SHAYNE:
NAPAPALUNOK AKO na napatitig sa black ducati monster bigbike na sinakyan ni Niel. Ang lakas ng dating niya na naka-all-black ito at pinaresan ng black leather jacket, black gloves at shades ang pormahan nitong ikina-gwapo niya lalo.
"First time?" untag nito sa pagkakatulala ko.
"Um, oo eh" alanganing sagot ko.
Napahinga ito ng malalim na sinuotan ako ng helmet. Napatitig ako dito na sobrang lapit ang mukha habang inaayos ang helmet ko.
"Matunaw ako" anito na ikinaiwas ko ng tingin. Mahina itong natawang napisil ako sa pisngi.
"Aw, mashaket Niel" reklamong daing kong ikinatawa nito.
"Aw ka dyan. Tuta ka ba?" anito na naglahad ng kamay.
Napalunok akong napabuga ng hangin bago kumapit sa kamay nitong umalalay sa aking makaakyat ng bigbike nito.
"Hug me baby. Mahulog ka niyan" tudyo nito.
"Niel huh?"
"Yumakap ka baby. Baka mahulog ka, hindi kita masasalo niyan" ulit nito na kinuha ang dalawang kamay kong iginiyang ipinulupot sa kanyang tyan.
Napalunok akong napadikit ang katawan dito. Ramdam kong damang-dama niya ang dibdib ko na nakadikit sa likod niya at 'di ko maiwasang pag-initan ng mukha. Akmang bibitaw ako dito nang bigla nitong pinaandar ang motor na ikinatili kong napayakap ng mahigpit dito! Napahalakhak itong ikinakagat ko sa balikat nito. Pero dahil naka-jacket ito ng may kakapalan ay hindi nito ininda ang kagat kong hindi naman umabot sa balat nito.
Napapangiti akong ipinatong ang mukha sa balikat nito at mas niyakap itong nangingiti din habang nakatuon sa daan ang paningin. Napaka-gwapo niyang pagmasdan kahit naka-side-view siya sa akin lalo na ngayon na nakangiti ito. Maaliwalas ang mukha na halatang maganda ang gising.
"Sana araw-araw tayong ganito Niel. Na masaya, magkasundo at naglalaan ka ng oras mo sa akin para makapag-bonding tayo" piping usal ko habang nakatitig dito.
"Maganda ba ang view baby?"
"Sobra"
"Baby, tanawin ang tinutukoy ko" natatawang saad nito. Napalapat ako ng labing impit na napapatili. Tatawa-tawa naman itong mabilis napahalik sa pisngi ko.
"Niel!"
"Bakit? Isa lang naman eh" napahagikhik akong sumubsob sa leeg nito. Natawa din itong muling napahalik sa aking ikinayakap ko ng husto dito.
"I'm driving baby. Agaw attention ang ginagawa mo" napanguso akong mas niluwagan ang pagkakayakap dito pero bigla nitong binilisan na ikinatili kong muling nayakap ito ng mahigpit!
"Niel!"
"Hahahah! Yakapin mo lang kasi ako baby. Malapit na tayo" anito na may kalakasan ang tono sa bilis ng pagpapatakbo nito ng motor na akala mo'y pag-aari niya ang kalsada kung maka-overtake.
Napasandal na lamang ako ng mukha sa balikat nitong pumikit at ninanamnam ang mga sandaling ito kung saan napakagaan ng lahat sa amin ni Niel. Higit sa lahat ay malaya kong yakap-yakap ito.
NAMAMANGHA AKO na bumaba sa burol na pinuntahan namin ni Niel kung saan tanaw dito ang bayan ng kanilang probinsya. Tahimik dito na napakalamig ng simoy ng hangin. Hindi rin masyadong maaraw ngayon kaya kahit alasdyes na ng umaga ay hindi masakit sa balat ang sikat ng araw.
Napapangiti akong ninanamnam ang bawat hampas ng hangin sa mukha ko. Naramdaman ko naman si Niel na nahiga at umunan sa lap ko. Napasapo ako sa baba nito at nilalarong hinihimas-himas ang baba nitong may mga papatubong balbas nitong nakakakiliti sa palad.
"Shayne?"
"Um?" napadilat akong yumukong napatitig dito.
Napangiti itong matiim akong tinitigan sa aking mga mata.
"What if lang huh"
"What if?" ulit kong tanong.
"What if may magtatangkang agawin ako sayo, papayag ka ba? Magpapaubaya ka ba? O ipaglalaban mo ako?" napatitig ako dito. Hindi naman siya gaano kaseryoso. Pero hindi ko rin mabakasang nagbibiro ito.
Napalunok akong tila may bumukil na bato sa lalamunan ko. Ramdam kong maging ang puso ko ay tila huminto sa pagtibok sa narinig dito. Pilit akong ngumiti na hinaplos siya sa ulo. Matiim lang naman itong nakatitig na binabasa ang tumatakbo sa isipan ko.
"Depende Niel"
"Anong depende?" ulit nitong tanong. Napailing akong pinakatitigan siya sa mga mata.
"Depende sa sitwasyon Niel. Kung sawa ka na sa akin that time? Kung hindi ka na masaya sa akin, at pagod ka na? What's the point na ipaglaban ko pa ang sarili 'di ba?" naluluhang sagot kong ikinalunok nito.
Bumangon itong naupo sa tabi ko. Kapwa kami natahimik ng ilang minuto. Pinapakiramdaman ang isa't-isa kung sino ang babasag sa nakakabinging katahimikan sa pagitan naming mag-asawa.
"Niel, pwede bang magtanong?" pambabasag ko sa katahimikan namin. Tumango lang naman ito na sa kaharap naming tanawin sa bayan nakamata.
Napatitig ako dito. Pinangilidan kaagad ng luha kahit hindi ko pa nasasabi ang mga nasa dibdib kong gustong ilabas dito.
"Niel, m-mahal mo ako?" tumulo ang luha kong kaagad kong pinahid.
Natigilan ito at kita kong sunod-sunod siyang napalunok. Nanatiling sa harapan nakatingin habang ako, panay na ang tulo ng luha na nakamata dito.
"N-Niel....m-masaya ka pa ba sa akin?" muling tanong ko. Napapalunok ako sa unti-unting pagsikip ng dibdib ko habang nakatitig dito.
"K-kasi, kasi kung hindi mo na ako mahal, hindi ka na masaya? Niel pwede naman kitang pakawalan eh. Kung sa tingin mo, mas magiging masaya ang buhay mo na wala ako, Niel palalayain kita" napayuko akong hindi na napigilang mapahagulhol.
Sa sinaad kong saloobin dito ay tila gumaan ang bigat sa dibdib ko. Pakiramdam ko'y nakalaya ako bigla. Maya pa'y gumalaw itong kinabig akong isinandal sa balikat nito. Hinayaang umiyak na parang bata.
Nang makalma ko na ang sarili ay umayos na ako ng upo na nagpahid ng luha. Napapatikhim ako sa pagbarado ng ilong at pamamalat ng boses ko. Napatitig ako dito na sa malayo pa rin nakatingin. Na tila kay lalim-lalim ng iniisip. Bakas din ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. Mapait akong napangiti na nahaplos ito sa ulo. Dahan-dahan itong napalingon na namumula na rin ang mga matang puno ng lungkot.
"Niel"
"Hindi ako masaya. Hindi ako masaya sayo. At hindi rin kita mahal Shayne. Wala kang halaga sa akin. 'Yon ang totoo" diretsong saad nitong ikinaawang ng labi ko.
Parang bombang sumabog sa dibdib ko ang narinig dito na ikinaragasa ng luha kong nakamata dito.
"N-Niel" napapahikbing sambit ko sa pangalan nito.
"May mahal na ako Shayne. Na kailanman ay hindi mo mapapalitan sa puso ko. Siya lang ang gusto ko Shayne. Siya lang ang nais kong makasama habang buhay ako. Siya lang, ang mahal mo" parang kutsilyong tumatarak sa puso ko ang mga sumunod na sinaad nito lalo na't matiim itong nakatitig na walang bakas ng pagsisinungaling sa kanyang mga mata at tono.
Napailing-iling akong hindi na mapigilang mapahagulhol na nakatitig ditong nagmamakaawa ang mga mata. Tumulo ang luha nitong kaagad niyang pinahid. Napahawak ako sa kaliwang kamay nito kung saan nakasuot ang wedding ring namin at marahan iyong hinaplos.
"P-pero Niel, mag-asawa na tayo"
"Sa papel lang Shayne. Wala tayong pagmamahal sa isa't-isa" napalapat ako ng labing nakatitig ditong blanko na naman ang mga matang napakalamig kung makatitig.
"Niel mahal kita. Mahal na mahal kita"
"Mali ka Shayne. Hindi mo ako mahal. Alam ko 'yon" napailing-iling akong panay ang tulo ng luha.
"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito? Bakit mo ba ako sinasaktan? Ano bang nagawa ko huh?" may halong panunumbat ang tonong tanong ko na napapahagulhol.
"Tumitig ka sa mga mata ko, isipin mong maigi, anong pinagkaiba namin ng Niel na nasa ala-ala mo, sa Niel na kaharap mo ngayon?" seryosong tanong nito na diretsong nakatitig sa mga mata ko..
Naguguluhan man ay napatitig nga ako dito at iniisip ang nakaraan namin. Kung gaano siya kaibang-iba noon, at ngayon. Napapahid ako ng luha na mapait napangiti.
"May iba ka na..Tama?" napatayo ako na walang makuhang sagot dito.
"Sabi nila, silence means yes" tumatango-tangong saad ko.
Nangangatog ang mga tuhod ko. Kasabay nang paghakbang ko at pagragasa lalo ng masaganang luha sa mga mata ko ang pagbuhos bigla ng malakas na ulan.
"Shayne!" dinig kong pagtawag nito na hindi ko na pinansin o nilingon..
