Prologue

812 Words
"Tatanga-tanga ka Calix!" dinig kong sigaw ni Raquel. Binilisan ko ang paglalakad palapit sa kwarto na kinaroroonan nina Calix at ang ina nitong si Raquel. Maingat na sumilip ako sa siwang ng bahagyang nakasarang pinto ng kwartong iyon at nakita ko si Calix na nakaupo sa sofa habang nakayuko nasa tabi nito ang kuya nitong si Henson na prenteng nakaupo. Si Raquel naman ay nakatayo sa harap ni Calix. Pulang-pula ang mukha nito dahil sa galit. Ang tatay naman ng mga ito na si Diego ay hindi mapakali sa kinauupoan nito. Muling nagsalita si Raquel. "Napakabobo mo! Bakit mo siya niligtas?! Hinayaan mo na sanang namatay yang lintik na Ellen na 'yan sa sunog!" "Nasayang tuloy ang effort ko na sunogin ang bahay pahingaan sa farm," boses iyon ni Henson. Napahawak ako sa bibig ko nang marinig ko ang sinabi nito. Kumunot din ang noo ko dahil sa pagkalito. 'Ang sunog kanina? Si Henson ang may gawa?!' hindi makapaniwalang hiyaw ng utak ko. Napakurap ako nang maalala ko ang sinabi ni Raquel kanina. "Napakabobo mo! Bakit mo siya niligtas?! Hinayaan mo na sanang namatay yang lintik na Ellen na 'yan sa sunog!" 'Anong ibig sabihin nito?' nagtatakang tanong ko sa sarili. Bigla kong naalala lahat ng aksidenteng nangyari sa buhay ko simula nang magpakasal kami ni Calix. Napasandal ako sa pader dahil sa panghihinang naramdaman ko. Parang tinutusok ng milyong-milyong kutsilyo at dinadaganan ng mabibigat na bato ang puso ko. Sobrang bigat at sakit ng loob ko. Hindi ako makapaniwala na kaya nilang gawin sa akin ito. "She is my wife!" matigas na sabi ni Calix. "Oh yeah? Your wife?" nangungutyang saad ni Raquel. "Asawa mo sa papel! Sa papel lang Calix! Nakalimutan mo na bang pinagplanohan natin ito. She will be dead after your marriage. Huwag na huwag kang makakalimot sa pinagusapan natin Calix!" Muli akong nabigla sa sinabing iyon ni Raquel. Ibig sabihin ba nito simula pa noong una ay pinag-isipan na nila akong patayin? Pero bakit? Dahil ba sa akin pinama ang kayaman ng kapatid nitong si Anita? At si Calix? 'Si Calix...kasabwat siya? Pero...gusto niya rin akong patayin?' Parang gumuho ang mundo ko sa isiping kasabwat ng mga ito si Calix. Pakiramdam ko ay paulit-ulit na dinurog-durog ang puso ko. 'Paano nila nagawa sa akin 'to?' Niloko nila akong lahat. Nang dahil lang sa pera gaganitohin nila ako? Paglalaruan nila ako?' Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha ko. 'Calix! Akala ko ba mahal mo ako, akala ko ba hindi mo ako sasaktan. Nangako ka, nangako ka!' sigaw ng isip ko. Napapikit ako ng mariin. "Huwag mong masabi-sabing asawa mo iyong babaeng iyon. Dahil hindi mo siya mahal! Hindi mo siya minahal! Kaya tigil-tigilan mo ako sa katangahan mo at ayusin mo ang pinapagawa sa'yo. Pera na Calix naging bato pa!" punong-puno ng galit na litanya ni Raquel. 'Please Calix sabihin mong mahal mo ako,' sigaw ng umaasa kong isipan. Gusto ko ng umalis pero ayaw sumunod ng mga paa ko. Naghintay ako ng ilang sandali. Nagbabakasaling marinig ko na sabihin niyang mahal niya ako. Pero madami nang sinabi si Raquel ay hindi man lang nagsalita si Calix. Wala itong dineny. Wala akong narinig na boses niya. Wala itong tinanggi. Tumalikod na ako at nilisan ang lugar na iyon. Hindi na kaya ng puso ko sobra-sobra na ang katotohanang nalaman ko ngayon gabi. Hinayaan ko lamang ang mga paa ko na dahil ako sa kung saan hanggang sa manghina na ang mga tuhod ko. Wala sa sariling basta na lamang ako umupo. Naramdaman ko ang magaspang at matigas na sementadong daan na dumikit sa balat pero hindi ko na ito pinansin. Tulala akong nakatingin sa kawalan. Abala ang isip ko sa pag iisip kung totoo bang minahal ako ni Calix o talagang naghahanap lamang ito ng tamang oras para patayin ako. Umiling ako ng marahas para iwaglit sa isipan ko ang isiping iyon. "Please sana magising na ako, hindi ito totoo. Hindi totoo ang lahat ng ito," malakas na sabi ko sa sarili ko na para bang kinukumbinsi ko ito. Pinagsasampal ko ang magkabila kong pisngi. "Ellen gising! Gumising ka na sa bangungot na 'to. Nangako siya, mahal niya ako. Mahal na mahal niya ako?" hindi ko na napigilan at napahagulhol ako ng iyak. Naalala ko ang masasayang alaala namin ni Calix. Ang masayang mukha nito, ang napakalakas na tawa nito, ang pagiging malambing niya at pagiging maalagain. Ilang beses niya ring pinatunayan sa akin na tapat siya sa akin. Lahat ba ng iyon ay pagpapanggap lang? Ang galing niya para siyang artista sa galing. Parang totoo lahat ng pinakita niya hindi ko naisip na may iba pala itong balak. Napakasakit isipin na iyong taong minahal ko, pinagkatiwalaan ko ay isa sa mga taong gusto akong gawan ng masama. Kasunod 'nun ang pagpapakawala ko ng nakakarinding sigaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD