Chapter 2: Mikoy

1438 Words
"Saan mo ako dadalhin, Gabriel?" kabado kong tanong sa kanya.  Napilitan akong sumasakay sa kanyang kotse dahil halos magwala na siya at gumagawa ng eskandalo nang tumanggi ako sa kanya kanina. "Back home, Mikoy. Uuwi na tayo," seryoso niyang sagot sa katanungan ko. Tahimik ko na lang na pinagmamasdan ang dinaraanan ng aming sasakyan ngunit oagkalipas ng ilang minuto ay napansin kong ibang daan na ang tinatahak namin. "Gabriel, hindi ito ang daan pauwi," abot ang pag-aalala kong sabi sa kanya. Saglit siyang sumulyap sa akin bago niya muling itinuon ang buong pansin sa harapan ng sasakyan. "We'll just talk, Mikoy. Matagal-tagal na rin noong huling tayong magkasarilinan," hindi mababali niyang sagot sa akin. Napalunok ako sa tinuran niyang iyon. Napakalakas at napakabilis na ng t***k ng puso ko sa nakikita kong determinasyon sa kanyang mukha. Alam kong may binabalak siyang hindi maganda sa akin. "Gabriel, ihatid mo na lang ako sa bayan. Doon na ako kukuha ng tricycle na aking sasakyan pauwi. Kung ano man ang sasabihin mo ay sabihin mo na ngayon." Napalatak siya nang marinig ng sinabi ko. "Hanggang ngayon ay iniiwasan mo pa rin ako, Mikoy. I know you love me. You can't deny that. I just have to kiss you and all your self-control will melt." Napakagat ako sa aking ibabang labi. Tama siya. Iyon ang ikinatatakot ko: ang mapagsolo kaming dalawa, ang muli kong matikman ang mga halik at yakap niya, ang muli kong maramdaman ang paggapang ng mga labi niya sa hubad kong balat. Natatakot akong sa ikalawang pagkakataon na maramdaman ko ang mga iyon ay hindi na ako makakapagpigil. Natatakot akong tuluyan nang bumigay. Alam kong labis akong nanghihina dahil tama siya... Mahal ko siya. Ngunit hindi tama ang pagmamahal na iyon dahil pareho kaming lalaki. "Gabriel, hindi kita mahal." Pilit kong pinatatag ang sarili at boses ko nang sambitin ko ang mga katagang iyon. Ngumisi si Gabriel ngunit nakita ko pagdaloy ng pait sa kanyang mukha. "I've never thought of you as a liar, Mikoy." "Hindi... Hindi ako nagsisinungaling. Hindi kita mahal, Gabriel. Hindi kita magagawang magaling dahil pareho tayong lalaki. Intindihin mo sana iyon." Nagulat ako nang bigla siyang magpreno. Mabuti na lang at kaagad kong naitukod ang aking mga kamay sa harapan at naka-seatbelt ako dahil kung hindi ay lumipad na ako palabas ng sasakyan. Mabuti na lang din na walang nakasunod sa likuran namin na sasakyan dahil total na babangga sana ito sa amin. "I never begged someone to love me back, Mikoy. I never gave so much effort for someone to love me as well. Pero sa'yo, binali ko ang lahat ng iyon and this is what you'll tell me? Na hindi mo ako mahal?" May halong panunumbat sa boses niya at hindi ko siya masisisi roon. "Hindi kita pinaasa, Gabriel. Ilang beses na kita pinatigil sa ginagawa mo pero ikaw iyong makulit. Ilang beses ko na ring ipinaintindi sa'yo na hindi kita magagawang magaling dahil..." "Dahil pareho tayong lalaki." Siya na ang tumapos sa sinasabi ko. Mapakla siyang tumawa. "I just wish you wouldn't fall for someone who wouldn't want to be with you, Mikoy. Or worse, ang pumatol sa kapwa mo lalaki at pagkatapos ay hindi ka na makawala. I would hate to know that someone would own you rather than me but I hope you won't fall into a trap na pilit mong iniiwasan and much worst, hindi ka na makawala kahit kailan." Napalunok ako dahil biglang nanuyo ang aking lalamunan sa sinabi niyang iyon. He drove silently after that hanggang sa makarating kami sa aming bayan at maihatid niya ako sa bahay ano man ang naging pagtanggi ko. Ilang araw pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay nabalitaan kong may nobya na si Gabriel. Itonay ang mutual ng aming bayan na galing din sa isang buena familia na maitutulong dito sa aming bayan. Perfect sila para sa isa't isa. Masaya akong tuluyang makawala na kay Gabriel ngunit hindi ko maitatanggi ang hapdi sa puso ko sa tuwing nakaririnig ako ng balita tungkol sa kanila. At nakadagdag pa stress ko ay ang paulit-ulit na pagtanggi sa akin ng mga kumpanyang pinag-aapplyan ko. "Mikoy, bakit hindi mo subukang mag-apply overseas? Naroon ang pinsan mo kaya may tutulong sa'yo na makahanap ng trabaho. Malaki ang suweldo kaya makakapag-ipon ka para mapaayos ang bahay ninyo at para sa pag-aaral na rin ng kapatid mo ilang taon mula ngayon." Pangungumbinsi sa akin ng tiyahin ko na galing pa sa Maynila nang minsang dalawin niya kami at ang mga lupang pinapasaka niya rito sa lugar namin. "Tiya, wala akong perang pang-placement fee at gagastusin sa paglalakad ng mga papeles ko." Nanghihinayang kong sabi sa kanya. "Nako, ay pwede naman kitang pahiraman. Bayaran mo na lang kapag nakapasok ka na roon." "Talaga po?" masaya kong tanong. Sa wakas, sa loob ng ilang buwan ng pagkabigo at ng panhahapdi sa puso ko dahil kay Gabriel ay may natanggap akong isang magandang balita. "Oo. Doon ka na rin muna sa bahay ko sa Maynila manatili habang napo-proseso ang mga papeles mo." Dagdag pa niya na lalong kumumbinsi sa akin. Tinignan ko ang aking mga magulang. Nakangiti sila ngunit may kungkot sa kanilang mga mata. Alam kong dahil iyon sa napipinto kong pag-alis. "Salamat po, Tiya." pagpapasalamat kong muli sa tiyahin ko nang ihatid ko na siya palabas sa aming bahay at patungo sa kanyang kotse. "Kapag handa ka na ay tawagan mo ako para salubungin ka namin sa bus station pagdating mo ng Maynila. Heto, kunin mo. Dyan ka na rin kumuha kapag bumili ka na ng ticket mo." Inabutan niya ako ng tatlong lilibuhin. "Maraming salamat pong muli, Tiya." "Matatanda na rin ang mga magulang mo, Mikoy. Tamang nakatapos ka na sa pag-aaral, dapat lang na tulungan mo na sila sa mga gastusin ninyo at sa pag-aaral ng kapatid mo. Makikita mo, ilang taon lang at unti-unting aasenso ang buhay ninyo. Kung mananatili ka rito sa probinsya, Hindi matitikman ng pamilya ninyo ang pag-asenso kaya wag ka na sanang magpatumpik-tumpik pa sa pagdedesisyon. Isipin mo ang magiging kinabukasan ng pamilya mo at ng magiging pamilya mo, Mikoy," huling bilin niya sa akin bago siya pumasok sa loob ng sasakyan. Pinanuod ko ang pag-alis niyon. Akmang papasok na ako sa loob nang dumaan ang isang magarang motorsiklo. Lulan niyon sina Gabriel at ang nobya nito. At tila sinasadya pa nitong pabagalin ang takbo ng sasakyan nang dumaan sila sa harapan ko mismo. Alam kong pinagseselos ako ni Gabriel at nangyari nga ang gusto niya. Tila piniga ang puso ko nang makita ko kung gaano katamis ang ngiti ng babaeng nakayakap ang mga braso sa katawan niya. Mabilis akong tumalikod at naglakad papasok sa aming bakuran habang pilit na pinipigilan ang sarili kong mapaluha. ... Kinagabihan ay nakatanggap ako ng tawag mila sa aking pinsan na si Manuel. Sinabi niyang nahkausap na sila ng kanyang ina at sinabi ang interes kong makapagtrabaho rin bilang OFW. Sinabi nitong marami itong kakilala na mapagpapasukan sa akin kaya naman nakumbinse talaga akong ituloy ang napag-usapan namin ng kanyang ina. Kinausap ko ang mga magulang ko, pinaliwanagana. Naiintindihan naman nila ang kagustuhan kong iangat ang aming pamumuhay sa pamamagitan ng pagtratrabaho ko sa kabilang panig ng mundo. Kaya naman ilang araw ko ring inasikaso ang iba pang mga papeles na kakailanganin ko para sa pangingibang-bansa ko. "Kuya, umuwi ka agad pagkatapos ng dalawang taon, ha?" Umiiyak ang kapatid kong si Abegail nang ihatid nila ako sa bus station ng araw na iyon. Naluluhang napayakap ako sa kanya at pagkatapos ay sa mga magulang ko. At pagkatapos ay binalikan ko ang kapatod kong nagsimula nang umiyak nang malakas. Muli ko siyang yinakap. "Araw-araw din akong tatawag basta may load ako. Buwan-buwan akong magpapadala ng panggastos ninyo at para sa pag-aaral mo. Pero ipangako mo rin na hanggang hindi kita napapa-graduate na nurse, hindi magbo-boy friend, ha?" luhaang tumango siya sa akin. Nilingon ko ang paligid ko dahil nararadaman ko ang mga matang nakatitig sa akin. At hindi ako nagkamali sa aking nararamdaman dahil nakita ko si Gabriel na nakasandal sa kotse niya at nakatingin sa amin. "Anak, mag-iingat ka palagi at magdarasal. Balitaan mo kami kapag nakarating ka na kina Lumen," naagaw ni Inay ang atensiyon ko. "Opo, 'Nay. Lahat-lahat ng mangyayari ay ibalita ko sa inyo basta may pagkakataon akong makatawag sa inyo. Sa unang sahod ko ay magpapadala ako agad ng pera para makabili kayo ng selpon upang matawagan ko kayo anumang oras." Isa pang pagyayakapan ang aming ginawa bago ako tuluyang nagpaalam sa kanila. Isang sulyap rin ang ginawa ko sa kinatatayuan ni Gabriel bago ako umakyat papasok sa bus na handa nang umalis.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD