Kanina pa siya nakaupo sa isang tabi at nakikinig kina Hades at Bianca habang nag-uusap ang mga ito sa dining table. Napakatagal kumain ng dalawa, kapag natapos lamang ang mga ito ay tatawagan na niya kaagad si Uncle Jade. Pero sadyang pinatatagal ata talaga ni Hades ang pakikipag-usap kay Bianca.Sige pa rin ito sa pagtagay ng hard wine samantalang ang babae naman ay light lamang , pero may kaunting porsiento ng alcohol iyon dahil binasa niya kanina ang label siya kasi ang kumuha sa ref. " Sofi , halika nga rito join us." wika ni Hades sa kan'ya. Katatapos lang rin niyang kumain nang kaunti.Wala kasi siyang ganang kumain lalo na't kapag si Hades ang kasama niya . pakiramdam niya kapag kasama niya ang lalake ay may delubyo na naman ang darating sa buhay niya. " Hindi na po muna, "tanggi n