Nagdikit ang mga kilay ko. Namumukhaan ko ang lalaking papalapit na sa akin ngayon. Hindi ba at isa siya sa mga guards ng mall na nakilala ko noong nakaraan?
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maalala ako. Siya ba ang tinutukoy ni Efren kanina? Iyong sinasabi niyang guard na may gusto sa akin?
"Mabuti na lang at naabutan kita," humihingal na sabi sa akin ng guard. Matamis pa itong ngumiti sa kabila ng pagkabiglang nasa mukha ko. Alanganin naman akong ngumiti pabalik sa kanya nang makabawi ako.
"May kailangan ka ba kaya mo ako tinawag? Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ko nang makapag-ipon na ako ng lakas ng loob para magsalita. Nangislap ang kanyang mga mata at nakangiti pa rin na sumagot sa akin.
"Denver. Denver Maglalot ang pangalan ko. Aayain sana kitang kumain ng dinner. Wala rin kasi akong kasabay at alam kong hindi ka pa kumakain."
Nawala ang tipid kong ngiti. Kabisado ko na ang mga ganitong pag-iimbita na pinagsisimulan ng panliligaw.
"Nako, pasensya ka na pero wala akong pera ngayon. Nagtitipid ako dahil naipadala ko na sa Pilipinas iyong buong sahod ko," pagrarason ko. May halo rin namang katotohanan iyon kahit na mas mabigat na dahilan na ayaw kong tanggapin ang imbitasyon niya dahil alam kong magiging sunod-sunod na iyon.
Umiling siya sa akin.
"Walang problema. Ako na ang bahala kung iyong bayad lang sa kakainin natin ang iniisip mo. Sagot ko na ang dinner mo." Kumindat pa siya sa akin.
Nako. Ganito ang style ng mga lalaki kapag nagsisimula na silang magpakitang-gilas.
"Naku, ayoko. Hindi na. Hindi ko kasi ugali ang magpalibre ng pagkain sa iba. Pasensya na pero ayokong may utang ako sa iba. Sana ay naiintindihan mo," muli kong pagtanggi. May itsura rin namin si Denver. Matangkad din ito at malinis tignan. Ngunit wala talaga sa isip ko ang pumatol sa kanya. Kung si Gabriel nga na ubod ng guwapo, tikas, at maykaya pa ay tinanggihan ko, siya pa kaya ang hindi ko kayang tanggihan?
Nawala ang ngiti ni Denver at nakita ko ang panandaliang paniningkit ng kanyang mga mata.
Lalong mas naging determinado akong hindi sumama sa kanya dahil doon.
"Ganon ba?" seryoso na niyang tanong sa akin. Burado na ang ngiti niya.
"Oo, pasensya ka na talaga. Sige, mauuna na ako. Medyo malayo pa kasi ang uuwian ko," pagpapaalam ko sa kanya ngunit bago pa ako nakalayo ay umakbay na siya sa akin.
"Kung ayaw mo akong makasalo sa dinner, hayaan mo na lang na ihatid kita sa apartment mo." Pinisil pa niya ang balikat ko. Nakaramdam ako ng pagkaalinsangan dahil ramdam ko ang malisya sa ginagawa niyang pagpisil-pisil sa balikat ko. Nanlalamig din ako sa malalagkit na tingin na ibinabato niya sa akin kaya tila naestatwa at nanigas ako sa pagkakatayo at 'di na makakilos pa.
Walang anu-ano ay may humintong magarang sasakyan sa gilid namin. Sabay kaming napanganga nang bumaba mula sa likuran ang isang tao na hindi namin inaasahan.
Si Prinsipe Rasheed.
Kaagad na napabitaw sa kanyang pagkakaakbay sa akin si Denver nang tumuon doon ang mga mata ng prinsipe.
"Hello, Mikoy," bati sa akin ng prinsipe nang sa akin naman bumaling ang kanyang mga mata.
"Prince Rasheed," mahina ang boses na bati ko sa kanya.
"Who is he? Is he your boyfriend?" magkakasunod na tanong ng prinsipe na walang kangiti-ngiti.
Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Denver dahil nga alam naming bawal ang ganong klase ng relasyon sa bansang ito.
"No, Sir! We're just friends!" nagmamadaling sagot ni Denver sa kanya dahil tila nakalunok ako ng buto ng santol dahilan para hindi ako makasagot agad.
"I remember you. You're one of the guards at the mall," pormal na sagot naman sa kanya ng prinsipe.
"Yes, Prince. I am one of them."
Humina ang boses ni Denver. Alam kong nararamdaman niyang hindi interesado ang prinsipe sa kanya.
"So where are you two going?' muling tanong ng prinsipe nang kapwa na kami walang masabi ni Denver.
"I was actually going to drop him home, Sir," magalang na sagot ni Denver.
Tumingin sa akin si Prinsipe Rasheed na waring pinag-aaralan ako.
"He seems not comfortable with you. Why don't I drop him home?"
Napalunok kaming pareho ni Dennis dahil sa sinabing iyon ng prinsipe lalo na sa matigkas na bigkas niya sa 'I'.
"Sir, there's no need to bring me home. I could go home alone," mahina ang boses na pagtanggi ko sa alok ng prinsipe. Nanlaki naman ang mga mata ni Denver. Hindi siguro ito makapaniwala na magagawa kong tanggihan ang prinsipe ng bansang ito.
"I insist," maawtoridad na saad ng prinsipe sa akin.
"Mikoy, kung ayaw mong mapahamak ka, huwag kang tatanggi sa Aaok niya," palihim na bulong sa akin ni Denver bago ito nagpaalam sa prinsipe.
"If that's the case, I will leave him to you, Prince Rasheed. Take care and bye." Mabilis na yumukod si Denver at tumalikod na saka nagmamadaling naglakad palayo.
Hindi ko naman alam ang susunod na ikikilos ko sa harapan ng prinsipe.
"Why don't we have dinner first, Mikoy? I'm sure you're tired and hungry."
Napatingin ako sa prinsipe pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. Matatanggihan ko ba siya gaya ng ginawa kong pagtanggi kay Denver kanina?
"Prince Rasheed, thank you for the invitation but I don't think I could go and have dinner with you. I am just an ordinary employee, a foreign worker here in your country. I don't think it's appropriate for me to be with you and have dinner with you," magalang kong pagtanggi sa kanya habang nakayuko.
Matagal na hindi siya nakaimik. Akmang magpaalam na ako sa kanya para makauwi na rin ako ngunit naunahan niya akong magsalita.
"If that's the case, allow me to walk you home."
Napatingin ako sa kanya habang nanlalaki ang aking nga mata.
"Walk me home?" nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya upang masiguro kung tama ba ang narinig ko.
"Yes, walk. I know you would say no if I'll ask you to go inside my car. I also know that you have some kind of prejudice about me, about us," tukoy niya sa lahi nila.
"No, Sir! It's just that..." mabilis kong tanggi ngunit nginitian niya lamang ako.
"I totally understand, Mikoy. There's no need for you to explain."
Napatango na lang ako sa kanya. Kaya naman tahimik na lang kaming naglakad papunta sa direksyon ng apartment ko. May mga nakakasalubong kaming napapatingin sa kanya na waring kinikilala siya. Ngunit kapag nakikita nila ang mga nakasunod sa amin na bodyguards niya ay mabilis din silang nag-iiwas ng tingin.
Halos lampas labin-limang minuto rin kaming naglakad bago kami nakarating sa harapan ng apartment ko. Nakita kong pinag-aralan ito ng prinsipe nang matagal.
"Prince Rasheed, thank you for bringing me home," nahihiya kong sabi sa kanya. Kaagad naman siyang bumaling sa akin.
"No problem, Mikoy. I'm happy to see your place."
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay lumabas na ang katanungan na kanina pa sa isipan ko habang naglalakad kami.
"Is there a reason for you to bring me home, Prince Rasheed? Did I commit any errors while I was assisting you awhile ago?"
Nakangiti siyang umiling sa akin.
"I like how you served me, Mikoy. This is just a simple thank you for what you did."
Napangiti ako nang tuluyan sa narinig kong sinabi niya. Nakadama rin ako ng paghanga sa kanya dahil napaka-humble niya. At higit sa lahat, nakaka-proud na marinig na nasiyahan ang isang prinsipe sa ginawa kong paglilingkod sa kanya.
"Thank you, Sir. I'm just doing my job. I'll be happy to serve you again," natutuwa kong saad.
"I will be very happy if you will be the one who will always assist me. Go ahead, get inside," masuyo niyang utos sa akin.
"Good bye, Prince Rasheed," pagpapaalam ko sa kanya. Sayang-saya pa rin ako sa mga sinabi niya.
Nang sumunod na araw, hindi ko inaasahan ang pagdating ng isang regalo para sa akin. Kaagad ngang nakiusyoso si Efren habang nagtataka kong tinitigan ang regalo na nakabalot sa makintab na papel.
"Aba, tignan mo nga naman. Talagang nag-uumpisa na iyong guard sa panliligaw sa'yo, Mikoy. Tignan mo nga at nagpapa-impress pa. Mukhang mamahalin itong regalong binili niya para sa'yo," nakangising sabi ni Efren sa akin habang hinahaplos-haplos ang maliit ngunit may kahabaang box.
"Hindi kay Denver galing ang regalong iyan, Efren."
Kaagad na napalingon sa akin si Efren na animo'y lumipad ang ulo niya.
"Ha?! Kung hindi sa kanya, kanino galing ang regalong ito?"
Ipinakit ko sa kanya ang card na binasa ko. Halos tumalon palabas sa mga sockets nito ang mga mata niya.
"Prince Rasheed," basa niya sa pangalang naroroon.
Nang makabawi sa inisyal na pagkabigla ay sabay kaming napatingin sa kahon.
"Buksan mo na nang makita natin ang regalo sa'yo ng prinsipe. Dali!" utos niya. Mas excited pa siya kesa sa akin.
"Pero teka, bakit ka kaya niya pinadalhan ng regalo?" biglang bawi niyang tanong.
"Ihinatid niya ako hanggang sa apartment kagabi," pagbabalita ko sa kanya.
"Ano?!" napalakas niyang sabi dahilan para mapatingin ang ilang kasamahan namin sa kanya.
"Si Denver nga sana ang maghahatid sa akin pero nahiya siya sa prinsipe nang magsabi itong siya na lang daw ang maghahatid sa akin pauwi." Tumaas ang isang kilay ni Efren dahil sa narinig.
"Kung ihinatid ka niya, ibig sabihin ay hinintay niya ang pag-uwi mo," nang-iintriga niyang sabi.
"O maaaring nadaanan niya lang kami kaya iyon, nagpasya siyang ihatid na ako." Umiling si Efren sa sinabi ko.
"Ibig sabihin, nakuha mo talaga ang atensiyon niya."
"Sinabi niyang nasiyahan siya sa serbisyo ko kahapon."
Muling umiling si Efren.
"I don't think so, Mikoy. Isa siyang prinsipe ng bansang ito. Sapat na ang pagtango niya bilang pasasalamat sa iyo kung tutuusin. Pero iyong personal ka niyang ihatid? Iyong bibigyan ka ng regalo? Mukhang iba ang nasa isipan ng prinsipeng iyon para sa'yo."
Ako naman ang napatitig sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon.
"Anong nasa isipan niya? Ano ang ibig mong sabihin?"
Matagal siyang nakipagtitigan sa akin bago sumagot.
"Mikoy, pakiramdam ko ay may gusto rin sa'yo si Prinsipe Rasheed."
Napanganga ako sa sinabi niyang iyon.
"Hindi. Nagkakamali ka. Hindi iyon pwede. Prinsipe siya kaya sigurado akong alam niya ang batas dito na bawal ang relasyon na pareho ang kasarian. Ikaw, Efren, kung ano-ano na lang ang sinasabi mo. Pati iyong paghahatid niya at pagbibigay ng regalo ay binibigyan mo ng malisya," pag-iwas ko sa kanya kahit na may bumubulong sa loob-loob ko na tama ang iniisip ni Efren.
"Mikoy, malakas talaga ang pakiramdam ko na may gusto sa'yo si Prinsipe Rasheed," seryoso na niyang turan na nagpawala sa ngiti ko at nagpadama sa akin ng kakaibang takot. Hindi na tuloy ako nakasagot sa kanya at lalo pang napipilan dahil sa sumunod na sinabi niya.
"Kaya mas mag-ingat ka. Prinsipe siya ng bansang ito, Mikoy. Pwedeng-pwede niyang baliin ang batas kung gugustuhin niya para lang makuha ang taong gusto niya."