Bumuntung hininga siya nang makita ang kabubuan ng condo ni Hades. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang maglinis dahil napakaraming mga gamit ang nasa kahon pa at hindi pa yata nito binubuksan.Malinis naman ang sahig pero maraming gamit ang pakalat kalat na kailangan niyang ayusin. Naku, dapat lang palang malaki ang bayad nito sa kan'ya. Sa dami ba naman ng nakakalat na mga boxes ay manghihina 'ata siya lalo na't mag-isa lang siya. Bakit pa ba siya ang inutusan nitong bigyan ng ganitong trabaho? Para ba painisin siya't pagurin ng Hades na 'yon? Pinagpawisan talaga siya habang inaayos ang mga gamit. Napakabigat pa naman ng mga cabinets sa loob na kailangan pa niyang itulak. Halos isang oras na siyang gumagalaw sa loob nang maisipan niyang umupo na muna sa puting sofa ni Hades na