CHAPTER 17 DAHAN-DAHAN ang naging pagkilos niya para bumangon. Mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Abraham kaya naman nahihirapan siyang kumawala rito. Ilang beses silang nagtalik dalawa na halos kalampagin na sila ng mga kaibigan nito sa labas. Hindi kasi lumabas ng kuwarto si Abraham dahil natatakot itong matakasan siya. Pati ang paghinga niya ay pinipigilan niya rin saglit upang 'wag lang magising si Abraham. Pipilitin kasi nitong sundan siya sa tinitirahan niya at ayaw niyang makita nito ang anak nilang dalawa na si Isaac Mathew. Hindi siya makakapayag na kunin sa kanya ang anak niya. Nang makaalis siya sa kama dahan-dahan niyang pinulot ang suot na damit at nilagay sa bag niya. Nagsuot lang siya robe para matakpan ang hubad niyang katawan. May damit naman siyang pamalit dahil hina