CHAPTER 10 TSUWAWA

2023 Words

Angel's POV PAGOD na pagod akong umuwi ng bahay. Pagod sa pag-iyak. Hinintay ko na lang kasi si Alden sa labas. Hindi na ako tuluyan na pumasok dahil ayaw kong makita kung gaano kasaya si Alden kausap ang babaeng mahal niya. Kanina sa loob ng kotse ay wala akong imik hanggang sa makauwi kami ng bahay. Hindi na rin ako natulog sa kwarto. Natulog siya sa kwarto pero ako naman itong lumabas. Wala lang, gusto ko lang siyang iwasan. Pangako ko sa sarili kong hindi ako susuko sa kaniya. Pero ngayon, naisip kong dapat na siguro akong sumuko. Pakiramdam ko wala ng pag-asa na mahalin niya ako. Sa umaga, naghanda ako ng breakfast. Napansin kong maaga siyang nagising. Alam ko naman na hindi siya pupunta ng office ngayon dahil araw ng linggo. Kapag linggo hindi 'yan pumapasok. "Anong breakfast?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD