"Sofi? Sofia?" napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang pagtawag ni Ram sa labas. "Uncle, bitaw...."aniya kay Uncle Jade na nakayakap pa rin sa kan'yang maliit na baywang. " Oh sorry baby, " wika ni Uncle sa kan'ya. Nataranta siyang lumabas upang pagbuksan si Ram. Sandali lamang siya humiga sa kama upang makabawi man lang ng kaunting lakas pero bigla na lamang bumalik si Ram. "R-Ram nandito ka na pala!" aniya sa binata nang pagbuksan ito ng pinto. "Okay ka lang Sofi? Ba't magulo ang buhok mo at parang namumula ang leeg mo?" nakakunot na sambit ni Ram sa kan'ya. Tssk, kung namumula ang leeg niya ibig sabihin ay nasobrahan ang pagromansa ni Uncle sa kan'ya at nagka kiss mark tuloy siya. Mabuti na lamang at inosente si Ram sa ganitong bagay. " Ahhh k-kasi n-nakatulog ako. Tama! Nak