Chapter 5

1304 Words
Isabella's POV "Whoa!" Tumigil ang kabayo sa harap ng malaking gate na may signboard sa gilid. Villa Romano. "Romano?" "Welcome home, Isabella!" Kinindatan ako ng lalaki habang nakangiti ito sa akin. "Home?" Pinilit kong bumaba mula sa kabayo nang unti-unting maintindihan ang nangyayari, pero mahigpit ang kapit sa akin ng lalaki. Nang bumukas ang mataas na gate, bumungad sa akin ang malawak na bakuran na napaliligiran ng mga armadong lalaki. "Ah!" Nagpatihulog ako sa madamong lupa nang tuluyan niya akong bitiwan. I tried to run back outside, pero mabilis nilang naisara ang malaking gate. "Hinihintay ka na ni Papa!" Papa? Bumaba mula sa kabayo ang lalaki at lumapit sa akin. Malakas ko itong sinampal, pero parang wala lang sa kaniya ang sampal ko. Ni hindi natinag ang mukha niya at nakatingin pa rin sa akin habang nakangisi. "Niloko mo ako! Isa ka pala sa kanila!" "I didn't say I wasn't." Nagkibit siya ng balikat. "Hayop ka! Kung gaano kaguwapo ang mukha mo, ganoon ka rin kasama! Mga demonyo kayo!" "Wow, I sincerely thank you. Hindi ko inaasahan na magaguwapuhan sa akin ang nag-iisang anak na babae ni Enrico Altagrasia." Natigilan ako sa sinabi nito. Ngayon ko lang napagtanto ang nasabi ko. "Animal!" bulyaw ko sa kaniya bago naghanap ng paraan para makalabas. Muling bumukas ang gate, tatakbo sana ako pero mabilis akong pinigilan ng hayop na lalaking ito! Napasinghap pa ako nang bigla niya akong niyakap mula sa likuran at binaon ang mukha sa aking leeg. Nandiri ako nang simulan niya akong amuyin sa leeg. "Hmm, you smell like a strawberry. Ang bango mo." "B-bitiwan mo ako! Manyak!" Sinubukan kong kumawala pero lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Nagpumiglas na ako at sumigaw, pero hindi man lang ito natinag. Umibis mula sa big truck ang lalaki na kanina ay sinipa ko. Galit na galit ang mukha nito at parang kakain ng tao. "Hayop iyang babaeng iyan!" Umangat ang kamay nito sa ere nang makalapit sa akin at akmang sasampalin ako, pero napigilan ito ng lalaking nakayakap sa akin. "Gun, may atraso sa akin ang babaeng iyan!" Tuluyan akong nakawala nang lumuwang ang pagkakayakap sa akin ng lalaking tinawag nito sa pangalang Gun. "Don't touch her. Kay papa ang babaeng ito." "Papa?" napatingin sila sa akin. Napansin kong kumunot ang noo ni Gun nang matitigan nito ang mukha ko. He grabbed my chin and turned my left face towards him. "What happened to your lips?" Marahas kong itinulak ang kamay niya. Nang makitang seryoso itong nakatingin habang hinihintay ang sagot ko, binalingan ko ang lalaking sumampal sa akin kanina. Nagdilim ang mukha ni Gun. "Ikaw ba ang may gawa nito?" Gun greeted his teeth. "I thought I told you, never lay a hand on her!" "Siya kasi, boss—" Napasinghap ako nang bigla itong sinampal ni Gun. Paulit-ulit. Bawat sampal ay nag-iiwan nang mapulang marka sa mukha ng lalaki hanggang sa dumugo ang labi nito. "Pag-aari ni Papa ang babaeng ito! Sinabi ko nang ingatan n'yo siya!" "Hindi ako pag-aari nino man!" sigaw ko na ikinatigil nila. Nilingon ako ni Gun. Binunot nito ang baril sa tagiliran ng lalaki at habang nakatingin sa akin, kinasa nito ang baril na iyon at pinaputukan sa isang paa ang lalaki. Umawang ang mga labi ko sa takot. Nanginginig akong napatakip ng bibig habang nakaluhod sa lupa at malakas na dumadaing ang lalaki. Oh my God! Anong klaseng mga tao ba itong mga ito? Saang impyerno sila galing? Napapitlag ako nang bigla akong lapitan ni Gun at sapilitang hinila. "No! Let go of me! Ayokong sumama sa iyo! Papa! Help me, papa!" "Wala na ang papa mo para tulungan ka! Amin ka na ngayon!" "What are you saying? Baliw ka! Darating ang mga kuya ko! Babawiin nila ako at ipapakulong nila kayo!" Bigla akong hinarap nito. Nagbabaga ang mga mata niya. "Darating kamo ang mga kuya mo? Don't worry, sweetie. Iyon ang pinakahihintay ko!" Nalukot ang mukha ko sa narinig. "What?" "Uubusin ko ang angkan n'yo hanggang sa wala nang matira! You hear me?" "Ano bang kasalanan namin sa inyo? Mga demonyo kayo!" Bigla itong tumawa nang malakas. "Oh, trust me, sweetie, between our families, hindi kami ang demonyo." Nagtaka ako sa sinabi niya. Nag-umpisang umikot ang paningin ko nang makapasok kami sa malaking bahay. Spanish type villa ito at malawak ang espasyo sa loob dahil walang masyadong kagamitan maliban sa iilang paintings at jars na mamahalin. Bago pa namin maabot ang hagdan, tuluyan akong nawalan ng malay. I WOKE UP with my head pounding. Madilim ang paligid at kahit saan ko ibaling ang paningin ko, wala akong maaninag na kahit kaunting liwanag. Nakapiring ang mga mata ko. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay at paa ko, pero saka ko lang nalaman na nakatali ito sa kamang kinahihigaan ko. Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko. "Help me... please... help!" Natigilan ako nang makaramdam ng mga yabag sa paligid. Hindi ako nag-iisa! "May tao ba dyan? Please, tulungan n'yo po ako!" Muli akong natigilan nang marinig ang mahinang pagtawa. Sunod ay inalis ng kung sino ang piring sa mga mata ko. Bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Gun. Mabilis akong nag-iwas ng mukha at pumikit. "Lumayo ka sa akin!" Nakarinig ako nang pagkabasag ng isang bagay na ikinagulat ko. Hinawakan ako nito sa baba at pilit na pinaharap sa kaniya. Kulay light brown ang mga mata niyang nag-aapoy sa galit habang nakatitig sa akin. "Sayang ka. Maganda ka pa naman pero kay papa ka mapupunta." Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko dahil sa narinig. "A-anong ibig mong sabihin?" "Just like what your brother did to my little sister, my father will make you his slave in bed." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko na nabigyan ng pansin ang iba nitong sinabi. Nanuot sa isipan ko ang huling mga salita nito. "A-ayoko... " Nginisian niya ako. "You don't have much choice, you know." Kinuha nito ang isang bote ng mamahalin na alak sa side table, saka tumungga roon. Ngayon ko lang napansin ang basag na baso sa sahig. Ito siguro ang narinig ko kanina na nabasag. "P-please, tulungan mo ako... iligtas mo ako." "Isang Romano, ililigtas ang Altagrasia?" Muli nitong nilapag ang bote at bumaling sa akin. "Alam mo, hindi ka pa siguro ipinapanganak, magkaaway na ang mga pamilya natin." Totoo nga ang sinabi ni Papa, kaaway namin ang pamilya ng mga ito. Pero bakit? Ano bang nangyari at ganito na lang kalalim ang galit sa amin ng mga Romano? Bigla akong natigilan nang mapag-isip-isip ang sinabi nito kanina. "Sa iba ka humingi ng tulong dahil wala kang aasahan sa akin." "Maawa ka... " "Kung may pinanghihinayangan man ako, iyon ay ang hindi kita matitikman." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Hayop ka! Wala akong pakialam sa atraso ng pamilya ko sa inyo! Wala akong kinalaman doon!" "Pero wala pa rin naman si Papa, siguro kapag tinikman kita, hindi niya malalaman." Hindi nito binigyan ng pansin ang sinabi ko. He caressed my cheek and touch my lips with his thumb. Napatili ako nang bigla niya akong ibabawan. "Get off me! Help! Somebody help me!" "Stay still, sweetie. Masarap ito." Lalo akong napasigaw nang sapilitan niyang pinunit ang damit ko. Napapikit na lang ako sa takot. Buong akala ko ay mapagsasamantalahan na ako, pero napansin kong matagal siyang hindi kumilos. When I opened my eyes again, nakita kong puno ng pagtataka ang mukha niya habang nakatingin sa katawan ko. No, he's not looking at my body. Kundi sa suot kong kuwintas na gawa sa ginto at may initial ko. I.A , na ang ibig sabihin ay Isabella Altagrasia. Mula sa necklace ay nabaling sa mukha ko ang paningin niya. "f**k. You're that woman?" Mabilis siyang umalis sa ibabaw ko. Ilan sandali pa niya akong tinitigan bago biglang lumabas ng kuwarto. Naiwan akong mag-isa at umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD