Chapter 5

2076 Words
Nagsimula na ang trabaho ko nang sumunod na araw. Madali akong nasanay sa ginagawa kong pagsisilbi sa aming mga kliyente na karaniwang mga sikat na tao sa bansang ito. May mga artista, mga artists, mga mayayaman, at may mga turista rin naman kaming customers. Nasasanay na rin akong makipag-usap gamit ang lengguwahe ng bansa. Kapag naglalakad kasi kami pauwi ni Kuya Lito ay tinuturuan niya ako. Ni hindi ko na nga namamalayan na ang mga araw ay naging buwan na pala. Tuwang-tuwa ako nang matanggap ko ang aking unang suweldo na kaagad kong ipinadala sa Pilipinas. Nagtira lang ako ng sapat na gagamitin ko in case na may mangyayaring emergency sa akin. Syempre ay making tuwa ng pamilya ko. Unang beses na nakatanggap sila ng ganong kalaking halaga. Tila nga nawala ang lahat ng pagod ko nang makita ko ang kanilang nagsasayang ngiti nang makipag-video call ako sa kanila. Paulit-ulit silang nagpapasalamat sa akin na labis na ikinagaan pa ng isipan at puso ko. Halos kaibigan ko na rin ang lahat ng mga kasamahan ko at nakatutuwa na kahit nasa ibang bansa kami ay umiiral ang aming pagka-Filipino. Madalas nila akong binibigyan ng mga extrang ulam nila tuwing lunch break. Nakakakuwentuhan ko na rin ang iba sa kanila at nakatutuwa ba iisa ang layunin namin kaya kami nangibang-bansa. Sila rin ang madalas nagpapalakas ng loob ko kapag naho-homesick ako at nawawala sa sarili ko tuwing oras ng trabaho. "Mikoy, pinapakamusta ka pala ni Lorie, iyong Filipina na nasa 3rd floor nitong mall." Isang araw ay sabi sa akin ng kasamahan kong si Efren. "Parang hindi ko yata siya matandaan," sabi ko sa kanya at napakamot pa ako ng ulo. Libre kaming makapag-usap dahil wala pa naman kaming kliyente. "Naipakilala ko na siya sa iyo noong nakaraan. Ito talaga, bata pa pero makakalimutin na." Natawa ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko naman kasi natatandaan lahat ng ipinapakilala ng mga kasamahan ko sa akin na ibang empleyado ng mall. "O bakit daw niya ako kinukumusta?" natatawa ko pa ring tanong sa kanya. "Ang hina mo naman, boy. Syempre, kursunada ka niya." Napailing pa siya sa akin. "Ganon ba?" natatawa kong tanong. "Iyan lang ang masasabi mo kahit na alam mo nang gusto ka nung tao?" namamanghang tanong niya. "Kumustahin mo na rin siya pero pakisabi na rin na hindi ako interesado." Nagdikit ang mga kilay ni Efren. "Hindi ka interesado? Bakit?" Tipid akong ngumiti sa magkakasunod niyang mga tanong. "Ang pag-iipon ang dahilan kaya nagtatrabaho ako ngayon dito sa ibang bansa, Efren at hindi ang maghanap ng nobya. Hindi ba at nasabi ko na iyan sa'yo ng ilang beses?" pagpapaalala ko sa kanya. "Kunsabagay," kibit-balikat niyang sabi. "Pero alam mo ba, bukod kay Lorie ay may iba pang may kursunada sa'yo dito sa Mall. Gusto ka rin ng isa sa mga guards," halos pabulong niyang sabi. Napatulala ako sa kanya. "Ano?! Hindi ba at lalaki ang mga guards?" gulat kong tanong. "O eh ano? Kung ako lang ang may mukhang 'yan," turo niya sa akin, "kung papatol man ako, sa lalaki na. At least iyon, hindi ko mabubuntis. Bunganga lang, sapat na para makaraos ako," tila nangangarap pa niyang sabi. "Hindi mo ba alam na bawal ang lalaki sa lalaki rito?" pabulong kong tanong. "Syempre, alam ko. Ang sabi ko, papatol. Hindi ang makikipagrelasyon. Ang hirap kaya kung palaging si Maria lang ang kasa-kasama ko." "Maria? Sinong Maria naman iyan?" magkadikit ang mga kilay na tanong ko. "Si Maria. Mariang Palad." Natawa siya kaya ako naman ang napailing sa kalokohan niya nang lubos kong malaman ang tinutukoy niya. Ngunit napatahimik kami agad nang makita naming nagmamadaling naglalakad papalapit sa amin ang manager ng aming department store. "Umayos kayo. Papunta na rito ang isa sa mga anak ng hari para mamili," babala nito sa amin kaya naman nagmamadali kaming bumalik ni Efren sa aming kanya-kanyang puwesto. Ilang saglit pa nga ay pumasok na ang ilang kalalakihan na matatangkad at malalaki ang katawan. Naka-jacket ang mga ito at hindi maipagkakaila na may mga baril na nakasukbit sa kanilang bewang. Tila naglibot muna ang mga ito sa aming store bago may tinawagan ang isa sa kanila. Napatingin ako sa bungad ng pintuan nang pumasok ang isang grupo ng kalalakihan. Napatutok ang mga mata ko sa malaki at matangkad na lalaki na kumpiyansang naglalakad habang napapaligiran siya ng ilang tauhan. Siguradong iyon ang prinsipe na tinutukoy ni Manager kanina. Nang maramdaman kong titingin siya sa gawi ko ay kaagad akong napayuko. Hindi ko alam kung bawal sa amin ang makipagtinginan nang mata sa mata sa mga anak ng royalty sa bansang ito. Nagulat na lang ako nang mag-angat ako ng tingin dahil may tao na sa harapan ko. Napatingala ako sa kanya at napanganga. Ang prinsipe! Nasa harapan ko siya. "Good afternoon, Sir," ninenerbiyos kong bati. Lalo akong kinabahan nang hindi niya ako sinagot at nanatiling nakatitig lang sa akin. Napayuko tuloy ako ng ulo. Tila nakakapaso kasi ang mga mata niyang tumititig sa akin. "Mi. Koy?" Bigla akong nagtaas ng ulo. Nakita kong nakatingin siya sa maliit na name plate sa dibdib ko bago siya tumingin sa mukha ko. "Yes, Sir! That's my name, Sir!" natataranta kong sabi na nagpangiti sa kanya. Nahihiya naman akong gumanti ng tipid na ngiti. Matagal kaming nagtitigan sa hindi ko malamang dahilan hanggang sa siya na ang pumutol sa pagkatameme ko. "What shirts do you think suit me?" Nagbalik ako sa katinuan nang marinig ko ang tanong niyang iyon. "I can definitely help you with that, your Highness. Please follow me," magalang kong paanyaya sa kanya. Sumunod naman siya sa akin at hindi ko maintindihan ang pag-iinit ng mga pisngi ko nang malingunan ko siyang nakatitig sa likuran ko. "Your Highness?" tawag ko sa kanya dahil nasa harapan na kami ng hilera ng mga branded shirts na pwede niyang pagpilian. "You don't need to call me your Highness anymore. You can call me Rasheed," matamis man ang ngiting sabi niya ngunit hindi maipagkakamali ang awtoridad doon. "Thank you for telling me your name, Prince Rasheed. Here are our latest shirts." Habang ipinapaliwanag ko kung aling mga uri ng shirts ang pwede'ng niyang pagpilian ay nakatingin lang siya at tila animated na nakikinig sa akin. Bawat istanteng aming pinupuntahan ay may napipili siya pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya ang ilang detalye tungkol sa mga kasuotan. Nakasampu na siya nang bumaling siya sa akin. "Would you come with me to check whether they fit me well?" Matamis ang ngiti niyang tanong. Sa pagkakataong ito ay may pakiusap na sa kanyang mga mata. Sino ba ako para tumanggi, hindi ba? Prinsipe siya samantalang isa lang akong hamak na empleyado ng mall na ito. "Of course, Sir," kaagad kong sagot at sumunod na sa paglalakad niya. Natuwa ako nang lahat ng pinili niya at isinuhestiyon ko ay bagay na bagay sa kanyang maskuladong katawan. Ang prinsipe ay may perpektong katawan na binagayan din ng kanyang tangkad. Nang matapos niyang isukat lahat ay sinamahan ko pa siya sa cashier upang mabayaran na ang kanyang mga pinamili habang nakasunod ang ilan niyang guwardiya bitbit ang mga pinamili niya. "Are you allowed to go out and eat snacks with your client?" Nagulat ako sa tanong niyang iyon. Ako? Iniimbitahan niyang sumama sa kanya para magmeryenda? "I'm sorry, Prince Rasheed. I don't think we are allowed to do that," pagpapaumanhin ko sa kanya. Tumango-tango siya. Siguro ay alam naman niya ang patakaran sa aming mga trabahador lalo na kung hindi talaga kami taga-rito sa bansa nila. "What time are you going home?" Muli akong nagulat sa sunod niyang tanong. Bakit tinatanong niya kung anong oras ako uuwi? May balak ba siyang hintayin ako para sa meryendang sinasabi niya? "I go home at 8pm, Prince Rasheed, Sir," imporma ko sa kanya dahil halata naman na inaabangan niya ang magiging kasagutan ko. "That's kinda late," tila nanghihinayang niyang sabi. Nawala rin ang ngiti niya. Nagyuko na lang ako dahil wala akong maisagot sa kanya. "Are you a Filipino?" muli niyang tanong nang hindi na ako sumagot. "Yes, Sir. I am," magalang kong saad. "No wonder," pabulong niyang sabi at pagkatapos sabihin iyon ay pinasadahan niya ako ng tingin na ikinadikit ng mga kilay ko. "What do you mean, Sir?" nagtataka kong tanong dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon at kung ano ibig niyang sabihin sa mga salitang sinambit niya. "Oh, I just mean that you're a hard worker. Thanks for today, Mikoy." Muling nanumbalik ang matamis na ngiti sa mga labi niya kahit na obvious kanina na may ikinadismaya siya. Magalang akong nag-bow sa kanya. "Thanks for shopping at our store, Prince Rasheed." Ngumiti pa siyang muli sa akin bago tuluyang umalis. Nang wala na siya at ang mga bodyguards niya ay nagulat ako nang makitang nasa likuran ko na ang manager na tila amazed na amazed na nakatingin sa akin. "Sir?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Magaling, Mikoy! Napakagaling mong kumuha ng loob ng mga customer natin at napatunayan mo ulit iyon ngayon! Alam mo bang snob ang mga anak ng hari lalo na si Prince Rasheed? Ilang beses na rin iyong nagpupunta para mamili rito ngunit hindi iyon nakikipag-usap! Ngunit sa nakita ko kanina, mukhang magaan ang loob niya sa'yo. Magaling, Mikoy. Keep up the good work," bilib na bilib nitong sabi sa akin. Napapahiyang napangiti ako sabay kamot sa aking ulo. "Thank you po, Sir. Pagbubutihin ko pa po," sabi ko sa kanya bago siya tuluyang umalis. "Mikoy," tawag sa akin ni Efren. Nakangiti akong bumaling sa kanya ngunit nawala iyon nang makitang seryoso siyang nakatingin sa akin. "May problema ba?" takang tanong ko sa kanya. "Wala... Wala naman." Nag-iwas siya ng tingin at alam kong may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi. "Alam ko na meron kang gustong sabihin. Sabihin mo na. Huwag mo na akong pakabahin," utos ko sa kanya. Napipilitan siyang sumulyap sa akin. "Nakita ko ang mga kakaibang tingin na ibinabato sa'yo ng prinsipe kanina," tila nagsusumbong na lahad niya. Nagdikit ang mga kilay ko. Kakaibang tingin? Hindi ko naman napansin iyon. Normal naman ang mga tingin na ibinibigay ng prinsipe kaninang nag-uusap kami sa pagkakaalam ko. "Anong ibig mong sabihin? Paano ba siya tumingin sa akin kanina?" pagtatanong ko. "Hindi ako maaaring nagkamali, Mikoy. Alam ko, nakita ko... Kursunada ka ng prinsipe." ... Hindi ako mapakali habang naglalakad ako pauwi. Mag-isa lang ako dahil nag-half day si Kuya Lito na karaniwang kasabay kong maglakad pauwi. Mas maaga kasi kaming umaalis sa aming trabaho kumpara sa ibang empleyado at sila ang priyoridad na ihatid ng sasakyan ng mall. At kaya hindi ako mapakali ay dahil hanggang ngayon ay pabalik-balik pa rin sa alaala ko ang sinabing iyon ni Efren. Kursunada raw ako ng prinsipe. Dapat ko bang paniwalaan iyon? Parang hindi kapani-paniwala iyong sinabi niyang iyon. Paano ako magugustuhan ng anak ng hari eh lalaking-lalaki iyon? Isa pa, batas nila na bawal na ipangalandakan ang same s*x relationship. Alangan namang siya pa ang hindi susunod sa kautusang iyon kung totoo nga ang sinabi ni Efren, hindi ba? Pero kunsabagay, siya ay anak ng hari. Hindi ba at sinabi sa akin ni Manuel na exempted sila sa batas na iyon? Kaya ba hindi nahihiya si Prince Rasheed na ipakita sa iba na gusto niya ako? Teka lang. Masyado na yata akong advance mag-isip. Baka naman kursunada niya lang ako na maging kaibigan. Baka naman kaya napansin din ng manager ang kakaibang ginawa niya kanina ay dahil mapili lang siya ng magiging kaibigan at isa ako sa masuwerteng napili niya. Tama. Baka naman ganon lang iyon at sila lang ang naglalagay ng malisya sa pakikipag-usap sa akin ng prinsipe na tila ba matagal na kaming magkakilala. Bakit ko ba ginugulo ang isipan ko tungkol doon? Napailing na lang ako at nag-relax na habang patuloy na naglalakad. Bigla akong nakaramdam ng pagkabalisa kaya bigla akong napatingin sa aking likuran. Tila kasi may kanina pa sumusunod sa paglalakad ko. Nagpalinga-linga ako ngunit wala naman akong nakita na taong pamilyar sa akin. Kasalanan ni Efren ito, eh. Kung ano-ano ang sinasabi sa akin kanina kaya parang nagiging nerbiyoso na ako. Andami niyang kalokohang alam tapos mandadamay pa siya. Napailing na lang akong muli sa aking sarili at mas binilisan pa ang paglalakad ko para makauwi na ako kaagad. "Mikoy!" Muli akong napalingon sa aking likuran dahil sa malakas na pagtawag na iyon sa aking pangalan. Nanlaki ang aking mga mata nang makilala ko ang lalaking papalapit sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD