Cloreen P.O.V
One week Later,
Sa wakas, tagumpay ang operasyon ni Mama.
Masaya na akong makita ang mga kapatid kong masaya dahil para sa kanila gagawin ko lahat basta ikakabuti nila.
Pinagmamasdan ko si Mama habang kumakain sa mesa kasama ang mga kapatid ko. Hindi ako sanay sa ganitong eksena.
"Ate, hindi ka ba kakain?"
Baling sa akin ng pangalawa sa bunso.
"Huwag niyo na akong alalahanin makita ko lang kayong kumakain ay busog na rin ako." Habang inaayos ko ang mga gamit at damit ko. Ngayon ang araw na titira ako sa bahay ni Donya Esme.
"Wow, si Ate nakakapanibago naman ata," asar naman ng bunso namin.
"Huwag niyo nga akong kulitin. Ayaw ko kasi umiyak noh?!" nguso ko.
"Ngayon ba ang alis mo anak? " si Mama naman ngayon ang nagtatanong hindi ko na pinaalam sa kanila na magbubuntis lang naman ako kaya ako aalis, hays!
Napabuntong hininga ako na lumapit kay Mama sabay yakap sa kanya
"Hayaan niyo, Ma. Dadalaw naman ako palagi sa inyo, ako pa! Mawawalan kayo ng maganda sa baranggay na 'to kung hindi ako dadalaw."
Tinuktukan lang naman ako ng nanay ko sa sinabi ko
'Di pa ba sila nasanay sa 'kin.
"Basta mag-iingat ka do'n Cloreen."
"Yes, Ma, mag-iingat ako. Iingatan ko din ang bandera, gaya ng sinabi niyo!" sabay saludo kay Mama.
Napuno nang tawanan ang bahay
"Ate nandiyan na ang sundo mo!"
Sumisigaw at tumatakbong pumasok sa kwarto ang aking kapatid.
Kinuha ko ang malaking bag at nagtuloy- tuloy na rin lumabas sa bahay. Pagkatapos ko magpaalam kay Mama at sa mga kapatid ko. Ayokong malungkot ,ayoko umiyak. Ang hirap humakbang.
Matagal tagal akong mawawala dito sa lugar namin mamimiss ko ang mabahong kanal at usok na makapal hays, dito kaya ako sanay.
"Cloreen!" nakangiting bati sa 'kin ni Donya Esme nang makapasok ako sa magarang sasakyan.
"Nakatulog ka ba ng maayos, hija?"
Bakit ba niya tinatanong? Siyempre hindi, magdamag ako nag -isip kagabi.
"Nakatulog naman po ako," kunwari ko, kahit hindi.
"Good! That's good to your health and to your baby," nakangiti pa rin nitong sabi, hindi na ata matanggal tanggal ang ngiti ng matanda.
Baby kaagad, wala naman akong nararamdaman kakaiba sa tiyan ko.
Hindi naman ata ito ang mansyon na pinagdalhan nila sa 'kin noon. Grabe bongga talaga si Donya Esme. Ibang mansyon na naman ba 'to? "
Familiar ang lugar parang feeling ko nakapunta na talaga ako sa lugar na 'to.
"Andito na tayo, halika na Cloreen." Hinawakan ni Donya Esme ang aking kamay. Juice por santo kinakabahan talaga ako kapag si donya Esme humahawak sa kamay ko. Juice me yo!
Feel ko hindi lang ito ang una kong punta sa lugar na 'to.
Alam ko to eh! Hindi ko lang matandaan.
Inutusan ng matanda ang dalawang lalaking naglalakihan ang katawan na buksan ang pinto
Yummy sana kaso katawan lang yummy, ang mukha. Aay! Huwag na do'n na lang ako sa katawan. Hays! Hindi matigil ang isip ko.
Naiwan ang dalawang lalaki sa labas.Kaming dalawa na lang ni Donya Esme ang pumasok sa loob.
"Ipapakilala kita sa apo ko Clo-reen ..."
Sabay kami napalingon ni donya Esme. Kung saan may naririnig kaming ungol. Ungol na naman! Bakit ba palagi na lang may ungol? Sumasakit na ulo ko sa ungol na 'yan eh!
"Uuhhh. Faster baby! Faster. Ughhh! Im c*****g baby! s**t!"
"Uggh. s**t Dammit!"
Nagkatinginan kami dalawa ni Donya Esme. Dahil sa ungol na 'yon, nag-puzzle ang kaniyang mukha.
"Naririnig mo ba 'yon Cloreen?"
Tanong ni donya Esme.
Oo naririnig ko 'yun. Hindi lang naririnig. Nadadama ko rin ang sarap. Tae naman na ungol 'yan, bakit ba palagi na lang ako nakakarinig ng masarap na ungol. Mapapasayaw ka sa ungol eh, kaunti na lang gigiling na ako.
"Naririnig ko po 'yon donya Esme, masarap na ungol po 'yon. Yong tipong mapapasayaw ka sa ungol" sagot ko.
Sumama ang timpla ng mukha ng matanda. Nagalit ata sa sinabi ko kaya tumahimik na ako. Wala na rin naman ungol kaming naririnig. Siguro ay tapos na.
Nakasunod ako sa kanya nang binuksan niya ang pinto na palagay ko ay kwarto.
Nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa 'min.
Napatakip naman agad ako ng mga mata.
"SUS-MARYO-SEP! ZONROXX?! " Bulalas at sigaw ni Donya Esme.
Hindi ko na alam ang nangyayare dahil nakatakip na ako sa aking mga mata. Bakit naman kasi palagi na lang ganito ang nakikita ko. Kapag napapapunta ako sa ganitong lugar na ito. Sadya ba talagang mahilig ang lalaking ito.
"Grandma!"
Binuksan ko ang aking mga mata at bumulaga sa 'kin ang gwapong nilalang. Juice por santo. Tanging unan lang ang nakatakip sa kanyang ibaba. Laking gulat ko nang makilala ang lalaking nasa aming harapan.
"Ako nga ito!" sagot naman ni Donya Esme.
At kung hindi ako nagkakamali siya 'yong rapist at siya din 'yong walang modo na pinalabas ako kahit naglilinis ako.
"Zonroxx sino ba ang mga 'yan?" mataray na tanong ng maarting babae. Wala din ni isang saplot. Tanging kumot lang ang ginawang pantakip sa katawan.
"Hoy! Babae! Magdamit ka nga!" galit na sigaw ni Donya Esme sa babae.
"Grandma! Bakit ba kasi kayo nandito? " naiiritang tanong ng lalaki at napatingin sa 'kin na parang naaalala na rin niya kung sino ako.
"Roxx uuwi na ako, panira naman kasi!" Padabog na dumaan sa harapan namin ang babaeng walang kahiya hiya na nagbihis sa aming harapan.
"At ikaw? Why are you here? Don't tell me, maglilinis ka na naman ? Ang tigas ng mukha mo, pinalayas na kita tapos nandito ka na naman?" galit na baling niya sa akin.
Taas noo akong humarap sa kanya para sagutin ang tanong niya
"Excuse me!" Nakapameywang king sabi sa kaniya.
"Mr. rapist sinama lang naman ako ni Donya Esme dito kaya wala kang karapatan na palayasin ako!" nakapameywang ko pa rin na sagit sa kaniya.
Palipat lipat ang tingin niya sa amin.
Nakahubad pa kaya siya, wala ba siyang balak na mag bihis.
"Magkakilala ba kayo?"
Nalilitong tanong ng matanda ..
"Hindi!"
Sabay pa kaming napasagot
"Puwede ba magbihis ka muna!." Hinila naman ako ni Donya Esme palabas sa kwarto na iyon.
Habang nakaupo ay hindi ko talaga mapigilan mapaisip kung bakit nandito kami.
"Hindi mo ba itatanong kung bakit nandito tayo Cloreen?""
Agad naman ako napatingin sa matanda
bakit nga ba kami nandito?
siguro paglilinisin ako ni Donya Esme.
"Hindi ko po alam, bakit nga ba? " agad ko naman na tanong na kinangiti niya.
"Si Zonroxx ay apo ko!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni'ya..
Ang rapist na 'yon apo ni'ya? Akalain mo yun ..pero ano daw ? Apo ni'ya ..i-ibig sabihin mayaman ang lalaking 'yon.?
"Totoo ba ? Hindi po ba kayo nagbibiro ? "Nakangiti ako ng parang hindi naniniwala
"Yes my only grandson ,the father of the one in your womb and my only heir."
Halos lumuwa mga mata ko sa sinabi ni donya Esme.
Hindi ko akalain na sa dinami dami ni'yang pwede maging apo ang lalaki pa na 'yon. Yung rapist pa na iyon.
Mula sa kwarto ay lumabas ang lalaking naka white sando at shorts
Ngayon ko lang napansin ang tangkad ni'ya at ng makalapit na ito sa aking harapan ay parang natutulala ako sa kanyang kagwapuhan.
Noon pa naman ng gabing nakita ko siya ay napupugian na ako sa kanya pero iba parin pala talaga kapag umaga at lalong lalo na kapag naka white sya, sarap ni'ya laplapin. I-Imean sampalin
Huwag magpalinlang sa mukhang mapanlinlang.
Umayos ako ng upo.
"Are you done examining me?"
Sunod sunod ako'ng napalunok.
"Zonroxx?!"
Saway ni donya Esme sa kanya.
"What is it grandma? Bakit ka nandito? May kailangan ka ba sakin?"
"Umupo ka pwede ba." paanyaya ng donya.
Takot naman pala siya sa lola ni'ya sumunod din naman agad ..
"Simula ngayon dito na titira si Cloreen." donya Esme
said,
Ano daw ? Ako ? Dito titira ? Kasama ang rapist na 'to ?
"What the--Sinong Cloreen ?"
"Ako lang naman si Cloree, ntatandaan mo ba? Hmm at your service!"
Hindi ko mapigilan na hindi sumabat sa kanilang usapan. Ipapaalala ko lang naman yung araw na pinagtabuyan ni'ya ako dahil na istorbo ko sila ng babae ni'ya."
"Grandma! Bakit ba kasama mo ang loka-loka na babaeng 'to?"
Ay! Wow!! Loka-loka talaga ha.
"Loka-loka pero nasa kaniya ang magiging future mo," sagot ng matanda na kina kunot naman ng noo ng lalaki.
"What do you mean by that?"
Naguguluhan na tanong nito kahit ako naguguluhan
"Dinadala niya na ngayon ang magiging anak mo . Kaya ingatan mo si'ya. Either you like it or not dito na siya titira. Be reponsible, Roxx."
"What?"
Halata ang pagkagulat ni'ya ,parang hindi ko ata kaya tumira dito kasama ang rapist na to ..ang akala ko naman kasi sa mansyon ako titira.
"Binigay ko sa inyo ang semilya ko dahil 'yon ang gusto ni'yo pero wala sa usapan natin grandma na ipapaalaga mo sa'kin ang babae na 'yan. Bakit si'ya pa?" baling ni'ya sa'kin na nakataas ang kilay.
"Enough, Roxx! The decision is final, alagaan mo si Cloreen or puputulin ko lahat ng atm at card mo at maging ang mamanahin mo ay ibibigay ko kay Cloreen." banta ni Donya Esme.
Hindi nakapagsalita ang lalaki habang nakikinig lang ako sa kanila. Napaka choosy ni'ya ah. Sa ganda kong 'to tatanggihan pa ni'ya. Eh, hinawakan nga ni'ya puwet ko, pakipot pa siya eh, type niya rin naman ako.
"Cloreen..kapag may ginawang hindi maganda si Roxx sa'yo isumbong mo kaagad sa'kin" saad ni Donya Esme.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko titira ako kasama ang manyakis na 'to at rapist na to.
"Magpapaalam na ako, marami pa akong gagawin. Roxx...just take care of her," sabay halik nito sa pisngi ng lalaki.
"Cloreen ..." may pakindat pa nito sa akin. Naguguluhan na talaga ako kay donya Esme.
Matapos magpaalam ng matanda ay tulala ako na nakatayo at alam kung ganun din ang lalaking kasama ko.
Bumalik din naman agad ako sa aking katinuan. Humarap ako sa nag-iisa kung kasama walang iba kundi si mr.rapist.
"Saan ang magiging kwarto ko?"
Nakapamewang kong tanong sa kanya alam kong naiirita si'ya sa sinabi ko dahil hindi na maipinta ang hitsura ni'ya sa sinabi ko. Wala siyang choice.
"Don't talk to me, we're strangers." Tumalikod ito at humakbang papasok sa kwarto. Agad ko naman ito sinundan.
"Hindi na ngayon, hindi mo ba narinig ang sabi ni donya Esme aalagaan mo raw ako," Tinaasan ko naman ito ng kilay.
"Alagaan mo sarili mo," masungit niyang sagot.
Hindi ko pa rin ito tinantanan.
"Nasa 'kin ang magiging anak mo! so, wala kang ibang gagawin kung 'di alagaan ako, magpasalamat ka pa nga at dinadala ko ang magiging baby mo, magiging maganda at gwapo siya kapag nagkataon. Dahil ako ang nanay niya," confident kong sabi.
Medyo natawa siya ng bahagya.
"Magkano ba binayad sa 'yo ni grandma?" hindi ko napaghandaan ang pagharap niya. Kaya naman napasubsob ako sa kanyang matipunong dibdib. Oh my, pandesal.
Ang tigas ng dibdib at ang bango pa. Napapikit ako at napakagat labi. Pagkatapos ay lumayo na sa kaniya.
"Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo? T-teka beauty pageant ba 'to?" tanong ko.
Mas lalong tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
"Tsaka may bayad ang serbisyo ko, bawat sagot ko may bayad. May pambayad ka ba?"
Nagkunwari akong ilahad ang aking mga kamay.
"f**k! Get out! " taboy niya sa akin na nakaturo sa pinto.
"Hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang napili ni Grandma, ngayong marami namang iba," inis na inis niya na sabi.
"Simple lang dahil maganda ako. 'Wag ka ngang choosy, bakit kasi pakalat-kalat ka ng sperm mo? Hindi mo ba alam na bawat sperm ay dapat hindi sinasayang. 'Yung sperm kasi 'yon 'yong dapat na inaalagaan dahil 'yon 'yong dahilan kung bakit tayo nagiging tao," sagot ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang idea na iyon. basta na lang lumabas sa bibig ko.
"f**k! " Napahilot siya sa kaniyang noo. "You know what? Hindi ko alam kung saan ka nanggaling pero isa lang ang masasabi ko sa 'yo. You are so stupid!"
sabay iniwan niya ako.
To be continueeeeee..