[Sandy Xu] Narito ako sa event ni Ms. Savatier habang nagdudugo ang aking kalooban. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang lihim na naging relasyon ko kay Rino, ang asawa ng aking kaibigan na si Terra. Gulong-gulo ang utak ko at halos araw-araw akong hindi makatulog sa kaiisip kung ano ang solusyon na kailangan kong gawin. Dalawang buwan na ang naganap sa amin na hindi ko akalain na magsisimula na sirain ang pagkakaibigan namin ni Terra. Nagkaroon kami ng isang gabi na kataksilan ni Rino habang nasa Hongkong ang kaibigan ko. She was busy with her company na naging dahilan para malungkot si Rino. Wala na silang personal na oras sa isa't-isa dahilan para hanapin ni Rino ang asawa niya. Both of them are busy. Halos araw-araw na silang nag-aaway, nagsisigawan sa tahanan nila na kalapit la