CHAPTER 8 KIANNA SOFIA Katatapos lang naming kumain ni Thunder sa ibabaw ng picnic blanket. Talagang pinaghandaan nito ang pagpunta namin sa isla nila. Pinagmasdan ko ang kaaya-ayang paligid habang nakaupo sa picnic blanket. Nakapaligid sa amin ang napakaraming klase ng bulaklak habang sumasayaw ito dala ng malakas na hangin. Huminga ako ng malalim at hindi ko napansing nakangiti na pala ako. "Your smile is my weakness, Baby." Tumaas ang aking balahibo nang maramdaman ang pagdikit ng labi ni Thunder sa aking tenga. Hindi ako nakatanggi nang humiga na ito sa aking hita. Pinitas ko ang ilang sunflower at pinagbuhol ang mga tangkay nito para makagawa ng flower crown. Naagaw ni Thunder ang atensyon ko nang haplusin nito ang ilang hibla ng aking buhok. "Don't cut your hair. I want it long