Maaga siyang nagising kinabukasan. Nang lumabas siya ay wala na ang kan'yang papang sa sala, siguro'y umalis na ito at bumisita na sa kanilang mga pananim.Nagtimpla siya ng mainit na gatas at nagpasya sa labas na iinum habang nakaupo sa upuan sa labas at pinagmamasdan ang malawak na luntiang bukirin. Mula pagkabata ay madalas siyang naglalaro sa bukirin na iyon, silang apat ng mga kaibigan niya. "Sofi, kailangan mo na palang maglaba pati na rin ang mga damit ng Uncle Jade mo, isama mo na rin!" dumungaw ang mamang niya mula sa bintana at kinausap siya. "Oo nga pala mang muntik ko nang makalimutan na ngayon pala ako maglalaba." wika niya. "Ah sige, pagkatapos na lamang ng almusal. Magluluto na muna ako ng umagahan." muli itong pumasok sa loob ng bahay. Pritong itlog at sinangag ang