Nang marinig ko ang pag-andar ng makina ng kotseng pinanggalingan ko ay naghintay muna ako ng ilang segundo bago lingunin iyon. Pinanuod ko ang pag-alis nito hanggang sa mawala ito sa aking paningin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ihinatid nila ako rito sa pansamantalang tinutuluyan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakasama ko maghapon ang isang Yuri Rafaelson na maituturing na isang untouchable sa eskuwelahan na aking pinapakusan. Hindi ko inakalang darating ang araw na makakadaupang palad ko siya at makakausap. Dahil man kay Marco iyon ngunit masasabi kong masuwerte pa rin akong nakasama at nakausap siya lalo na ang malaman ang ilang impormasyon tungkol sa kanya. Habang isinasara ko ang pinto at tinitiyak na naka-lock iyon ay pangiti-ngiti pa