Chapter one
" I'm Cloreen Pandajan naniniwala sa kasabihan. If they believe, you believe and I believe. Thankyou!”
At nagpalakpakan naman ang aking mga fans sabay wave nang aking kamay sa mga judges, na ngayon ay tumatawa dahil sa kagandahan ko. Isa lang naman akong babaeng simple at mahirap. Na kahit anong trabaho o raket ay papatusin huwag lang masira ang bahay anakan ko, dahil ibang usapan na 'yan.
Naghiyawan sila pagkatapos kong umalis sa stage. Alam niyo kung ano ang sinalihan ko? A beauty pageant without brain yeahh, ang talino ko ba? Kahit ano basta kaya ko papatusin ko na. Kahit maglinis ng banyo basta ba sakto ang bayad, gora ako diyan.
"Ang galing mo bakla. Ikaw na ang miss brain ng taon.” Lapit sa akin ni Reni. Ang aking bestfriend na bakla.
"I know right!" I rolled my eyes.
Inayusan lang niya ulit ako para sa talent ko. Ano pa nga ba ang talent ko bukod sa magaling akong kumanta ay mas magaling akong sumayaw.
3rd runner up lang naman ako pero, okay na may pambili na ng ulam. Isa ako sa bumubuhay ng pamilya, Siyam na kapatid, sino ba naman ang hindi magkandaugaga mag trabaho sa pamilya namin sa dami namin ay parang sardinas na kami sa bahay at ako ang panganay kaya walang ibang tataguyod kung 'di ako. Pero ayos lang carry ko pa, carry naman ng kagandahan ko. Kung bakit naman kasi hindi nag-cocontrol ang magulang namin diba? Hindi ata uso ang pills or etcetera. Basta na lang ba bubukaka hays! Buhay!.
"Cloreen ang galing mo kanina!" sigaw ng kapitbahay namin na ang alam ko ay patay na patay din sa'kin pero sorry, wala pa ako sa mga ganyang bagay. Ang inaatupag ko, kung paano makaahon sa buhay na ito.
Kung baga nakatira ako sa isang 'ESKWATER'
Yeah, madaming basagulero maraming gulo maraming nagsisigawan. Ano pa nga ba ang aasahan mo 'di ba? Sa lugar namin lahat na ata ay nandoon na. Lahat ng illegal makikita mo na. Inuman dito, sugal doon, shabu dito, m*******a doon. Ganyan araw-araw ang buhay ko.
"Ate ang galing mo talaga kanina, kaya idol kita eh!”
Ito na naman ang bunso kong kapatid binobola ako. If I know nanghihingi lang 'yan ng bonus kaya naman hinugot ko ang pera sa bulsa at isa-isa silang binigyan. Sa dami nila ubos ang pera ko butas pa ang bulsa. Kaya kailangan ko ulit ng raket.
"May raket ako mamaya, bakla sasama ka ba?“
ani Reni na maarteng nagsasalita. Kailan ba ako tumanggi basta hindi nakakasira ng bahay bata ay pinapatos ko 'yan.
"Anong raket mo? “
Tinaasan ko pa siya ng kilay, habang nag-aayos si Reni ng kanyang make up. Baklang 'to.
"Simple lang, tutuwad ka lang,”
baklang 'to
"Tutuwad ako tapos huhubaran ako tapos ipapasok sa 'kin ang mahaba nilang talong huwag na uy! magsasarili na lang ako, ang ibig kong sabihin, sariling sikap," sabi ko.
"Joke lang.” nakatawang sabi ni Reni. “ Siyempre hindi noh! Magpapalinis daw ng mansyon si donya Esmeralda, kaya ang sabi ko dalawa tayo ang maglilinis.”
"Sinong donya Esmeralda?”
"Hindi mo siya kilala? Sobrang yaman no'n, kaso nga lang grandson no'n troublemaker. Balitang balita 'yon sa club na tinatrabahuan ko, palagi daw nakikipag away ang apo ni donya Esmeralda pero sobrang gwapo pag makita mo siguro laglag atay mo or baka nga laglag panty mo, tibak ba 'yan?” mahabang litanya ni Reni. Sabay tanong sa akin kung anong suot kong panty. Baliw na ata itong si Reni. gusto pa ata akong patusin.
"What ever! Ang gwapo nakakasira ng kinabukasan, nakakasira ng puri at bahay paanakan, kaya kung ako sa'yo umayos ka baka malalaman mo na lang wasak na puwet mo.”
ani ko na kina hugalpak naman ng tawa ni Reni.
"Tinalo pa ata ng bunganga mo ang bunganga ko sa mga nilalabas na words ni'yang bunganga mo Cloreen. Walang break walang preno. Puwedeng kumambyo,” loko naman niya.
"Sabi nga nila. Don't judge the person based on what it says.”
Agad naman pumalakpak si Reni.
"Bravo! Pwede ka na ulit sumali sa beauty pageant, hephep! With brain!”
Nasa tapat na kami ng mansyon ni donya Esmeralda. Pinagbuksan kami ng guard na pandak. Well, paano siya naging guard? Well I guess, tama ang kasabihan. Do not underestimate the man who is short. Yeah. Kasabihan ko lang 'yon huwag mong dibdibin wala ka ng dibdib likod lang ang meron.
"Hoy, bakla! Siguro gumagana na naman 'yan isip mo. Natahimik ka na naman?"
Natahimik ako dahil ang daming pumapasok sa utak ko kung ano -ano tapos gugulatin lang ako ng baklang 'to. Eh kung ihampas ko sa kanya ang buhok kong kasing haba ng nguso niya.
Lumabas ang isang babaeng pagkakaalam ko nasa 70's na. Siya siguro si donya Esmeralda. Kahit matanda na litaw pa rin naman ang kagandahan niya dahil sa matangos nito na ilong. Lumapit ito at ngumiti kaya napangiti na rin kami.
"Kayo ba ang maglilinis ng mansyon?" tanong naman kaagad nito.
"Ay! Opo donya Esmeralda!" sagot naman kaagad ni Reni.
"Wala kasi ang mga maids ko dito nagsiuwian sa probinsya kaya naghanap ako ng ibang maglilinis," paliwanang ni donya Esme.
"Ayy! Kering keri namin 'yan ni Cloreen." Hinila naman ako ni Reni at pinaharap kay donya Esme.
"Yup, kering keri namin 'yan. Kahit sa kasulok sulukan pa 'yan walang ligtas sa amin. Kahit pa siguro fungi ay matakot sa'min dahil sa kasipagan namin kaya wag kayo mag-alala donya Esmeralda. Mas malinis pa sa malinis ang mansyon niyo kapag kami ang naglinis," mahabang litanya ko na kinangiti ng donya.
"I like you hija. What's your name?"
"Cloreen po, donya Esmeralda. You can call me Reen or Clo what ever you wants."
" I like your attitude, Hija."
"Salamat, sa unang pagkakataon may nagsabi sa 'kin niyan." Nakangiti kong sabi, na siniko naman ako ni Reni
"Ang daldal mo talaga," bulong niya na may kasamang kurot.
Pumasok na lang kami sa loob at nagsimula nang maglinis, wala naman masyadong kalat at dumi dahil sa wala naman nakatira. Paminsan-minsan lang naman daw nadalaw ang donya sa mansyon, dahil may ibang bahay din ito. Pinapalinis lang nito kapag pumupunta siya dito.
"Mag meryenda muna kayo!"
pagyaya ng babaeng nakasuot ng maid uniform
"Kapag pagkain, di ako tumatanggi puwera na lang sa hindi pagkain"sabi ko.
"Bakit kaya wala man lang pictures dito ang kaisa- isang apo ni donya Esme?"
Banggit ni Reni nang matapos kami magmeryenda.
"Bakit ako tinatanong mo? Go, tanungin mo kaya si donya Esme, malay mo sagutin ka niya, kaloka ka!"
"Kaloka ka rin! Ikaw ba tinatanong ko huh, Cloreen? Akin na at gawin na kitang panlinis. Sakto 'yan panlinis 'yan pangalan mo, ang bantot ng pangalan mo."
"May kasabihan nga tayo 'di ba? If your name is unique it means you are beautiful. So it means i'm beautiful"
Tinaasan lang ako ng kilay ni Reni naasar ata sa sinabi ko
"Kaloka ka! Hindi ka mawalan ng kasabihan. Ano pa kasabihan mo dali at nang madala ko sa mental. Dahil baka mamaya ay mababaliw na ako. Nakakabaliw kang kasama at kausap. Wala kang ibang alam kung 'di yan kasabihan mo."
Asar ata si Reni sa'kin. Natapos namin linisin ang mansyon at kinausap pa kami ni donya Esme binigyan niya kami nang bayad at ibinigay niya ang kanyang number baka daw tatawag si'ya sa akin. Bakit naman si'ya tatawag sa'kin diba puwera nalang kong tibo si'ya at nagustuhan ni'ya ako. OMG! hindi nga kaya tibo si donya Esme?
"Hoy bakla, ano nanaman iniisip mo?"
Habang naglalakad kami pauwi malapit lapit lang din naman kasi. Sayang pa pamasahe kapag sasakay pa kami ganyan ako ka tipid.
"Hindi kaya tibo si donya Esme?"
Sa sinabi ko ay napaubo pa si Reni at umaksyon na parang nasamid.
"Kaloka ka talaga! Kung ano ano ang naiisip mo,"
sabay hugalpak na naman siya ng tawa. Parang ayaw nang tumigil sa kakatawa napahawak pa sa kanyang tiyan.
"Kaloka ka talaga Cloreen. Nasaan na ba 'yan utak mo siguro na chlorine na rin 'yan. Kung ano ano kasi pumapasok sa isip mo eh!"
Tawa pa rin siya ng tawa.
"Anong nakakatawa sa sinabi ko huh! Bakla? May kasabihan nga kung nanghingi ng number ibig sabihin type ka. So ibig sabihin type ako ni donya Esme or ikaw? Baka naman type ka ni donya Esme?"
Hugalpak na naman ng tawa si Reni.
"Ayoko na sa mundo. Mas maganda pa kausap taga ibang planeta sa 'yo. "
Napatingala pa ito sa langit.