napalunok ako. “Ikaw lang ang hindi nakapagdemo, katatapos lang ni Sheena magdemo ten minutes ago, and I waited for you for ten minutes,” napansin ko ang pagtingin nito sa relo nito. “You are a future teacher at ganyang example ang ipapakita mo sa mga estudyante mo? Punctuality is a must hindi pwedeng pinaghihintay ang mga estudyante,” mahina pero madiing sabi nito. “I’m sorry but you failed this exam, ipagdasal mo na lamang na kayang buhatin ng class standing mo ang grades mo ngayong finals para pumasa ka,” seryosong sabi nito sa akin. “Sir baka pwedeng- “natahimik ako nang bahagyang itaas nito ang kamay nito. “First day of class palang sinabi ko na ang mga rules,” “Yes po sir. Pero kasi sir- “ “Uh uh, and please bago ka pumasok make sure na malinis ang uniform mo make yourself presentable at all times,” iyon lang at humakbang na ito palayo sa akin. Napatingin ako sa uniform ko. Hindi ko napansin na natalsikan pala ito ng maduming tubig sa kanal. Natetense na nagmamadaling pinagpag at kinuskos ko ang mga duming tumalsik sa suot kong uniform. Nang sa tingin ko ay okay na nag-angat ako ng tingin para makiusap sana sa professor namin pero wala na pala ito sa harap ko, lumingon ako para hanapin siya at habulin sana pero ni anino niya ay hindi ko na makita. Nagmamadaling naglakad ako papunta sa faculty pero nakasara ang pinto. Nakakahiya naman kapag kumatok pa ako. Napabuga ako ng hangin at nanlulumong nilisan ko ang school. “La! Andito na po ako,” matamlay na sabi ko ng marating ko ang flower shop. “Oh, apo nandito ka na pala,” sabi ni lola. Saglit itong tumingin sa akin, binalik din nito agad ang tingin sa ginagawa nito. Nasa counter ito at inaasikaso ang isang costumer. Walang buhay na pasalampak akong naupo sa sofa at nangalumbaba. Napatingin ako sa tasa ng tsaa na marahang nilapag sa harapan ko. Bago ako tumingin sa taong naglapag 'nun. Bumungad sa paningin ko ang nakangiting mukha ni lola. Umupo ako ng maayos bago ko kinuha ang tsaa. Humigop ako ng kaunti tsaka ko ito nilapag ng marahan sa lamesa ang mga kamay ko ay nanatiling nakahawak sa tasa. "Habang tumatanda ang tao ay madalas itong makakaranas ng disappointments," marahang umupo si lola sa upuan na nasa harapan ko. "Pero lagi nating isaisip na panandalian lamang ito sapagkat lahat ng pagkadismaya, kalungkutan, hinanakit at iba pang negatibong damdamin ay may kasiyahang kapalit," hinawakan ni lola ang kamay ko na nakahawak sa tasa. "Lahat ay may hangganan kaya kahit gaano man kabigat sa dibdib mawawala din, lilipas din, lahat ng problema may solusyon," nakangiting sabi nito habang nakatitig sa akin. "So ngayon ano ang nangyari? Ikwento mo, makikinig si lola," anito. Tinanggal ni lola ang mga kamay niyang nakahawak sa mga kamay ko. Sumandal siya sa sandalan ng upuan. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatitig sa akin na tila ba inaantay ang mga sasabihin ko. Napatikhim ako at muling uminom ng tsaa. "Kasi naman lola hindi ako nakapagdemo, hindi ako nakapagexam," nakatungo na sabi ko. "Nalate kasi ako," malungkot na dugtong ko. "Paano naman kasi," nagangat ako ng paningin at tumingin ako kay lola. Muling nabuhay ang paginis na naramdaman ko kanina. "Alam mo ba lola kanina 'nung nagdeliver ako, jusme! Muntik na akong mabangga lola. Buti na lang at naiiwas ko iyong bisikleta ko, naku kung hindi baka nasa ospital na ako ngayon," Natigil ako sa pagkwento nang makita ko ang pagbabago ng expression sa mukha ni lola napalitan ito ng pagaalala. "Wala bang masakit sayo?" napapitlag ako nang biglang tumayo si lola at lumapit sa akin. "Jusko naman kasing bata ka, hindi ka talaga nag-iingat," tinaas niya ang suot kong uniform tsaka niya tinignan ang likod at tagiliran ko pagkatapos ay sa mukha ko naman siya tumingin. "Lola okay lang po ako hindi naman po akong napano," "Ito na nga ba sinasabi ko eh," anito habang nakatingin sa palad ka na nagasgasan. Nagmamadaling niyang kinuha ang medicine kit. "Lola wala ito! Gasgas lang," "Anong gasgas lang manahimik ka," kinuha niya ang palad ko at nilapatan ng bulak na may alcohol. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang paguhit ng kirot na nagmula sa palad ko. "Sino ba itong nakasagasa sayo? Namukhaan mo ba? Anong kulay ng sasakyan niya? Plate number ng sasakyan niya nakita mo ba, ha, apo? Ipapapulis natin," sunod-sunod na tanong ni lola. "Ang OA naman lola," natatawang tugon ko. "Huwag kang tumatawa-tawa dyan! Aba! Hindi biro ang madisgrasya," Natahimik ako saglit. Naalala ko ang nanay at tatay ko marahil ay natrauma si lola sa nangyari sa kanila. Napangiti ako tsaka ko niyakap ng mahigpit si lola. "Opo mag-iingat na po ako sa susunod, sorry na lola," sabi ko sabay tanggal sa mga kamay kong nakayakap sa kanya. Mabilis naman itong tumalikod. Hindi nga ako nagkamali sa hinuha ko sapagkat hindi nakaligtas sa paningin ko ang mabilis na pagpunas ni lola sa mga luha niya. Kahit nakatalikod siya alam kong luha niya ang pinunasan niya. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit mula sa likuran. "Magiingat na po talaga ako sa susunod, pangako!" "Oh siya, ubusin mo na yang tsaa at lumamig na," anito habang kumakawala sa pagkakayakap ko. "Opo," nakangiting tugon ko. "Wala ka na bang ibang sugat?" sumisinghot na tanong nito. "Wala na po," "Pagkatapos mo dyan, maligo ka na ha? At amoy kanal ka," Napasimangot ako sa tinuran niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD