“MAMA, what’s wrong?” Napahinto sa mariing pagkukuskos ng kaldero si Lorie nang marinig niya ang tinig ni Maja. Lumingon siya sa batang nakaupo sa high stool ilang metro lamang ang layo sa kanya. Nasa kusina sila dahil doon dinala ni Lorie si Maja kanina pagdating niya at kung saan siya naglungga dahil bigla ay ayaw niyang makita ang mukha ni Choi kung hindi ay baka kung ano ang masabi niya. Nginitian ni Lorie si Maja. “Wala, Maja. Hintayin mo lang na matapos ko ito, ha? `Tapos maglalaro tayo sa kuwarto mo.” Gumanti ng ngiti si Maja at tumango. Pagkatapos ay nagpatuloy ang bata sa pagtingin kay Lorie habang kumukuyakoy pa ang mga binti nito sa kinauupuan. Binalikan uli ni Lorie ang mariing pagkukuskos sa kaldero. Wala naman talagang problema maliban lang sa dismayado siya. Sobrang dis
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books