Selos

1755 Words
SHAYNE: NAIILING AKONG pinupunasan ng maligamgam na tubig at face towel ang asawa kong nahihimbing na dala ng kalasingan. 'Di ko mapigilang mapangiti na malayang natititigan ang asawa ko. Akala ko maisusuko ko na sa kanya ang katawan ko ng buong-buo kanina. Pero nakaidlip itong sumubsob sa dibdib ko. Matapos ko siyang punasan at bihisan ay nanatili muna ako sa kanyang tabi. Gustong-gusto ko sana siyang makatabing matulog. Nakakulong sa kanyang bisig buong magdamag. Pero ayoko namang maging sanhi 'yon ng ikakagalit niya sa akin paggising niya bukas. Maingat akong nahiga sa tabi nito patagilid dito. Nangilid ang luha kong napapatitig dito. Pakiramdam ko may nagawa ako sa kanya na ikinabago niyang bigla sa akin. Bagay na hindi ko maalala. Kahit pigain ko na ang lahat ng braincells ko maalala lang ang lahat ay wala pa rin akong matandaan sa nakaraan na sanhi ng pagbabago nito. Pero malinaw naman sa akin ang ilang pinagsamahan namin. Kung saan napakalambing niya. Makulit na clingy. Over protective boyfriend din niya at masayahin. Lagi ko pang naririnig ang lutong ng halakhak nito. Ibang-iba sa Neil na kasa-kasama ko ngayon. Para siyang ibang tao sa pandama ko. Hindi siya maramdaman ng puso ko. "Neil" mahinang sambit ko na inabot ang pisngi nito at marahang hinaplos. Kahit pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko ay hindi ko mapigilan. Para akong pinipiga sa puso. Sobrang bigat ng loob ko. Pakiramdam ko'y may malaking puwang sa puso ko ang nawala. Na hindi mapunan ni Niel kahit mag-asawa na kami. Lalo na't, kasinglamig ng yelo ang pakitungo nito sa akin. Mapait akong napangiting nagpahid ng luha. Maingat akong bumangon na akmang aalis na palabas ng silid nito nang hagipin nitoang kamay kong ikinanigas ko. Parang libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa ugat ko na nagmumula sa mainit at malambot niyang palad. Dahan-dahan akong napalingon dito. Matiim na pala siyang nakatitig na ikinalambot ng mga tuhod ko. "Stay" "N-Niel" "Let's sleep together in our room tonight baby" anas nito na halos hindi ko na marinig. "Our room?" naluluhang ulit kong tanong. Mahina itong natawa na marahan akong hinila. Napapalapat ako ng labing bumagsak sa ibabaw ko. Nahihiyang makipagtitigan sa matiim niyang pagtitig lalo na't hinahaplos ang dalawang palad nito sa likod kong ikinaiinit ko. "Shayne" "Hmm?" napaangat ako ng mukha sa pagsambit nito sa pangalan kong ikinasalubong ng aming mga mata. Ngayo'y mas naibsan na ang paglamlam ng mga mata nito. 'Di tulad kanina na kitang lasing na lasing at halos hindi na makalakad. Napapalunok ako na sinapo ako nito sa pisngi at marahang iginagalaw ang hinlalaki sa aking pisngi. "N-Niel" mahinang sambit ko habang dahan-dahan ako nitong hinihila sa batok palapit. Namimigat ang paghinga kong napaawang ng labi na napapikit. "Open your eyes baby" anas nito na tumatama na sa mukha ko ang paghinga. Muli akong dahan-dahang nagmulat na ikinatama ng aming paningin. Parang nanghihipnotismo ang kanyang mga mata. Nakakapanghina na at nakakadala. "Look at me in my eyes Shayne. Do you like me?" halos pabulong nitong tanong na napapaawang ng labi at dama kong namimigat na rin ang paghinga! "A-ano bang klaseng tanong 'yan Niel? Oo naman, gusto kita. Mahal kita" wala akong mabasang anumang emosyon sa mga mata nito. Kaya hindi ako sigurado kung natuwa ba ito sa naisagot ko. "Tignan mo ako sa mga mata ko Shayne, pakiramdaman mo ang puso mo, at sabihin mo sa akin, kung gusto mo ba ang lalakeng katitigan mo ngayon" mabulong saad nito. Napalunok akong pinakatitigan nga ito. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na nilalabanan ang matiim niyang pagtitig. Kung papakiramdaman ko lang ang puso ko sa mga oras na 'to? Pagkailang ang nadarama ko. At hindi makadama ng kilig sa kanyang mga titig. Na parang, parang wala akong espesyal na nararamdaman. Pero hindi ko naman kayang sabihin 'yon sa kanya sa takot na rin na maparusahan na naman ako dito. Napahinga ako ng malalim na pilit ngumiti dito. Matiim lang naman itong nakatitig. Hindi ko mabasaan ng emosyon na para lang akong nakikipagtitigan sa isang poster. "Gusto kita Niel. Gusto kita kasi....kasi mahal kita" nahihiyang sagot ko. "Are you sure Shayne?" "O-oo naman. A-ano ba kasing klaseng tanong 'yan Niel" nauutal kong sagot. Napahinga ito ng malalim. "Mark Daeniel" "Huh?" "Sounds familiar?" nangunot ang noo kong naipilig ang ulong paulit-ulit na niri-replay sa utak ko ang pangalang sinambit nito. "Daeniel" mahinang sambit ko. Napapikit ako na tila kakaiba ang dating ng pagsambit ko sa pangalang iyon. Ramdam ko naman ang matiim nitong pagtitig. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Para akong pinipiga sa puso habang inuulit-ulit ko sa isip na sinasambit ang pangalang Daeniel. "Stop it" anas nito na ikinadilat kong pinahid nito ang luha ko. Nagtatanong ang mga mata kong napatitig dito. Napakaseryoso niya at kitang wala na naman sa mood ang timpla ng mukha. Napalunok akong nahihiyang umalis sa pagkakapaibabaw dito. "Niel sino siya?" aniko na napasunod ditong bumangon at lumabas ng silid. "Isang taong napakahalaga sa buhay ko. Pero dahil sa isang tao, nawala siya sa amin. Sa akin" anito na nagtungo ng kusina at nagbukas ng stock nitong beer sa fridge. Naupo ako paharap dito na inaaral ang kilos. Nakalarawan na naman ang kakaibang galit sa kanyang mukha. Na parang nagtitimpi lang. Hindi rin ito tumitingin sa mga mata ko kahit nakatitig ako dito. Parang iniiwasan niyang magsalubong ang mga mata namin. "Anong ibig mong sabihing wala na siya?" naguguluhang tanong ko. Nagpantig ang panga nitong ikinalunok kong nilukob ng kaba sa dibdib! "Namatay na siya. At 'yong taong dahilan kaya siya namatay? Buhay na buhay pa rin hanggang ngayon. Nakakatulog ng mahimbing, nakakakain ng maayos, namumuhay ng tahimik" makahulugang sagot nito na nagngingitngit ang mga ngipin at direktang tinungga ang beer nito hanggang naubos. Parang kinurot ang puso ko sa narinig dito. Hindi ko maintindihan pero, nilukob ang puso ko ng kakaibang lungkot sa nalaman dito. Nangilid ang luha ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Nanamlay na parang ang bigat-bigat bigla ng loob ko. "Sana usigin siya ng kunsensya niya" sagot kong ikinatitig nito sa akin. "Bakit Shayne? May kunsensya ka ba?" makahulugang tanong nito. "Huh?" naguguluhan akong napatitig dito. Napangisi at iling itong muling inubos ang laman ng beer nito. "Matulog ka na" "Paano ka?" "Hindi pa ako inaantok" "S-saan ako matutulog?" nag-aalangang tanong ko. Napakunotnoo itong napatitig sa mga mata ko. Pilit akong ngumiti na napakamot ng ulo. "Bakit saan mo ba gustong matulog?" "S-sa kwarto mo" mahinang sagot ko. Mas lalo namang lumapad ang ngisi nito. Gumapang ang init sa mukha ko na napaiwas ng tingin dito. "May kwarto ka, hindi ba?" "Sabi mo kanina magtabi tayo sa silid mo" napapangusong saad ko. "Tss. Kanina 'yon. Matulog ka na, sa silid mo" napairap ako ditong napahalakhak. Nagdadabog akong nagtungo ng silid ko. Dinig ko pa ang malutong niyang paghalakhak na pabalang kong isinara ang pinto. Mabuti na lang at matibay ang pagkakagawa sa lakas ng pagkasara kong yumugyog. Naiinis akong padapang sumampa ng kama. KINABUKASAN AY hindi ko ito pinapansin na naabutan kong naghahanda ng breakfast. Napangisi naman itong masulyapan akong nakabusangot. "Good morning" nangingiting bati nitong inirapan ko. Napahalakhak at iling lang naman ito habang naghahalo sa nilulutong ulam. "Wala ka bang pasok?" pagsusungit ko. "Um, wala. Tumawag ako sa hospital at nagpaalam" anito na sa niluluto nakatuon ang pansin. "Bakit?" "Anong bakit?" kunotnoong lingon nito. "Bakit hindi ka papasok ngayon?" curious kong tanong. Tinapos naman nito ang niluluto bago pinatay ang gas stove at nagtimpla ng kape namin. Nakatitig lang ako dito. Naninibago sa mga kinikilos. "Joy ride tayo baby. May mga pasyalan din naman dito eh. Gusto mo ba?" tanong nito na abala sa pagtitimpla ng kape. "Huh? May sapi ka ba? May karamdaman ka?" magkasunod kong tanong na ikinabungisngis nito. "Niyaya ka lang ipasyal may sapi at karamdaman na kaagad? 'Di ba pwedeng, gusto ko lang ipasyal ang asawa ko?" anito na nangingiti. Napalapat ako ng labing impit na napapairit sa isipan ko. Para akong nananaginip ng gising sa mga sandaling ito. Hindi makapaniwala sa mga nakikita at naririnig kay Niel. "Gusto mo ba?" "Oo naman! Maliligo na eh!" agarang sagot ko. Napahalakhak itong taranta akong nagtungo ng banyo para makaligo. "Take your time wife! Makakapaghintay naman ako" dinig kong pahabol nito. Pagpasok ko ng banyo ay impit akong napapairit at napapapadyak ng mga paa sa labis-labis na tuwa at kilig na nadarama! Parang lulukso na nga palabas ang puso ko sa sobrang saya! Ito ang unang beses na lalabas kami ni Niel. Na ipapasyal niya ako. AKALA KO nagbibiro lang ito. Pero hindi. Matapos naming mag-agahan ng sabay ay pinagbihis ako nito. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga sandaling ito. Ito din ang unang beses na kumain kami ng sabay at inaasikaso niya pa ako. Mabilis akong nagbihis ng crop top black na pinaresan ng black high waist jeans at white sneakers. Ayon dito ay motor ang sasakyan namin para mas madaling makarating sa pagdadalhan nito sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang ma-excite at kabahan. Hindi naman kasi ako sumasakay ng motorsiklo. Pero kakatuwang kayang-kaya kong labanan ang kaba ko lalo na't si Niel naman ang kasama ko. Ang driver ko. Pakiramdam ko'y safe at secured ako, sa piling nito. Mabilisan din ang pagtirintas ko sa buhok ko. Maging pagpahid ng face powder at konting lipgloss sa mga labi kong ikinaaliwalas lalo ng mukha ko. Napapangiti akong nag-spray ng perfume ko sa leeg at palapulsuan bago lumabas ng silid. Naghihintay naman si Niel sa sala na kaagad napatayong makita ako. Napalunok itong kita ang pagdaan ng pagkamangha sa gwapo niyang mukha na pinasadaan ako ng tingin mula sapatos hanggang ulo ko. Nag-aalangan akong lumapit. "P-pangit ba?" "Nope" simpleng sagot nito na kaagad tumalikod. Napalapat ako ng labi na nangingiting nahuli ko pa rin naman ang pagsilay ng matamis na ngiti sa kanyang mga labing kaagad niyang ikinatalikod para hindi ko makita. Pagkalabas namin ng apartment ay hindi maiwasang pagtinginan kami ng mga nadadaanan naming kapit-bahay namin at bakas ang pagkamangha sa kanilang mga mata lalo na ang mga lalakeng napapahagod ng tingin sa akin. "Bilisan mo kaya maglakad. Pinagpipyestahan ka nila oh" mahinang asik nito. "Huh? Bakit? Disente naman ang suot ah" pabulong sagot ko na napapasunod sa laki ng mga hakbang nito. "Tsk. Pinagnanasaan ka na nga nila eh" ismid nito. Napapitlag ako ng hapitin ako ni Niel sa baywang na sinamaan ng tingin ang lahat ng kalalakihang napapatitig sa aking ikinalalapat ko ng labi. Hindi ko man sigurado pero sa nakikita kong reaction mula dito ay kitang nai-insecure ito. Na halatadong, nagseselos ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD