Chapter 15

1462 Words

NAPANGANGA si Lorie habang nakatingin kay Choi nang mabilis na paandarin ng binata palabas ng parking lot ng mall ang kotse nito. “Reporter?” ulit ni Lorie sa sinabi ng binata. Dumilim ang mukha ni Choi. “Oo. Si Chavit Sotto. Hindi ko siya makakalimutan dahil siya ang dahilan kung bakit ako nasangkot sa eskandalo halos tatlong taon na ang nakararaan. Ayaw pa rin talaga akong tigilan.” Saglit na nag-isip si Lorie bago niya naalala ang tinutukoy ni Choi na eskandalo. Sinabi iyon sa kanya nina Mocha. “Iyong tungkol sa anak ng business partner ng mga magulang mo?” Nakagat ni Lorie ang ibabang labi niya nang matalim siyang tiningan ni Choi. “You know that?” Napangiwi si Lorie. “Narinig ko lang. Ang ibig mong sabihin, siya ang nakakita sa inyo sa hotel?” Tumiim ang mga bagang ni Choi. An

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD