Chapter 4

1005 Words
Isabella's POV MABILIS na tumakbo si Papa palapit sa pinto ng mansion. Sumunod kami sa likuran niya. Marahan niyang binuksan ang pintuan at sumilip sa labas. "Don Enrico, ano ang putok na iyon?" Muling isinara ni Papa ang pinto at namimilog ang mga matang tumingin sa akin. Puno ng takot at pag-aalala ang mukha niya. "Olga, tumawag ka kay Draven! Ipaalam mong umatake na ang mga Romano!" "U-umatake?" Umawang ang mga labi ko. What's happening? Bakit may pag-atakeng sinasabi si Papa? Ano ito? Clash of clans? Natigilan ako nang bigla akong nilapitan ni Papa at malakas na hinila sa kamay. Mabilis ang mga hakbang namin habang paakyat ng hagdan. Agad niya akong pinapasok sa kuwarto niya. "Papa! A-ano bang nangyayari?" "Kailangan mong magtago!" "Papa, sabihin mo sa akin kung anong nangyayari!" Huminto kami sa harap ng vintage cabinet at hinarap niya ako. "Ito na ang sinasabi ko! Kabilin-bilinan kong huwag kang uuwi! Napakatigas ng ulo mo!" Halos maluha na ako sa takot dahil sa naririnig na putukan ng baril at sa nakikitang galit sa mukha ni Papa. Binuksan nito ang cabinet, binuksan din nito ang likod no'n. Natulala ako nang malaman na secret door pala iyon. Hinila niya ako at pinaupo sa maliit na espasyo sa loob. "Dito ka magtago! Hangga't hindi ko sinasabi, huwag kang lalabas!" "Papa, saan ka pupunta!" "Pipigilan ko sila!" Paalis na siya nang hawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. "Papa, don't go!" Mula sa matigas ay biglang lumambot ang mukha ni Papa habang tinitingnan ako. "Huwag matigas ang ulo, Isabella! This time... please, listen to me. You have to listen to me!" Naiyak na lang ako lalo sa kaniyang sinabi. Wala akong nagawa kundi tumango habang dahan-dahang binibitiwan ang kaniyang kamay. Isinara ni Papa ang pinto at maging ang cabinet. Narinig ko na lang ang mga yabag nitong palabas ng silid. Naguguluhan ako. How can they do this? In broad daylight? Paano nagagawa ng mga taong ito ang umatake na parang wala silang kinatatakutang tao o batas sa mundo? Ito na ba ang sinasabi ni Papa? Na mga halang ang kaluluwa nila? Pumikit ako at nagtakip ng tainga. Pero pilit ko mang takpan ang mga tainga ko, naririnig ko pa rin ang mga putok ng baril, sigawan at hiyawan ng mga tao sa labas. "Papa... Manang Olga... Tesa... please, be safe." Mariin akong pumikit at hiniling na sana ay panaginip na lang ang lahat. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nasa loob ng cabinet at nakapikit, pero sa hinuha ko ay mag-iisang oras na rin ang nagdaan. Tahimik na ang paligid nang muli akong makiramdam. Umangat ang kamay ko. Gusto ko sanang buksan ang pinto pero naalala ko ang bilin ni Papa. Nagbawi ako ng kamay at niyakap ang sarili. Takot na takot ako. Hanggang sa bigla kong marinig ang mga papalapit na yabag. Si Papa na kaya ito? Napaalis kaya nila ang mga kalaban? Siguro nga si Papa na ito. Siya lang ang nakakaalam kung nasaan ako. Unti-unting lumapit ang mga yabag sa cabinet. Napangiti ako nang biglang bumukas ang pinto, pero mabilis na naglaho ang ngiti ko nang hindi si Papa ang bumungad sa akin. "Hello, princess!" Ngumisi ang lalaking ngayon ko lamang nakita. Nakakatakot ang mukha nito. "S-sino ka?" "Hindi mo na kailangan malaman, prinsesa! Sumama ka sa akin!" Namilog ang mga mata ko nang mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at sapilitan akong hinila. "Bitiwan mo ako! Nasaan si Papa! Anong ginawa n'yo sa kaniya!" Pilit akong nagpumiglas pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Nang makalabas kami ng silid, nanlamig ang buong katawan ko nang makitang nakabulagta si Papa sa sahig. "No! Papa! Bitiwan mo ako! Papa, gising! Papa!" Nang ayaw pa rin akong pakawalan ng lalaki, sa kagustuhang makawala sa kaniya, buong lakas kong kinagat ang braso nito. Nabitiwan niya ako sabay daing nang malakas. "Papa!" Mabilis kong nilapitan si Papa. Wala akong napansin na dugo sa katawan nito, pero wala itong malay. But he's breathing. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang buhay pa rin ito. Thank, God! "Hayop kang babae ka!" Nilapitan ako ng lalaki kanina at hinila sa braso. Nang magawa niya akong paharapin sa kaniya, malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin. "Ah!" Bumagsak ako sa sahig habang hawak ang pisngi kong nasampal. I can taste my own blood. Siguradong pumutok ang labi ko sa ginawa nito. Muli niya akong kinaladkad hanggang sa makarating kami sa labas. Tatlong big truck ang nasa labas ng gate at naghihintay. Nanginig ako sa takot nang makita ang mga nagkalat na katawan ng bodyguards namin. Wala nang buhay ang mga ito. "Mga hayop kayo! Paano n'yo nagawa ang bagay na ito? Mga halang ang kaluluwa!" Tinawanan lang ako ng mga lalaki. Nang akmang isasakay nila ako sa truck, bigla kong sinipa sa itlog nito ang lalaking may hawak sa akin. Malakas itong dumaing. Kumaripas ako ng takbo palayo sa mga lalaki. I heard a man screamed and commanded his men to get me. Lalo kong binilisan ang pagtakbo. "Yah! Yah!" Habang pilit tumatakas palayo, nakarinig ako ng ingay ng kabayo na mabilis na tumatakbo. Bigla akong lumingon, bumungad sa akin ang kabayong tumatakbo nang napakabilis papunta sa akin. May lalaking nakasakay sa kabayo. Nakasuot ito ng cowboy hat at checkered polo na nakabukas ang lahat ng butones. Nakarolyo ang manggas hanggang siko. Hapit na pantalon at dark brown boots na kakulay ng suot nitong sumbrero. Nilahad nito ang kamay nang malapit na sa akin. Sa likuran niya ay nakahabol pa rin ang mga lalaking may dalang mga baril. Saglit akong nag-isip ng gagawin. Pero sa halip na maisama ng mga lalaking halang ang kaluluwa, pinili kong tanggapin ang kamay ng lalaking hindi ko kilala. Buong lakas ako nitong hinila paupo sa harap niya at mahigpit na hinawakan sa baywang upang hindi mahulog. "Yah!" Lalong bumilis ang takbo ng kabayo. Natuon ang paningin ko sa mukha ng lalaki. Natigilan ako nang mapansin na mestizo ito at may magandang mukha. And he's familiar! Siya iyong lalaking nakita ko kagabi gamit ang binocular!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD