Kaia
Kanina pa kami naghihintay ni Attorney Lumanglas dito sa study at naiinip na ako. Half an hour late na ang Poncio Pilato na herodes kung sino man 'yon. Ayaw n'ya kasing i-disclose sa akin kung sino ang isa pang tao na kailangang present sa reading ng will. Ako lang naman ang nag-iisang apo. Huwag mong sabihin na may anak sa labas si Daddy? Napahilamos ako sa mukha ko ng wala sa oras.
Nang tumingin ako sa relos, another ten minutes have passed! Hindi na ako nakapagpigil, "Attorney, kapag hindi pa dumating 'yang tukmol na hinihintay mo ay matutulog na ako ulit. I just came from a twenty-two hour flight and I need to rest!" Nakakaasar na talaga. Hindi pa ako kahit kailan nahuli sa usapan at pinakaayaw ko ang pinaghihintay. "Time's up, I am leaving."
As I stood up, the door opened. Iniluwa ang bulto ng lalakeng sinabihan ko kanina lang na huwag ng babalik at magpapakita sa akin. "Sorry, I'm late."
Kaagad na umakyat ang dugo ko sa ulo. Bigla akong kinabahan sa will na babasahin ngayon. "What the hell are you doing here? You can't just barge in here. It's a private meeting," kunot noo kong sabi sa kanya.
Tumikhim ang lawyer, "Actually Ms. Williams, he is the one we were waiting for. Maupo kayo Mr. Dalton. You as well, Ms. Williams. Magsisimula na tayo," magalang n'yang pakiusap sa amin.
Lalo lang nalukot ang mukha ko at hindi ko sinunod ang gusto n'yang umupo ako. "Pardon me? Ang pagkakaalam ko ay hindi namin s'ya relative. Bakit s'ya sasali sa usapan na ito? Hindi naman siguro s'ya anak sa labas ng Daddy ko?" I sounded like a complete b***h but his face irritates me. It just brings painful memories at matagal ko na iyong ibinaon sa limot. Coming back here is such a bad idea, but what choice do I have? Kung ako lang ang tatanungin, si Attorney na lang ang pinapunta ko sa New York para basahin ang will na 'yan.
"Ms. Williams, if you would just take your seat — malalaman mo kung bakit s'ya kasali sa usapang ito." Mahinahon pa rin ang pagsasalita ng lawyer.
Yamot akong naupo at humalukipkip. Nagsimulang magbasa ang abogado. As expected, everything was given to me. Lahat lahat mula sa alahas, pera, properties sa loob at labas ng Pilipinas. Nag-iisa akong apo kaya expected ko na ito. Pero ang marinig na may kundisyon sa dulo ay sapat na para magising ako sa pagkabagot.
"W-What d-did you just s-say?" nauutal kong tanong sa kanya.
Bumungtong hininga ang abogado. "In order for you to get all that, you need to get married and stay married for a year."
"Okay." Pero ni wala akong boyfriend! Sino ang aasawahin ko ngayon? Napahilamos ako sa mukha kong kanina pa lukot na lukot. "Fine, I'll find someone."
Tumikhim uli ang abogado. "You don't need to find one."
"Why?" walang kagana-gana kong sagot sa kanya. Sa pagod ko sa b'yahe ay ayaw gumana ng utak ko. Sobrang slow ko ngayon kaya hindi ko narinig ng buo ang sinabi n'ya kanina.
"Because the will states you need to get married, and stay married for a year — to him," itinuro n'ya si Reed. Lumipad ang tingin ko sa mukha ng lalakeng hindi nagpatulog sa akin ng maraming gabi. He keeps invading my thoughts kahit nasaan ako. At kahit sa panaginip ko ay sumisingit pa rin s'ya. I sound pathetic but it's true. Pormal ang mukha n'ya at hindi ko mabasa ang saloobin n'ya.
"W-wait. So if I don't marry him, everything goes to charity?" paglilinaw ako.
"Yes," pagkukumpirma ni Attorney.
"Walang matitira?" ulit ko sa kanya. I don't give up that easily.
"Wala. Ni isang kusing o isang pirasong perlas kasama na ang villa na ito ay mauuwi sa charity." Seryoso ang mukha n'ya at mukhang hindi nagbibiro.
"Wala ng kahit anong clause?" dagdag ko pa.
"Wala." This is madness. Freaking unbelievable! Why would my grandparents write something like this?
Damn it! I don't care about the money or jewelries. I can live without it. Ang ayaw kong mawala ay ang villa na ito. Marami akong alaala dito kasama ng mga magulang ko.
"Kung wala na kayong tanong ay aalis na ako. S'ya nga pala, may pitong araw na taning para sundin ang nasa kasulatan. Tawagan mo na lang ako kung handa na kayong magpakasal o ibibigay mo sa charity ang lahat ng ito." Iyon ang huling bilin n'ya sa amin.
Tumingin ako sa kanya at tumango. F*ck! Wala na bang ibang paraan. Sa dinami-dami ng pwedeng ipakasal sa akin ay si Reed pa! Pwede namang ako na lang ang maghanap ng gusto ko. I am sure may makikita naman akong papayag magpakasal sa akin. Hindi naman ako pangit. At isa pa, may mapapakinabang din naman sya sa pagpapakasal sa akin. Pero si Reed talaga?? Anak ng tokwa.
I was so lost in my thoughts that I didn't hear him asking a question. Narinig ko na lang na tinawag n'ya ang pangalan ko.
"Kaia."
Wala sa sariling tumingin ako sa kanya. Walang namutawi sa labi ko. Hinintay ko ang sasabihin n'ya. Napansin ko pa na bagong paligo s'ya at kahit simpleng tshirt na puti at kupas na pantalon na maong ang suot n'ya ay napaka — Ugh. Don't go there, Kaia. You already received multiple rejections from him, what makes you think it's going to be different this time?
"Kumusta ang flight mo?" tanong n'ya sa akin. It was a friendly tone but I am not in a friendly mood.
Was he listening to the lawyer earlier? Sa dami ng pwedeng itanong, flight ko pa? I ignored his question and stood up. Ibinalik ko ang silya sa dating tayo nito.
"Where do you think you're going?" kunot noong tanong n'ya sa akin.
"Pake mo? Last time I check, you don't exist in my life," inirapan ko s'ya at humakbang palabas. Pero ang pesteng pinto, nasa gilid n'ya kaya kailangang lumampas ako sa kanya bago ako makalabas sa study. Ano bang kasalanan ko at pinaglalaruan ako ngayong araw na ito?
"The last time I heard, you need me to get your inheritance," he gave me a smug smile. I hated him even more. Lalo lang s'yang gumwapo. Nakakainis!
"May I remind you that I don't need my inheritance. I have a job and I can live comfortably without any of those jewelries, money and properties. Umalis ka na. Magpapahinga pa ako," maangas kong sabi sa kanya. Totoo naman ang sinabi ko, kaya kong buhayin ang sarili ko ng walang mana.
Nakahinga ako ng maluwag ng dumaan ako sa harap n'ya at wala s'yang ginawang anuman. Nagkibit balikat lang s'ya at bahagyang tumawa. Relax na relax ang hayup. Samantalang ako, hindi alam ang gagawin sa pesteng kasal na 'yon. Nasa may hamba na ako ng pinto nang muli s'yang magsalita. Hindi ko s'ya tiningnan at nanatili akong nakatalikod.
"Maybe you don't need money, jewelries and properties, but — can you live knowing this villa will be sold? Perhaps tore down or worse, burned down?" I heard him chuckle. "You know you need me. Admit it. Besides, hindi ba at ito naman ang matagal mo ng gusto? Seven years ago, you begged —"
I cut him off right there at hinarap s'ya. "That foolish girl died that day including her crazy antics. Mamamatay muna ako bago ako magpakasal sa 'yo," I left him at the study after I said that.
Five days later, I just died and married him in a civil ceremony.
***