Hindi ko alam kung saan pupunta. Yakap ang sariling naglakad ako na humahagulhol. Pero biglang may kumabig sa baywang ko na niyakap ako mula sa likuran kong ikinahagulhol ko lalo!
Pinihit ako nito paharap na sumapo sa magkabilaang pisngi kong itiningala dito. Matiim na tinitigan sa aking mga matang luhaan at dama kong namumugto na.
"Mahal mo ba ako, dahil mahal mo ako? O mahal mo ako, dahil ako lang ang naaalala mo? Tell me Shayne, mahal mo ba.....ang Niel na kaharap mo ngayon huh?" seryosong tanong nitong ikinatigil kong napatitig ng maigi dito.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita. Oo hindi ako marunong sa gawaing bahay. Pero Niel nagsusumikap akong aralin lahat ng 'yon para maging karapat-dapat na asawa mo. Hindi ako marunong magluto, maglinis, maglaba pero pag-iigihan ko at pagsisikapang matutunan lahat ng iyon"
"Na hindi mo kailangang gawin Shayne. Dahil sa oras na nagbalik na lahat ng ala-ala mo? Ikaw mismo ang aalis sa poder ko at iiwanan ako. Kasi, Shayne hindi mo ako mahal. Hindi ako, ang mahal mo..Kuha mo?" makahulugang tanong nito. Napailing-iling akong malakas itong nasampal.
"May iba ka na! Kaya mo sinasabi ang mga iyan! Laro lang ba ang lahat ng ito sayo huh Niel!? Bakit mo pa ako pinakasalan? Bakit mo pa ako ibinahay? Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito?! Niel tao din ako, may pakiramdam din ako, nasasaktan, nahihirapan, pero narinig mo bang nagreklamo ako sa mga pinaggagagawa mo? Nanumbat ba ako? Niel isa lang naman ang gusto ko, mahalin mo din naman ako. Pahalagaan mo din naman ako. Niel asawa mo na ako. Hindi ba pwedeng ayusin na lang natin ang problema? Hindi ba pwedeng, ako na lang? Ako na lang ulit" humahagulhol kong saad na mahinang nasusuntok ito sa dibdib!
Nanghihina akong napasubsob sa dibdib nitong ikinayakap nito sa akin. Nangangatog ang mga tuhod ko na parang pagod na pagod na ang katawan ko. Dama ko na rin ang lamig ng ulan sa pagkakababad namin.
"Magsimula tayong muli Niel, pagbubutihan ko pang maging may-bahay mo" nanghihinang saad ko bago tuluyang bumigay ang mga tuhod ko.
"Shayne!?" dinig kong sigaw nito na kinarga ako.
NANGUNOT ANG NOO ko na maramdaman ang tigas ng kinahihigaan ko. Naibsan na rin ang panginginig ng katawan ko sa init na dala ng kinasisiksikan ko. Mas lalong nangunotnoo ako na tanging mga tunog ng kulisap at palaka sa paligid ang naririnig ko. Dahan-dahan akong napamulat at ang madilim na silid ang bumungad sa akin.
"Niel?" mahinang sambit kong nakapa ang nakayakap sa akin.
Nag-init ang mukha kong sunod-sunod na napalunok na maramdamang, hubot-hubad kami pareho at tanging manipis na kumot ang nakatabing sa aming magkayakap na katawan. Bumilis ang t***k ng puso ko na maramdamang gumalaw ito at humaplos pababa sa balakang ko ang palad nito habang nakaunan ako sa isang braso nito.
"Are you awake baby?" namamaos ang boses na tanong nito.
"Nasaan tayo?" pabulong kong tanong na napatingala dito at inaaninag ang mukha. Pero sadyang madilim dito kaya hindi ko maaninag ito.
"Sa burol. Inabutan tayo ng bagyo. Bukas pa tayo makakababa" anito na mas niyakap akong ikinasinghap ko.
Napalunok din ito. Tumatama na nga sa mukha ko ang init ng hininga nito.
"Nagugutom ka na ba?" umiling akong naramdaman nito.
"Niel--uhmm" napapisil ako sa braso nito sa biglaang pagsakop ng mainit at malambot niyang bibig sa mga labi ko!
Napapikit akong naiyapos sa batok nito ang kamay ko at buong pusong tinugon ang masuyong halik nitong ikinadadarang ng pakiramdam ko! Nagsimulang mabuhay ang kakaibang init sa katawan ko at 'di mapigilang maghangad ng labis mula dito lalo na't nagkikiskisan na ang aming hinaharap! Damang-dama ko ang pāgkalalakē nitong malabakal na sa tigas na sumusundot-sundot sa pāgkababaē kong dahan-dahang ikinabuka ko sa mga hita ko.
"Uhmm...baby"
"N-Niel" panabay naming anas na naghahabol hininga sa matagal-tagal naming halikan na halos maghigupan na ng bibig at laway.
"Do you want me to continue baby?" anas nitong ikinatango kong yumapos ng mga binti sa baywang nito.
"Own me, baby" anas kong inabot ang kanyang mga labi na kaagad nitong ikinatugon kasabay ng pagpwesto nito sa kahabaan sa namamasa kong lawa!