Araw ng fiesta kaya naman abala siya sa pagaasikaso ng mga bisita nila na pawang mga kapag-anak lamang na taga ibang baryo. Dumating rin ang mga tiyahin niya na kapatid ng Papang Bindo niya at mga kapatid rin ng Mamang niya. Ang mga magulang lamang ni Auntie Jean niya ang hindi nakadalo dahil nasa ibang bansa na ang mga ito. "Ito na ba si Sofi, Annabel? Napakagandang bata talaga at ambilis mong nagdalaga ah? Noong isang taon, napakabata mo pang tingnan pero ngayon dalagang dalaga ka na." sambit ng Aunti Perla niya na kapatid ng mamang niya. Lahat naman 'ata ng dumadating ay siya ang napapansin. Ewan nga lang niya kung bakit napakaraming humahanga sa kan' ya na kesyo napakalaki raw ng pinagbago niya.Dati raw ay nene pa lamang siya ngunit ngayon ay dalaga na at napakaganda pa. Nagpapasala