Wala akong lakas ng loob na buksan ang regalong natanggap ko kaya itinabi ko na lang muna ito. Masyado akong tinakot ng mga sinabi sa akin ni Efren kanina kaya hindi ko na binuksan iyon. Nakapagdesisyon na rin akong isauli iyon kapag muling mamimili ang prinsipe rito sa amin.
Dala-dala ko pa rin sa isipan ko ang mga sinabi ni Efren kaya kabado akong lumabas sa mall nang gabing iyon. Iniisip ko rin na baka muling mangulit si Dennis na ihatid ako. Absent pa rin kasi si Kuya Lito kaya wala akong kasama pauwi. Ngunit nang nasa kalahati na ako ng daan pauwi at wala pa kahit na sino kina Dennis at Prinsipe Rasheed ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Mabuti naman at walang mangungulit sa akin ngayon.
Mas magaan na ang loob kong naglakad pauwi. Nang makarating ako sa apartment ko ay kaagad akong nagluto ng pagkain ko kahit na hindi pa man ako nakakapagpalit ng damit. Ayokong makisabay sa mga kasama kong kumakain ng dinner sa labas dahil nagtitipid ako. Iniisip ko ang lahat ng gastos, ang bawat barya o papel na perang lalabas sa akin at ayokong mag-aksaya ng pera kung may makakain naman ako rito sa apartment ko. Kung kinakailangan komg magkuripot maging sa aking sarili ay gagawin ko para makapag-ipon ako kaagad.
Habang naluluto ang kanin sa rice cooker ay nagdesisyon akong maligo. Kaagad kong kinuha mula sa sampayan sa laundry area ang tuwalya ko at pumasok na ako sa banyo. Mabilisan ang ginawa kong paglilinis sa aking katawan. Eksaktong makalabas ako ay luto na ang kanin. Nagbihis na muna ako bago ko ginisa ang corned beef na tira ko kaninang umaga.
Inalis ko ang biglang lungkot na naramdaman ko habang kumakain ako nang mag-isa. Naho-homesick na naman ako. Ganito na lang parati ang nararamdaman ko kapag mag-isa akong kumakain dito sa apartment ko. Sa Pilipinas, kahit noodles o itlog lang ang ulam namin ay magana kaming kumakain na buong pamilya lalo na kapag may kasamang kuwentuhan iyon. Hindi ko tuloy halos nagalaw ang pagkain ko dahil bigla kong na-miss ang mga magulang ko at ang bunso kong kapatid. Itinabi ko na lang ang niluto ko at nagdesisyon na iyon na lang ang iinitin ko para sa aking almusal bukas.
Nagsepilyo muna ako bago naghiga sa kama. Kahit na gusto ko na ang matulog dahil sa maghapong pagtayo kanina sa mall ay hindi pa naman ako dinadalaw ng antok. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang tungkol sa sinabi ni Efren sa akin kanina.
May gusto nga ba talaga sa akin ang prinsipe? Hindi ako manhid para hindi maramdaman na tila espesyal nga ang turing niya sa akin. Pero baka maman masyado lang na malisyoso si Efren para isipin na tunay ngang gusto ako ng prinsipe sa ibang paraan. Ganon ba kalakas ang s*x appeal ko para magustuhan ng miyembro ng royal family ng bansang ito?
Hindi ko napigilan ang sarili ko na alalahanin ang itsura ng prinsipe.
Magaganda ang mga mata niya. Mapupungay ang mga ito at nakakahalina lalo na kapag tumititig ang mga ito sa akin. Matangos ang kanyang ilong. Malaki iyon sa karamiwan ngunit bagay na bagay iyon sa kanyang mukha. At maaalis ko ba naman sa isipan ko ang napakapula niyang mga labi? Matangkad siya dahil hanggang dibdib niya lang ako sa tangkad kong 5' 6". Malaki rin ang pangangatawan niya. Alam ko iyon dahil sa ginawa niyang pagsukat sa mga damit na pinamili niya.
Nag-init ang buong mukha ko nang maalala ko ang lahi niya. Ayon sa alam ko tungkol sa lahi nila, sila ang may pinakamalaking kargada sa lahat ng kalalakihan sa mundo ayon sa mga nabasa kong artikulo.
Nanuyo ang lalamunan ko kaya napalunok ako habang tila nagkakahugis iyon sa isipan ko. Napakahaba niyon, mataba, at malapad. Baka nga maugat din iyon. Kung talagang gusto ako ng prinsipe at kung sakali, kung sakali lang na magkakaroon kami ng relasyon na tutungo sa gawing seksuwal, makakaya ko kaya kung papasok iyon sa akin?
Nangilabot ako lalo na nang maramdaman ko ang pagtigas ng akin habang gumagana ang imahinasyon ko. Pinagdikit ko ang aking mga hita at pilit na inaalis ang isiping iyon sa utak ko ngunit kahit anong gawin ko, tila isang eksena sa pelikula ang napapanuod ko.
Nakatalikod akong naka-dipa habang nasa likuran ko si Rasheed. Pareho kaming hubad. Mahigpit niyang hawak ang bewang ko at pabalik-balik ang ginagawang galaw ng kanyang bewang sa may likuran kong nakatuwad.
Mahigpit akong napahawak sa p*********i ko nang lalong umigting ang pagkakatigas niyon. Awtomatikong gumalaw nang mabilis ang kamay ko nang pataas-baba sa p*********i ko habang impit akong umuungol. Pikit na pikit ang mga mata ko habang papabilis nang papabilis ang galaw ng kamay ko. Halos mamilipit na ang aking mga binti sa sensasyon, kuryente, at kiliting dumadaloy sa buong katawan ko. Malalalim ang paghugot ko sa aking hininga na tila may hinahabol ako.
Ayan na, papalapit na ako.
Napasinghap ako nang sumirit ang galing sa akin habang nakaarko ang aking likuran. Panandalian akong nawala sa aking sarili at ninamnam ang sarap ng aking pagsasarili habang namimilipit ang buong katawan ko.
Nang huminahon na ang paghinga ko ay kaagad akong tumayo na kahit nanghihina pa ang mga tuhod ko at mabilis akong nagpunta sa banyo upang linisan ang sarili ko. Nang matapos ay bumalik ako sa kuwarto at ang sapin naman ng higaan ko ang inalis ko. Ayokong matulog na basa, may amoy, at malagkit ang hinihigaan ko. Mabilis ko iyong nilabahan at isinampay sa laundry area. Nang mapalitan ko na iyon ay kaagad na akong humiga.
Tingan mo nga naman. Sa kai-imagine ko ay naglabas tuloy ako ng 'di na oras. Ngunit may maganda namang naidulot iyon dahil nakatulog ako nang hindi ko na namamalayan.
...
Also onse ng umaga habang inaayos ko ang pagkakasampay ng mga display naming pantalon ay may tumigil na isang lalaki sa harapan ko.
Awtomatiko akong napatigil sa aking ginagawa at bumati rito.
"Good morning! Welcome to RnJ Clothing." Ngumiti ako ngunit mabilis na nabura iyon sa mga labi ko nang makikilala ko ang lalaking kaharap ko.
Isa siya sa mga bodyguards ng prinsipe.
"Prince Rasheed wants you to have this," pormal niyang sabi sa akin sabay abot ng isang food pack at shopping bag.
Tumingin siya nang lumipas na ang ilang minuto ngunit hindi ko pa rin inaabot ang mga dala niya.
"Oh, I'm sorry, Sir but we are not allowed to accept gifts from our customer," tipid akong ngumiti sa kanya. Saglit siyang natulala sa akin ngunit kaagad ding natauhan.
"What do you mean? Why are you not allowed?" dikit ang mga kilay na tanong niya.
"It's a company policy, Sir. Please wait a minute," paalam ko sa kanya bago mabilis na tumalikod at nagpunta sa locker ko sa staff room. Kinuha ko roon ang regalong ibinigay nila sa akin kahapon. Lakad-takbo pa nga ang ginawa ko upang makabalik ako kaagad sa lalaki.
"Here, Sir." Iniabot ko sa kanya ang maliit na kahon na alanganin niyang tinanggap.
"Please tell the prince that I really appreciate the gifts but I can't accept them and I am hoping that he would understand. Thank you so much," magalang kong sabi sa kanya. Pinanatili kong pormal ang ekspresyon ko upang lalo niyang maintindihan ang kaseryosohan ng sinasabi ko. Matagal siyang tumingin sa akin bago tumango.
Isang tingin na nagsasabi ng pamamaalam ang ginawa niya bago siya tumalikod at naglakad paalis. Sumunod sa kanya ang mga mata ko.
"Hindi mo na tinanggap ang pinapabigay niya ngayon, isinauli mo pa ang regalo niya sa'yo kahapon."
Kaagad akong napalingon sa likuran ko at nakita na si Efren ang nagsalita. Nakita ko ring nakasunod ang mga mata niya sa bodyguard ng prinsipe.
"Alam mo bang kabastusan iyon lalo na kung galing iyon sa miyembro ng royal family?" sunod niyang tanong na sa pagkakataong ito ay nakatingin na siya sa akin.
Napabuntonghininga muna ako bago ko siya sinagot.
"Para sa akin ay hindi pambabastos iyon kundi isang simple lang na pagtanggi, Efren. Isa pa, hindi ba at ayon sa ating orientation, bawal ang tumanggap ng tip mula sa ating mga customers? Lalo na siguro iyong mga regalo dahil wala namang okasyon," depensa ko sa ginawa ko.
"Tama ka, Mikoy. Isa rin iyong mensahe ng pagtanggi," sang-ayon niya rin sa akin.
"Ibig bang sabihin, tinatanggihan mo ang prinsipe?" dugtong niyang tanong nang Hindi ako sumagot sa sinabi niya.
"Wala rin namang patutunguhan iyon kung sakaling panliligaw nga ang ipinaparating ng mga pagreregalo niya sa akin, Efren. Bukod sa batas ay hindi rin ako interesado sa kanya."
"Hindi interesado? Nakatitiyak ka ba?" pangunguwestiyon niya at saka ako sinuri ng mga mata niya.
Malakas na kumabog ang aking dibdib lalo na nang tila pag-aralan pa niya ako.
"Kung totoo man ang sapatha mo na may gusto siya sa akin, hindi ko maaaring tanggapin iyon dahil una, ayokong maparusahan sa harapan ng publiko. Ikalawa, ayokong makulong. Ikatlo, wala akong balak na makipagrelasyon sa kapwa ko lalaki. At ikaapat, ang pag-iipon ang ipinunta ko rito. Ang paghahanap ng pera ang mithiin ko at hindi ang paghahanap ng makakarelasyon lalo na kung lalaki iyon."
Humakbang siya papalapit sa akin at halos pabulong na sinabi.
"Kung pera lang ang hanap mo ay maibibigay niya iyon nang walang kahirap-hirap, Mikoy. Basta mapapaligaya mo siya ay mapapaikot mo na siya sa iyong mga palad."
Nanlaki ang mga mata ko dahil nauunawaan ko ang tinutukoy niyang pagpapaligaya.
"Hindi. Hindi ko gagawin iyon, Efren. Hindi ko sasamantalahin ang damdamin ng iba para sa akin kahit na mas mapapadali ang lahat sa akin kung tatanggapin ko iyon. Ayokong lumabag sa kanilang batas at ayokong lalaki ang makakarelasyon ko," determinado at seryoso kong saad sa kanya.
Matagal na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago siya muling nagsalita.
"Sana nga ay mapanindigan mo ang desisyon mo, Mikoy, dahil may pakiramdam ako na hindi ganon kadaling susuko ang prinsipe sa'yo. Nararamdaman ko na hindi ka niya basta-basta titigilan hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya sa'yo."
Tinapik pa niya ang balikat ko bago siya umalis pabalik sa naka-assign na puwesto niya. Napalunok na lang ako habang sinusundan ng tingin ang papalayo niyang bulto.