"Happy birthday Julie!" bati ng kan'yang mamang nang dumating sila sa bahay ng kan'yang Tita Julie. Inabot naman nito ang regalong binili nila kanina ni Uncle. "Hay salamat, Annabelle naku ito na ba si Sofi? Naku ah dalagang dalaga ka na!" wika nito sa kan'ya. Binati niya si Tita Julie at gayun din ang mga kaibigan niya. Ka close naman nilang lahat si Tita Julie dahil maliit lamang naman ang kanilang purok. "Ay teka Julie, may ipapakilala ko pala sa'yo. Naalala mo ba ang biyudo ni Jean? Nandito siya, at ang gwapo bagay na bagay kayo!" tukso ng mamang niya. Napailing siya, nakita niyang naglalalakad na si Uncle Jade kasama nito ang kan'yang papang. Umupo sila sa bakanteng mesa na nasa tabi lamang ng terrace kaya kitang kita nila kung sino ang mga paparating na mga bisita mula doon. Dinig