Ngayon ang araw ng aking interview sa trabaho dito sa maynila sa tulong ng aking kaibigan na si LALI,sakanya rin ako pansamantalang nakatira.Maaasahan siya at kaisa isahang kaibigan ko na tunay ,maalaga din ito kahit na minsan masakit itong mangaral sa pananalita yung tipong tatagos talaga sa buto haha.pero yun ang isang katangian niya na nagustuhan ko,ang pagiging tunay nya.Aalis siya papuntang Canada sa susunod na buwan para magtrabaho kaya nais niyang ako ang tumuloy ng pag upa dito sa apartment na tinitirhan niya at sang ayon naman ako dahil sa hirap maghanap ng matitirhan ngayon.
"Good Morning po maam". sabi ko sa isang babae n.a. medyo may edad n.a..
"Sumunod ka saakin at naghihintay na si ma'am Jacky na mag iinterview sayo." ang sabi niya saaken habang nakangiti at agad ko naman itong tinanguhan.
Pagkabukas ng malaking salamin na pinto bumungad saakin ang napakagandang babae at ubod ng puti,tingin ko may halong foreigner kasi may pagkablue ang mata. "ang ganda para siyang barbie" sabi ko sa isip ko.ngumiti sya saakin ng mapansin na napatitig na pala ako sa maganda niyang mukha.
"Are you done checking on me?" sabi niyang nakangiti na ikinahiya ko kaya napayuko nalang ako.
"Sorry po maam".
"Siya si ma'am Jacky ang mag iinterview sayo." sabi ng may edad n.a. babae,ngumiti ito saakin at bumalin Kay ma'am Jacky at nagpaalam na ng tumango ito.
"Hi! my name is Jacky Smith,need ko ng maaasahan at masipag sa trabaho so I'm hoping na sana ikaw na iyon."
Inabot kami ng isang oras mahigit sa pag uusap,kung totoosin parang hindi iyon interview kasi ang usapan namen ay tungkol sa probinsya,kung maganda daw ba doon na sana makapunta siya someday at kung anu anu pa.Nabigla nalang ako ng bigla siyang tumahimik at naging seryoso sabay sabing "Kelan mo gustong mag start bilang assistant ko?"
Sa pagkabigla napanganga ako at tila ayaw mag sync in sa utak ko ang sinabi nya,na ikinatawa nya..
"Ayaw mo ba?I'm hiring you."
"Gusto ko po!gustong gusto po ma'am.pasensya na po nabigla lang po talaga ako hindi ko po kasi expect na magkakaroon na ako ngtrabaho". sabi kong nakangiti na tinangu tanguhan naman nya..
"Pwede po bang pumasok na agad bukas ma'am?kailangan ko po kasi talaga,ako lang po inaasahan ng mga magulang ko,matatanda na po kasi sila at may kapatid pa po akong nag aaral".
"Oo naman,mas gusto ko nga iyon eh alam mo bang ang gaan ng kalooban ko sayo."
napakabait niya,at thank u lord kasi tinulungan nyo akong mkahanap kaagad ng trabaho may bunos pang mabait na boss sabi ko sa isip ko habang pangiti ngiti. napahinto ako sa pag ngiti ng magsalita ulit siya.
"Siya nga pala same age lang tayo at gusto kong ituring mo akong kaibigan."
sabi niya habang nakangiti na ikinatuwa ko actually 29years old na ako at nung sinabi niyang same age lang kami pero parang ang hirap paniwalaan kasi mukha lang itong nasa 23 ganun.
Nang magsimula akong magtrabaho ay mas lalo kong nagustuhan ang pagpasok neh minsan hindi sumagi sa isip ko na umabsent.Nakakatuwa ding isipin na naging kaibigan ko si Jacky.lagi kaming magkasama o kumakain sa labas,syempre sya ang taya mayaman siya eh haha samantalang ako ay mahirap lang.
8months na ako ngayon sa trabaho at naging sobrang close namin sa isat isa ni Jacky kahit sa trabaho ang tawag ko sakanya ay Jacky narin dahil iyon ang gusto niya.
"Shane syanga pala dadating ang brother ko from london,he will manage the company for 3-5months nerequest kasi ni dad iyon so be careful kasi sobrang sungit nun Haha."
"Bakit eh andito ka naman para mag manage ng company nyo."
"hahaha ayokong umangal baka ipatapon ako ni dad sa London,eneenjoy ko lang ang pagtatrabaho dito kesa naman mapunta ulit ako sa abroad boring dun mas masaya dito." napasimangot nalang ako sa tinuran niya.
"Kelan dating ng brother mo?ilang taon na siya?naku baka konting pagkakamali ko lang tanggalin agad ako nun." bigla nalang itong humalakhak sa sinabi ko yung tawang ang lakas tapos di bagay sa maganda niyang mukha.
"Actually mamayang gabi ang dating nya pero sa rest house niya siya tutuloy, bale sa Saturday pa siya papunta dito kaya easy ka lang,he's 32years old nga pala.alam mo bang 6 years ng walang jowa yun ha hahaha."
anu naman ang nakakatawa dun sa isip isip ko,iton babaeng ito talaga parang ewan.mas maganda nga atang walang lovelife kesa meron nga sakit naman sa ulo ang dala.
"Bakit naman sa edad niyang iyon diba dapat may asawa't anak na siya?bakla ba?" walang gana kong tanong habang naglalaro ng bestfiend sa aking cellphone.
"Hindi noh niloko kasi siya nung b***h halos mabaliw nga siya ng dahil dun,yun din ang dahilan kung bakit naging strikto at masungit siya."
"sus sa dami ng babae sa mundo magpapakatanga siya sa isang manloloko" iiling iling kong saad
"Yun na nga eh kaya never na siyang nagseryoso sa mga babae,pero malay mo baka kayo pala sa isat isa ang nakatadhana Ahahaha."
Bigla akong napaangat ng tingin sakanya at tinaasan siya ng kilay.sasagot pa sana ako ng biglang mag ring ang cellphone nya at sumenyas na sasagutin lang niya ito.
"Shane I have to go ingat ka sa pag uwi ha,bukas sunduin kita total walang work mga tanghali date tayo ulit."
sabay kindat saaken na akala mo lalaki,napatango nalang ako,yumakap muna ito bago magpaalam.