Kaia
I wouldn't have come back here if it wasn't for my grandparents' last will. Dahil ako ang nag-iisa nilang apo at wala na ang mga magulang ko, wala akong choice kung hindi ang bumalik sa bayan ng San Gabriel. May ilang nabago na sa lugar pero hindi pa rin gaanong maunlad. Huli kong nakita ang lugar na ito ay pitong taon na ang nakakaraan.
Tumigil ang kotse sa harap ng isang malaking bahay na puti. May malawak itong garahe at hardin. Sa kaliwa ay makikita ang malawak na swimming pool. Isang taon na buhat ng mamayapa ang mga lolo at lola ko at tanging mga kasambahay ang nakatira dito sa mans'yon pero mukhang maayos naman ang lahat. Nang pumanaw sila ay ibinilin nila na huwag akong umuwi. Hindi sila ibinurol. They were cremated right away. Inilagak ang labi nila sa mausoleum namin sa bayan kasama ng mga magulang ko.
Bumaba ako ng sasakyan at isinukbit ang backpack ko. Nakamaiksing maong na shorts lang ako at sandong puti. Pinares ko ang puting vans ko. Sa taas ko na limang talampakan at pitong pulgada ay litaw ang mahahaba kong binti. Sa pamamalagi ko sa Amerika ay pumusyaw na rin ang kutis ko kahit papaano at ang dating maiksi kong buhok ay pinahaba ko na rin. Madami ng nagbago sa akin. Ang pesteng puso ko lang naman ang — nevermind.
"Good morning po Ma'am," sabi ng isang babae na sa tingin ko ay mas matanda lang sa akin ng ilang taon.
Tumango ako sa kanya. "Good morning. Si Yaya Ester?"
"Nasa loob po Ma'am. Ipinapahanda ang pagkain," sagot n'ya sa akin. Dumiretso ako ng pasok sa loob at hinanap ang yaya ko.
"Kaia? Ikaw na ba 'yan?" tanong ng babae na nasa edad singkwenta na. May salamin na rin ito at mas madami ang puting buhok kaysa itim.
"Ya! Nandito na ako. I miss you! Madami akong pasalubong sa iyo," niyakap ko s'ya at hinalikan sa pisngi.
"Tingnan mo nga naman, lalo kang gumanda at mas matangkad ka na sa akin ngayon. At namuti ka! Dati rati ay hindi ka masaway sa paglalaro sa labas kaya ang bilis mong mangitim."
"Yaya naman eh. Dati 'yon. Bente tres na ako ngayon," nakasimangot kong sagot sa kanya.
"Sus! Siguradong pasaway ka pa rin. Kumain ka na ba? Nagpahanda ako ng agahan. Siguradong hindi ka kumain sa eroplano," tatawa-tawa s'ya habang ineengganyo akong kumain.
"Medyo, pero prutas lang po, okay na. Mas gusto ko pang matulog," sabi ko sa kanya. Bahagya pa akong naghikay.
"Prutas? Diet ka ba? Aba Kaia, ang payat-payat mo na." kumunot ang noo nya habang sinisipat ako.
"Hindi payat 'yan, Yaya. Ang tawag dyan, lean," natatawa kong sabi sa kanya.
"Lean o kahit ano pa 'yan, payat ka pa rin. Umupo ka at kumain saka ka matulog. Patatabain kita habang nandito ka. Kailan ba ang balik mo sa Amerika?" tanong n'ya ulit sa akin. I can see clearly how much she missed me.
Naupo ako at dumulog sa mesa. "Isang buwan lang po ako dito. May trabaho akong iniwan doon. Upo ka na, Yaya. Saluhan mo ako. Nakakatamad kumain mag-isa," himutok ko.
"Hindi ka ba napapagod sa pagtatrabaho sa ospital?" inabot nya sa akin ang plato na may lamang sausages, ham, scrambled eggs at bacon. Kumuha lang ako ng tig-isa at nang iabot n'ya sa akin ang toast at jam ay umiling ako.
"Okay lang. It pays my bills," sumubo ako. "Kain ka na rin."
"Kumain na ako kanina. Ikaw ang kumain ng magkalaman ka. Parang isang hihip lang ng hangin ay tatangayin ka na eh. Ikaw na bata ka, ayusin mo ang pagkain mo. Dapat mataba ka na bago ka bumalik ng New York." Hindi makaget-over si Yaya sa timbang ko.
"Naku Ya, kahit pakainin mo pa ako ng madami — itatakbo ko lang 'yan at malulusaw na ulit," kinindatan ko s'ya at inirapan n'ya naman ako. Napatawa na lang ako.
Nang matapos akong kumain ay nagdesisyon akong pumunta sa silid ko. Ganoon pa rin ang ayos nito. Walang nabago ni isa. Hanga ako sa paglilinis nila. Ni kaunting alikabok ay wala. Binuksan ko ang double doors papunta sa balkonahe. Ito ang pinakapaborito kong parte ng bahay na ito. Malakas ang hangin at maaliwalas. May narinig akong katok at sumungaw ang ulo ni Yaya.
"Kaia, mamayang alas tres ang dating ng abogado ng lolo at lola mo. Gigisingin kita ng alas dos para makapaghanda ka," paalala n'ya sa akin.
"Sige po. Liligo lang ako at iidlip. Pakigising na lang po ako mamya," tugon ko sa kanya.
Pagkaaalis n'ya ay tumungo ako sa banyo at naligo. Huli na ng maalala kong wala akong dalang bihisan at iisa ang tuwalya dito. Nasanay kasi akong mag-isa sa bahay kaya kahit nakatapis lang ng tuwalya ay balewala sa akin. Pero hindi ba at kwarto ko naman ito? Tsaka galing na dito si Yaya, wala ng mangangahas pumasok dito. Saglit kong tinuyo ng towel ang buhok ko at ang parehong tuwalya na 'yon ay ibinalot sa katawan ko. May kakitiran din ang tabas kaya kalahating hita lang ang inabot.
I was about to take off my towel when I felt a pair of eyes staring at me. Napahiyaw ako at bilis-bilis na itinapi ng mahigpit ang tuwalya sa katawan ko.
"Ahh! What the f*ck are you doing in my room? Get out!" singhal ko sa kanya. He was standing against the door and still staring at me.
Napangiwi s'ya at pinagsalikop ang mga braso. "Kailan ka pa natutong magmura? Ang sakit sa tenga. At hindi bagay sa 'yo." Hindi sya umalis sa pagkakasandal. Mukhang at home pa nga na lalo kong ikinainis.
"Do I look like I f*cking care about what you think?? Get the f*ck out. Magbibihis ako. Out!" patuloy ang pagsinghal ko sa kanya.
Unti-unti s'yang lumapit sa akin. "If I hear one more curse from your mouth, I am going to kiss you."
"I don't give a rat's ass — GET. THE. F*CK. OUT."
Inisang hakbang n'ya ako at kinabig para bigyan ng isang madiin na halik. Ilang segundo lang at naging banayad ang hagod ng labi n'ya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at ninamnam ang lambot ng labi n'ya. "Open your mouth, sweetheart." Pero mas lalo kong pinaglapat ang labi ko at nang hindi ko s'ya sundin ay pinisil n'ya ang isang pigi ko dahilan para mapasinghap ako. Sinamantala n'ya ang pagkakataon para ipasok ang dila n'ya at halikan pa ako ng mas matagal.
Hindi ako sanay makipahalikan kahit sa ibang bansa ako lumaki dahil wala naman akong naging nobyo doon. Well, I did date but aside from a kiss on the cheek ay wala na akong pinahintulutan pang iba. Wala pa naman akong nahalikan sa labi. Napabuntong hininga ako. That's a lie.
I did kiss someone a long time ago. It was this very same man who's kissing me right now.
***