“Mommy do you love, Daddy?” tanong ng anak niyang si Isaac Mathew, habang nakahiga sila sa kama. Kakatapos lang kasi nitong kumain ng lunch at kailangan na niyang matulog tuwing tanghali. Wala namang trabaho ngayon si Cassandra kaya katabi niya ang anak. Hinaplos niya ang buhok ng anak at ngumiti. “Why did you ask, baby?” “Daddy told me you were angry with him.” Saglit na natigilan si Cassandra sa sinabi ng anak. Iniisip niyang tinuruan ito ni Abraham kaya bigla na lang itong nagtanong tungkol dito. “No, baby, hindi ako galit sa Daddy mo.” Tumalikod sa pagkakahiga ang anak niya. “Sinungaling ka Mommy,,” anito. Huminga ng malalim si Cassandra. “'Wag kang maniwala sa Daddy mo hindi ako galit sa kanya.” “Kung hindi ka galit sa kanya bakit hindi natin kasama matulog si Daddy?” Hindi m