"Ako? Magiging tutor niya? Eh, 'di ba matalino naman siya? Bakit kailangang i-tutor ko pa siya?" nanggigilalas kong tanong na ikinatawa ni Marco nang malakas. "Akalain mo iyon? Iniisip pala niyang matalino ka!" natatawang sabi niya kay Yuri na naiinis namang sinimangutan siya. "Fine, fine!" nagdikit ang mga kilay ko sa sunod na sinabi ni Marco. Kanino niya sinasabi iyon samantalang wala namang nagsasalita sa amin ni Yuri? May nakikita ba siyang hindi namin nakikita? "Matalino naman si Yuri kaya lang ay medyo tamad siyang mag-aral. Madali siyang ma-bore kapag nagdi-discuss na ang mga professors niya kaya imbes na makinig, ayun natutulog siya sa mga klase niya." "Buti hindi siya pinapalabas kapag nakikita siyang tulog ng mga professors niya." Natigilan ako pagkatapos kong sabihin iyon.