Kaia TAHIMIK akong kumain. S'ya man ay patingin tingin lang. Kung bakit n'ya ako ipinagluto ay hindi ko rin alam. Hindi ko naman s'ya inoobliga. Then I just remembered, ngayon nga pala ako lilipat sa bahay nila. Napainom ako ng tubig bigla. Kapag nasa teritoryo na n'ya ako ay magagawa na n'ya lahat ng gusto n'ya. "Have you packed your stuff?" Umiling ako. "Konti lang naman ang dadalhin ko sa bahay n'yo. Although it seems silly to me na kailangan ko pang lumipat. Magkatapat lang ang bahay natin," walang emosyon kong sabi sa kanya. "May I remind you that we are already married? Kaya kung nasaan ako, doon ka rin," nakangiti n'yang sabi. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngayong araw na ito. Una, ipinagluto n'ya ako. Pangalawa, masayang masaya s'ya. Anong meron? Am I missing somethi