Reed ANG tanging babae na nakakatunaw ng inis ko ay si Kaia lang. Kahit yata anong init ng ulo ko, kapag niyakap na n'ya ako -- lusaw na. I still can't believe na nagtopless s'ya sa Hamptons. Damn! Paano kung may ibang tao doon at nakita s'ya? Makakapatay yata ako kapag may ibang nakakita ng katawan n'ya bukod sa akin. I made a call to the boutique at nag-order ng size four one piece swimsuit. They only have one left on that size at bukas pa ang dating ng bagong supply. It's black in colour which is exactly what I wanted for her. "Naiinis ka pa?" Tanong n'ya sa akin. She just came out of the washroom at nag-toothbrush. The staff came to clear our table earlier. Narinig ko pang nag-uusap ang mga ito at sinabing ang ganda daw ng asawa ko. Kaya naman daw pala hindi ako interesado sa mga m