07 Building Rapport

815 Words
Kasalukuyan akong nakaupo sa bench dito sa loob ng school campus. Pinapasadahan ko ng tingin ang mga instructional materials na gagamitin ko mamaya sa demo teaching ko. Ngayon araw kasi iyong napagkasunduan namin ni sir Ely para sa exam ko. Tumingin ako sa suot kong uniform sinigurado ko na wala itong kahit anong dumi o kusot man lang. Pinagpag ko ang ilang hibla ng falling hair sa balikat ko. Kinuha ko ang lesson plan ko at muli ko iyong binasa. Tumayo na rin ako para makapagpractice. "Magandang umaga mga bata," nakangiting bati ko sa kawalan. Mayamaya ay napakunot ako ng noo. 'Mga bata eh secondary education ako hindi elementary,' bulong ng utak ko. "Take two," bulong ko. Tumayo ako ng tuwid saka ngumiti. "Magandang umaga!" napangiwi ako hindi kasi maganda ang pagkakabigkas ko. Tumikhim muna ako bago muling nagsalita "Magandang umaga mga mag-aaral," "Magandang umaga din po!" Napapitlag ako nang may tumugon. Awtomatikong napatingin ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Napabuga ako ng hangin. "Ano na naman bang ginagawa mo rito?" iritadong tanong ko kay Calix. Nakaupo ito sa bench na may isang metro ang layo mula sa kinauupoan ko. Ngumiti ito saka nagkibit ng balikat bago nagsalita. "Watching you," "At paano ka nakapasok dito? hindi ka estudyante dito ah!" angil ko. Ngumiti lang ito. "Bakit ka ba ngiti ng ngiti, may sira ka ba?!" naiinis na sabi ko. Tumayo ito at mabilis nitong kinuha ang hawak kong lesson plan. "Hoy!" tanging nasambit ko dahil sa gulat. "What? I'll help you," anito saka ito tumingin sa lesson plan. "How's this? Am I gonna act as your student?" nag-angat ito ng tingin. Napalunok ako. Napakaganda talaga ng mga mata nito. Wala sa sariling napangiti ako nang ngumiti ito. 'Ang gwapo!' kinikilig na sigaw ng utak ko. "Hi! Calix honey!" Ang mga ngiti ko ay biglang napalitan ng pagbusangot ng mukha nang marinig ko ang matinis na tinig ni Clara. Napatingin ako sa papalapit ng grupo nina Clara. As usual kasama nito ang dalawang alepores niya. Dumeretso si Clara kay Calix. Pinalupot nito ang mga kamay nito sa braso ni Calix saka ito nagmake face na parang two years old na bata. "Pemente ke be dete pere beshetehen ake," ani Clara sa nagpapacute na boses. Lumalim ang pagkunot ng noo ko. 'Pucha! Pabebe!' bulong ko sa sarili. "Unfortunately, no!" tugon ni Calix. "Can you please stop using that pemente ke be dete tone it's kinda annoying, sorry," malumanay na dugtong nito. Muntik na akong matawa buti na lang napigilan ko. Straight forward si kuya. 'Buti nga sayo,' nandidilat na sambit ng utak ko. "Mapagbiro ka talaga hon," natatawang sabi ni Clara habang nagpapacute. Bahagya pa nitong kinirot kunyari ang braso ni Calix. "Can you please hatid me sa car ko?" malandi nitong turan. Muli itong yumakap sa braso ni Calix saka nito iyon hinila. "See you later," nakangiting sabi ni Calix sa akin bago ito naglakad kasama sina Clara. Sinundan ko lamang sila ng tingin. 'Ano kayang pakiramdam kapag yakap ka ng matitipunong mga braso nito?' tanong ko sa sarili. Bahagya akong nakaramdam ng inggit. 'Buti pa si Clara nahahawakan at nayayakap niya si Calix,' "Ellen are you ready?" Napatingin ako kay sir Ely na nasa tabi ko na pala. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya. "Yes po sir," tugon ko sa tanong nito. "Good! Sa room 3-B tayo, I'll meet you there after five minutes," anito bago naglakad palayo sa akin. Kinuha ko ang mga gamit ko saka ako dumeretso sa room na sinabi ni sir. Agad na sinet up ko ang mga gagamitin ko pagkadating ko sa room. Kinonek ko iyong laptop ko sa flat screen tv na naroon sa room na iyon at binuksan ang power point presentation ko. Inayos ko na din iyong mga ginupit kong papel ayon sa pagkakasunod sunod para hindi ako malito mamaya. Kumabog ang dibdib ko nang hindi ko mahanap ang lesson plan ko. "Saan ko ba nilagay iyon? Bakit iisang kopya lang to?" tanong ko sa sarili. Dalawang kopya lang kasi ang pinaprint ko. Kopya ko at kopya naman ni sir iyong isa. Huminto ako sa paghahanap nang malala kong kinuha ito Calix. "Bwisit talaga iyong lalaking iyon," pumapadyak na saad ko. "Lagi na lang akong minamalas kapag nakikita ko iyon, tsk!" Lalabas sana ako ng room para magpaphoto copy nang makasalubong ko si Calix sa may pintoan. Naningkit ang dalawa kong mata na nakatingin sa kanya. "Whoa! What's that for?" natatawang tanong nito. Nangingit-ngit na hinablot ko ang hawak nitong bond paper. "Perwisyo ka talaga!" angil ko. "Huwag kang lumalapit-lapit sa akin at minamalas ako!" marahas na sinara ko ang pinto. Nagmamadaling naglakad ako pabalik sa mesa at inayos ang mga dapat ko pang ayusin. Ilang sandali pa ang lumipas ay muling bumukas ang pinto at niluwa niyon si sir. At may kasama ito? 'Calix?' kunot-noong tanong ko sa sarili. 'Anong ginagawa nito dito?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD