Chapter 20 CASSANDRA'S POV Daddy? Ate? Anong ginagawa nila dito? Kahit hindi mag-salita si Daddy at Ate Clover, damang-dama ko rin ang matalim nilang mga mata sa direksyon kong saan kami naka-tayo ngayon ni Leonardo. Mga matang may bahid ng galit. Tinusok ang puso ni Cassandra sa sakit dahil puno ng lamig ang mga mata ni Daddy, na animo'y hindi nito nagustuhan ang kaniyang nakikita. Dama ko ang bahagyang pag-higpit ng pag hawak ni Kuya Leonardo sa aking baywang, na sanhi mapa tingin ako sakaniya. "K-Kuya umalis na lang kaya tayo? U-Uwi na tayo." Tangka sana akong aalis, pero mabilis naman akong hinatak pabalik ng binata pabalik, sanhi mapa-palapit at mapa-hawak ako sa kaniyang dibdib. Kitang-kita ko sa gilid ng aking mga mata ang matalim na pag-gawaran na pag-titig sa amin ni Ate