CHAPTER 3

1280 Words
CHAPTER 3 KIANNA SOFIA Matapos ang encouter namin sa mag-asawang Sandoval ay bumalik na kami sa opisina. Maraming bumati sa amin at ako lang ang bumabati sa kanila pabalik samantalang si Thunder ay dirediretso lang sa paglalakad. Nang bumukas ang elevator ay agad kaming sumakay. "Don't greet them back." Madiing sabi ni Thunder. Ipinamulsa nito ang isang kamay sa bulsa ng suot niyang jeans. Tumaas ang isang kilay ko. Para saan pa kung igagalang ko siya, e, kilala na niya kung sino ako. "Mas gaganda ang image kapag generous, no. Suplado ka kasi. Playboy ka naman. Ang complicated mo. Paano ka magkakaroon ng maraming kaibigan kung ganyan ka?" "Hindi ko alam na bukod sa pagiging secretary, preacher ka rin pala. Just don't greet them back. Naiirita ako." He said frankly. I rolled my eyes. "Control freak.” Umatras kami kasi may pumasok na dalawang lalaki. Agad nilang in-acknowledge ang prescence mi Thunder. "Good afternoon, Sir." Bati ng isa. "Good afternoon." Wala. I want to piss him off. "Tsk." Ngumiti yung lalaki sa gilid ko. "Saang department ka, Miss? Ngayon lang kita nakita dito." "Secretary ako ng playboy na 'to." Sabi ko habang tinuturo si Thunder. Nagsalubong ang kilay ni Thunder sa ginawa ko. What a hottie. Namutla ang lalaki. "Uhh. D-Dito na pala yung floor namin. Good day, Sir." Muntik pang madapa yung kaibigan niya sa pagmamadali nitong lumabas ng elevator. I tilted my head on the other side. "Problema n'un?" Napatuwid ako ng tayo nang humarap sa akin si Thunder. Umatras ako ngunit humakbang ito hanggang sa ang maramdaman ko nalang ay ang malamig na bakal ng elevator. Ilang pulgada nalang ang layo namin. I tried to move pero hinarangan niya iyon ng kanyang braso. "Sinusubukan mo talaga ako, Kianna." Nilabanan ko ang titig nito. "Hindi ko kasalanang generous ako. At kasalanan mo kung bakit playboy ka." He smirked. I melted. "Ang playboy, kabi-kabila ang babae. Ako, I'll cut the strings first bago ako lumipat sa ibang babae. I'm a one-woman man." We stared at each other for a long moment. Ako ang hindi nakayanan ang intensidad ng titig nito. "I don't care." His smile was all teeth. Predatory, intent. Nahigit ko ang hininga ko. "Alam mo, Thunder. Kahit anong ngiti mo, hindi na ako, I mean, hinding-hindi na ako mai-inlove pa sayo." He chuckled. He bit his lower lip. Oh! Please, bite mine instead! "Ngiti ko palang apektado ka na. Paano pa kaya kung hahalikan pa kita." "Ehem! Ang init naman ng tagpo niyo." Napalayo sa akin si Thunder. Kanina pa pala bukas ang pinto ng elevator, napatingin ako sa lalaking nagsalita. Unang lumabas si Thunder na parang walang nangyari. Pinamulsa muli nito ang kamay sa bulsa ng jeans niya. Tss. Rude sexy bastard. Thunder towered the boy. Mighty and expressionless. "What are you doing here, Rug rat?" Ngayong nagkalapit sila, medyo magkahawig sila. Who is he? "Hihingi ng pera kay Tatay, Kuya. Nandyan ba siya? Kulang yung binigay saking allowance ni Nanay." Ma-awtoridad na sabi nito habang nginunguya ang bubblegum. So, they’re siblings. The Sandoval siblings sure are hot! Nang hindi umimik si Thunder ay bumaling sa akin ang lalaki. He smiled. Kumislap ang hikaw na nasa tenga nito. "Hi, Miss. I'm Luwie. Luwie Paulo Sandoval. Baduy ang pangalan pero pogi naman." Hahawakan ko sana ang kamay ni Luwie pero hinawakan ni Thunder ang kamay ko. "She's years older than you, Luwie." Napasimangot ako. Tinangka kong bawiin ang kamay ko pero hinawakan na niya iyon ng mahigpit. His palm is hot! Like him! Hinila ako ni Thunder papunta sa malaking itim na pinto ng opisina niya. Luwie grinned. "I like older woman. Nagka-girlfriend na nga ako ng Twenty years old, e. Kaka-break lang namin kahapon." Napatigil si Thunder sa tangkang pagbukas ng pinto ng opisina nito at bumaling kay Luwie. Dahil hawak niya ang kamay ko, muntik pa akong matapilok kung hindi lang inalalayan ni Thunder ang likod ko. Napamura ng mahina si Thunder. Ilang segundo kaming nagtitigan pero nag-iwas kami ng tingin dahil tumikhim si Luwie. Binitiwan rin niya ako pero hindi ang kamay ko. Woah. "What?! Mas matanda pa kaysa sa Ate Lucia mo?! Luwie! You're Eighteen years old." He thundered. Pinanuod ko silang magtalo. Still mesmerized how hot Thunder can be kapag galit siya. "Kuya, you're Twenty Six years old. Pero 'di ka pa nag-aasawa." He just rolled his eyes on the mighty, powerful, king of rudeness, hot-messed President of the Sandoval Group. "Kuya, pengeng pera. Busy ata si Tatay kay Nanay." "Umuwi ka na." Utos ni Thunder nang mabigyan ng pera ang kapatid. Mabilis na tinanggap iyon ni Luwie. "Miss, ang ganda mo. Hindi ka bagay kay Kuya, Mama's boy 'yan eh. Pagwala kang ginagawa, s-ex tayo." Agad itong kumaripas ng takbo nang akmaan ni Thunder. "Joke lang!" Apat na araw na akong nagtatrabaho sa kanya. Apat na araw na rin niya akong pinapagod. Apat na araw na akong nagpapabalik-balik sa kung kani-kaninong office para dalhin ang mga documents na pwede namang i-Fax nalang. Apat na araw ko ng hinaharap ang radiation sa Xerox machine dahil sa kung ano-anong pinapa-photocopy ni Thunder. Apat na araw na akong stress! Malapit ng maupod ang takong ng sapatos ko. Mapalit ko na ring ipupok sa abs niya ang.. ang takong ko! At ngayon heto akong muli, hawak ang limpak-limpak na papel na iniutos na naman ni Thunder para dalin ko sa kanya. Sumakay ako sa elevator, agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. This is all Thunder’s fault! Bukas na bukas din ay magpapasa na ako ng resignation letter sa kanya! "Mukhang pagod ka na, a. Gusto mo ng tulong?" Napatingin ako sa kasabay kong lalaki. Handsome. He made me freeze in the middle of a busy state with my tongue hanging out--- Nah, just kidding! Half-drooling as I stared at him. It was the body. So ripped, so masculine. He was about six feet or so, with broad shoulders, a chest that looked rock-hard, and a trim waist that led to a taut backside. "Talaga? Salamat ha." I smiled sweetly. Binigay ko dito ang kalahati pero kinuha nito lahat. "Twentieth floor ka din?" His voice is heaven. "Ikaw din? Sino ang pupuntahan mo 'dun?" He shrugged. "A friend.” Wait. Exclusive para kay Thunder ang Twentieth floor. Yeah, Whatever. "I'm Kianna." "Reid." "Read as in 'binabasa'?" Gosh! Stupid me! "No. R-E-I-D." He spelled. Cute! "Woah. That's gorgeous." The elevator tinged. He looked at the number sa taas ng elevator. Even his adams apple is sexy! "Here we are." Nang lumabas kami sa elevator ay tumambad sa akin ang nakapamewang na si Thunder. "Ang tagal mo, Kian---- Why are you with him?!" "Hey, Bro. Tinulungan ko lang si Kianna na magbuhat." Itinaas nito ang hawak. Lalong nagsalubong ang kilay ni Thunder. I gulped. Nagtago ako ng kaunti sa likod ni Reid. "Hindi dapat pinagbubuhat ng mabibigat ang babae, Pare." "She's my secretary. Dapat lang na sundin niya ang inuutos ko." Napangiwi ako. Oh, no. I made him so mad right now. Ano ba ang ginawa ko? Humarap ako kay Reid at kinuha ang mga papel. "Thank you for helping me, Reid. You're my angel." I smiled at him. He smiled back. I knees melted. "Teka, 'wag mo kong nginitian ng ganyan. Baka ma-inlove ako." Nanlaki ang mata nito. Wait. What did I just said? Namula ako nang ma-realize ko kung ano ang sinabi ko. "F-ck!" I glanced at Thunder. He’s more irritated than usual. "What're you talking about, Kianna?! You're suppose to fall for me! Not to him!" I stood there. Dumbfounded. Huh?! I watched him paled. Na-realize din siguro nito ang sinabi. Reid laughed. "What a confession, Thunder!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD