Chapter 9

1787 Words
Kanina pa tila may apoy ang puwet ko. Hindi ako mapakali. Hindi ako makakilos nang maayos. Paano naman kasi ay napakaelegante ng pinagdalhan sa aking kainan ni Rasheed. Karaniwan ko lang na nakikita sa mga pelikula ang ganitong pribadong kuwarto kung saan kumakain ang mga VIP's ngunit ngayon ay naririto na ako mismo sa isa sa kanila. Naa-amaze ako sa totoo lang. Ang isa pang hindi nagpapakalma sa akin ay dahil nasa harapan ko si Rasheed na mas sa akin nakatutok ang atensiyon kesa sa pagkain sa harap niya. Conscious na conscious tuloy ako sa bawat pagsubo ko at pati sa pagnguya ay ingat na ingat ako. Ayoko namang magmukhang patay-gutom kaya lumilipas yata ang limang minuto bago ko malunok ang nginunguya ko. Todo-iwas din akong magkasalubong ang mga mata namin. Ngayon pa lang nga na hindi ay nag-iinit na ang mga pisngi ko dahil sa pagtitig na ginagawa niya sa akin kaya paano na lang kapag nagkatinginan kami? Baka mailuwa ko pa 'yung pagkain mula sa loob ng bibig ko. First time kong makakita at makaamoy ng mga masasarap na pagkain na nasa harapan namin ni Rasheed ngayon kaya kahit papaano ay nakakaramdam din naman ako ng excitement. Amoy pa lang kasi 'di ko pa natitikman lahat. Kung pwede lang na maglagay ng bawat putahe sa plato ko, ginawa ko na. Amoy pa lang nila ay naglalaway na ako. Pero dahil prinsipe ang kaharap ko sa pagkain, kailangang maging maingat ako para disente pa rin akong tignan kahit sa pagnguya ko. Nasisiyahan man ako ngunit nalulungkot din. Parang nakokonsensya ako na nakakakain ako ng masarap ngayon samantalang iyong pamilya ko ay hindi ko alam kung masarap ba ang ulam nila sa kanilang hapunan. Kunsabagay, ganito naman ako lagi. Nakokonsensya kapag hindi natitikman ng pamilya ko ang mga pagkaing nakakain ko. "Thinking of something or rather someone?" Kaagad akong napatingin kay Rasheed at nawala sa isip ko na iniiwasan kong mapatingin sa kanya nang bigla siyang magsalita. At dahil napatingin na nga ako sa kanya, ang sunod ko namang prinoblema ay hindi ko na maalis o maiiwas ang tingin ko sa mga mata niya. Kung bakit naman kasi parang may magnet ang mga iyon. "My family. I remember them," mahina kong sagot sa tanong niya. Alam kong hindi nalingid sa pandinig niya ang lumbay sa boses ko. Saglit na nawala ang ngiti niya bago iyon bumalik dahil nabuksan na ang pag-uusap sa pagitan naming dalawa. Nasa mga mata niya ang pang-unawa sa nadarama ko sa mga oras na ito. "I understand. You must be very close to them that's why when you're not working, you're always thinking of them." Sa pagkakataong iyon ay napangiti ako lalo na at tila nakikita ko ang mukha ng mga magulang ko at ng bunsong kapatid ko. Hindi ko na rin napigilang magkuwento sa kanya. "My father is the best father in the world for me. He usually works overtime to provide for us. He's our superman. It didn't matter to him even if the jobs are real hard as long as he gets salary," nakangiti na ako nang tunay sa kanya habang ibinabahagi ang tungkol sa pamilya ko. Alam ko rin na nakikita niya sa mga mata ko kung gaano ako ka-proud sa aking ama. "My mother is the most hardworking woman I know. She does the laundry of our neighbors or sometimes sells at the market for money to help my father provide for our family. They both worked hard so I can finish my education." Napakurap-kurap ako dahil sa biglang panhahapdi ng mga mata ko nang maalala ko kung ilang beses ko nang nakita ang mga pagod na mukha ng mga magulang ko ngunit ang masasayang ngiti nila sa tuwing may naiuuwi silang pagkain na aming pagsasaluhan o 'di kaya ay ang pagtatrabaho nila ng higit pa sa dapat na oras upang mabili ang ibang pangangailangan namin lalo na ang mga gagamitin ko sa aking pag-aaral. Ni minsan ay hindi ako nakarinig ng reklamo sa kanila kung gaano kahirap ang buhay namin. Kapag may dumarating na pagsubok sa amin kagaya kapag may sakit kaming magkapatid, palagi silang nakahahanap ng paraan upang makabili ng mga gamot na ikagagaling namin. Awa ng Diyos, hindi naman umaabot ang pagkakasakit namin sa mahahabang panunuluyan sa ospital. "I have a younger sister named Abegail. She's still in her Grade 8. She wants to be a nurse someday and that is one of the reasons why I decided to work away from them. The salaries here are much higher compared to the salary I will receive if I'm working there in our country. I just finished a three year course that's why I can't get the best paying jobs," nahihiya kong pag-amin sa kanya. "I don't intend for you to pity me. I am just sharing," pahabol ko pa. "That's okay, Mikoy. I actually thank you for sharing a part of your self to me. You are passionate about your work and love your family so much. And those are the things that will make you reach your goals. I'm also glad that you were able to share things about your family to me. I can feel that you trust me enough to tell me about them." Nariyan na naman ang matamis niyang ngiti na nakagagaan sa loob ko kaya naman ngumiti rin ako pabalik sa kanya. At dahil naumpisahan na ang kuwentuhan tungkol sa pamilya, ako naman ang nagtanong sa kanya. "How about you? Could you tell me things about your family, too? It's okay if you won't, I would understand," nagmamadali kong dugtong dahil baka isipin niyang masyado akong atribido at baka inaasahan din niya na bilang trabahador ng kanilang bansa, dapat kilala ko rin ang bawat miyembro ng pamilya nila. "No problem. I could share some things about them to you. I could tell you that I am well provided in all of my needs and even wants. My father, as you know, is the king of this country. I have an older brother named Ram and he is the heir to my father's throne. My father focuses on him so I'm freer compared to him. I could do things which he cannot. Most of them anyway. He's just 5 years older than me and we share the same mother. He's married now." Tumango-tango ako sa kanya bilang pang-eengganyo na magpatuloy pa siya sa pagkukuwento kung nais niya. "My father has a lot of lovers. Each other them has a house in our place and they live with their kids, our younger siblings." "You're really a big family then." Hindi ko maiwasang langkapan ng amazement ang boses ko. "Yes, really big. We have ten half-siblings. My father has a child from each of his lovers," pag-amin niya. "Ten? Then, aside from your mother, your father must have ten lovers, too," gulat kong sambit. "He has eleven." Napansin ko ang pagkawala ng ngiti niya nang mabanggit ang ika-labing isa na lover ng kanyang ama. Siguro ay hindi niya tanggap iyon o 'di kaya, ang ika-11 na lover ng kanyang ama ang evil stepmother niya. "Only a few trusted people know about his eleventh lover, Mikoy. Unlike the others who were introduced in public as his other wives, Jade was hidden... Very hidden from the public's eyes and ears." Jade pala ang pangalan ng lover na iyon ng hari. Siguro, ito ang paborito kaya protektadong-protektado ito. Kaya rin siguro nawala ang ngiti ng prinsipe kanina dahil pinagseselosan niya ang tinutukoy na lover ng kanyang ama para sa kanyang ina. "You'll meet them, those who were shown anyway. They are all over the newspapers and magazines. But it will be much better if you will meet them in person," waring umaasa niyang sabi. Natigilan tuloy ako. "They could visit our store if your brothers need clothes to wear," sabi ko bilang sagot. "They usually shop online. But will you be willing to come visit our palace if we will celebrate something there?" Nakagat ko ang ibang labi ko nang 'di sinasadya. Ako? Ang isang tulad ko ay makakapunta sa palasyo nila para makilala ang kanyang pamilya? Naka-excite iyon sa totoo lang dahil makakadaupang-palad ko ang hari, reyna, ang mga prinsipe, at prinsesa kung sakali. Ngunit ang tanong, karapat-dapat ba talaga ang isang tulad ko? "I don't think I could, Prince Rasheed. I'm just an ordinary person. Am I even allowed to be invited and go there?" "I am the one who is inviting you. I don't find a problem with you being an ordinary person to be allowed in the palace. But Mikoy, you have to know or you already know that you are not just an ordinary person to me. You're actually special... Very special." Dahan-dahan ang ginawa niyang pagsambit sa dalawang huling salita na binitawan niya na waring gusto niya iyong ilagay sa isipan ko. Diyos ko, ito na ba? Aamin na ba siya sa akin? "Why? Why am I special to you?" lakas-loob kong tanong sa kanya. "We've just met twice before this. I've just served you once." Halos ako lang yata ang nakarinig sa huling sinabi ko ngunit pinatunayan ni Rasheed na malinaw niyang narinig ang mga iyon. "And those two meetings are special to me, Mikoy, just like how special you are and this night is. You're charming and if I were just an ice block before seeing you, I've melted the first time you'd smiled at me. Your eyes could drown me, you know? You don't wear exactly the best clothes but you carry yourself well. You don't wear the most expensive perfume but your smell is quite addicting," seryoso niyang saad na ikinainit ng mga pisngi ko. "And when you started talking, I've lost it." Natawa siya sa sarili niyang biro. "Imagine a prince being at lost of his thoughts? But you're a good conversationalist. You've made me feel so at ease that I could ask you anything that I could not even ask my own mother." Natawa siya nang makita ang pagkunot ng noo ko. "Like what?" Siya ang nagtanong sa balak akong itanong kaya banayad akong tumango sa kanya. "Like if the shirt suits me. I'm not comfortable asking her about that," pagpapaliwanag niya. Tipid akong napangiti sa kanya dahil nakuha ko naman ang nais niyang sabihin. May mga lalaki naman talaga na hindi maitanong sa kanilang ina ang mga damit na babagay sa kanila lalo pa siguro sa reyna na masyado ring abala. "Are those the reasons for the gifts you're sending me? That you are thankful because I've served you well and I am friendly towards you?" Tumitig muna siya sa akin nang matagal bago nagpasyang sagutin na ang tanong ko. "Those food and gifts are me saying, will you be my lover, Mikoy?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD