Halik

1156 Words
SHAYNE: NAALIMPUNGATAN AKO sa pagkakahimbing sa sofa na marinig ang pagbukas ng pinto! Pupungas-pungas pa akong napaupo at inayos ang magulong buhok. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na niluwal ng pinto si Niel na salubong na naman ang kilay at nakabusangot ang gwapong mukha. Kaagad akong napaiwas ng tingin dito nang magtama ang mga mata namin. Napalunok ako. Naka-formal kasi ito. Kahit ang buhok nito ay nakaayos ng pagkaka-wax na lalo niyang ikina-gwapo. Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng damit ko na makita sa peripheral vision kong napagala ito ng paningin dito sa apartment bago nagtungo ng kusina. Maghapon kasi akong naglinis. Hindi ganun kapulido ang pagkakaayos at linis ko dito sa apartment namin dahil wala pa naman akong karanasan sa ganito. Lalo na't wala ding gumagabay sa akin. Mariin akong napapikit na marinig ito sa kusina na pabalang itinapon ang niluto ko. Sunog kasi ang tilapia na in-fried ko. Kahit ang kanin ay maalsa dahil nasobrahan sa tubig. Pero dahil wala akong pamimilian ay kumain pa rin ako. "Halika nga dito Shayne!" sigaw nito mula sa kusina. Napapalunok at yuko akong lumapit dito. Nangangatog ang mga tuhod ko na mahigpit nakakapit sa laylayan ng damit ko. Dinig na dinig ko pa ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito habang palapit sa asawa kong nakapamewang sa gilid ng lababo at matiim na nakatitig sa akin. Lalo tuloy akong kinakabahan kahit sanay na akong mabulyawan nito. "Sinong may sabing magluto ka?" "N-nagugutom na kasi ako" naluluhang saad ko na halos ako na lang ang makarinig sa sobrang hina. Hindi ako makatingin sa kanya. Kita kasing salubong lalo ang mga kilay nitong halos mag-isang linya na. Napalapat ako ng labing napayuko na tuluyang tumulo ang luha ko. Ilang beses itong napabuga ng hangin na tila kinakalma ang sariling mabugaan na naman ako ng apoy. "Hwag kang magmagaling. Nagsasayang ka lang ng pagkain. Mapapakinabangan mo pa ba ang mga ito ngayon huh?" panenermon nito na ikinapahid ko ng luha at pilit ngumiting nag-angat ng mukha dito. "S-sorry" "Tsk!" "K-kakainin ko. Ako naman ang nagluto eh" aniko na lumapit sa lababo. Pero nakalagay na sa trashbag ang mga niluto ko. Napalunok ako. Lalong bumilis ang t***k ng puso kong napatapat ako dito. Hindi ako makakilos na parang natuod na sa kinatatayuan habang gahibla na lamang ang pagitan namin nito. Napahinga ito ng malalim na ramdam ko ang matiim niyang pagkakatitig sa akin. "Napano 'yan?" mas kalmado na ang tono nito. Napatitig ako dito na nagtatanong ang mga mata. Nakatitig naman ito sa kamay ko na ikinasunod ko ng tingin at mapait na napangiti. Nagkasugat-sugat kasi ang mga kamay at maging palapulsuan ko na naglaba sa mga damit namin. Hindi naman ako marunong gumamit sa washing machine at natatakot na makuryente kaya nagkusot na lamang ako. Pero dahil hindi ako sanay ay nagkasugat-sugat ako sa kamay. "Um, wala ito. Naglaba kasi ako kanina" nakangiting sagot ko na itinago sa likuran ang mga kamay. Napaangat ito ng paningin na salubong pa rin ang kanyang mga kilay. Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. Napakalamig at blangko ng mga iyon na tumatagos sa buto ko ang tiim ng pagkakatitig nito. "Let me check it" "O-okay lang. Hindi naman malala" kaagad kong tanggi na napaatras. Nagpantig ang panga nito na kitang hindi nagustuhan ang sinagot ko. Napangiwi akong iniabot ang mga kamay ko ditong napahinga ng malalim at hinatak ako sa brasong hinila sa gawi ng sala. Lihim akong napangiti. Muntik ko ng makalimutan. Doctor nga pala ang asawa ko. Pagka-upo ko ng sofa ay inabot naman nito ang first aid kit na nakapatong sa taas ng bookshelf na nandidito sa sala. Napapasulyap ako dito na nakaluhod sa harapan ko habang maingat na pinapahiran ng gamot ang mga sugat ko sa kamay. Kahit napapangiwi ako na madama ang kirot sa panlilinis at panggagamot nito ay para namang hinahaplos ang puso ko habang nakamata ditong tutok na tutok sa kanyang ginagawa. Napapangiti ako sa tuwing hinihipan nito ang sugat na ibang-iba ang sarap na hatid sa puso at balat ko. Hindi ko mapigilan ang sariling kiligin. Ito ang unang beses na matitigan ko siya ng ganto kalapit at kalmado pa ito magmula ng lumipat kami. Hindi ko tuloy namalayang natapos na nito ang panggagamot sa mga sugat ko. Mahina ako nitong pinitik sa noo na ikinabalik ng ulirat ko. "Ahem! S-sorry" napapatikhim kong paumanhin. "Tss. Stop daydreaming of me Shayne. Hindi kita papatulan kahit maghubad ka sa harapan ko" ismid nito na niligpit na ang mga gamit. "Talaga? Sigurado ka?" panghahamon ko na akmang itataas ang damit kong kaagad nitong pinigilan ang kamay kong ikinahalakhak ko! Pinaningkitan ako nito pero nanatiling nakangiti akong matiim na nakatitig sa kanyang mga mata. Wala naman akong mabasang inis o galit kaya kampante akong biruin siya ngayon. Napangisi ito na dahan-dahang bumaba ang paningin sa dibdib kong ikinamilog ng mga mata kong nag-init ang mukha! "Totoo ba 'yan baby? Baka naman....bra mo lang ang nagdala niyan" anas nitong napapangising aso na nginuso ang dibdib ko! "What the heck Niel! Isubsob kita dito eh!" asik ko na hindi namalayang nahampas ito sa balikat. Napahalakhak naman itong ikinatigil kong napatitig dito. Parang nag-slow-motion pa ang paligid namin habang malutong itong tumatawa na halos magsara na ang kanyang mga mata. Ito ang unang beses ko siyang napahalakhak at napakalapit pa namin sa isa't-isa! Mas lalo pala siyang gumu-gwapo kung nakatawa kung saan labas na labas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin na halatang alaga sa dentista. Natigilan ito nang magtama ang mga mata namin. Parang nanghihipnotismo ang mga mata nitong ngayon ay nababasaan ko na ng pagkinang. Napaangat ako ng kamay na nahaplos siya sa pisngi. Hindi naman ito umangal na hinayaan lang ako. Natuod ako sa kinauupuan nang dahan-dahan nitong inilapit ang mukha na sa mga labi kong nakaawang nakatitig. Napakuyom ako ng kamao. Pigil-pigil ang sarili sa paghinga habang nakamata dito at 'di na makapaghintay madama ang kanyang mga labi. "N-Niel" anas ko na namigat ang paghinga at napapikit na tuluyang dumapo ang malambot at mainit nitong mga labi sa mga labi ko! Napaangat ako ng kamay sa kanyang batok na mas hinila itong tinugon ang kanyang mga labing sabay naming ikinaungol. Parang lulukso ang puso ko sa loob ng ribcage nito habang masuyo kaming naghahalikan. Dahan-dahan itong tumayo hanggang sa maisandal niya ako ng sofa at naihigang ikinaungol naming madama ang katawan ng isa't-isa! Nag-init akong napayakap dito na mas pinapalalim nito ang aming halikang halos ikaubos na ng hangin sa baga ko! "Uhmm.... N-Niel" naghahabol hiningang anas ko. "Fūck!" para itong nagising sa aming ginagawa na malutong na napamura at napabalikwas na napaayos ng tayo. "Ahem! Magpa-deliver na lang ako ng pagkain. Inaantok na ako" anito na kaagad pumasok ng kanyang silid. Napaupo ako na nahaplos ang aking labi. Parang nakalapat pa rin kasi dito ang mainit at malambot na labi ng asawa kong impit kong ikinatitiling..... hinalikan niya ako!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD