"azura gising" dinig kong pag tawag sakin ni samantha nawalan ako ng malay dahil sa lakas ng pagsabog nahanap na namin sya. Yung killer pumatay sa buong pamilya namin at iniwan kaming apat para padusan ang masalimuot na kaganapan nayon.
dumating na ang araw na pinakahihintay nya ang paglaki namin at hanapin sya at isa isa kaming patayin
ngayon nahanap na namin sya dun na nag simula ang gera.
hindi ko maimulat ang mata ko hindi ko rin maramdaman ang mga paa at kamay ko naririnig ko lang ang pag tawag nila sa pangalan ko pilit kong minulat ang mga mata ko at nakita ang isang tao na tumatakbo papalapit sakin hanggang tatlong sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko hindi ako makagalaw hindi ko alam ang gagawin ko
katapusan naba namin?
dito na ba mag wawakas lahat ng paghihirap namin?
makakasama ko naba sila mama at papa?
bumigat ang talikap ng mata ko at di ko na nakontrol ang pag pikit ko pero patuloy parin ang mga inay sa paligid ko di ko na naririnig ang pag tawag nila sa pangalan ko patay na kaya sila?
hindi, hindi maari hindi ko pwedeng hayaan na dito mag tatapos ang lahat kaylangan kong makuha ang hustisya para sa pamilya ko
THIRD PERSON'S POV
Nang marinig ng mga residente na malapit sa pinangyarihan ng malakas na pag sabog ay agad silang tumawag ng mga otoridad sa pag aalalang may mga taong maapektuhan ng malakas na pag sabog na 'yon
Pag dating nila sa naturang lokasyon ng pag sabog ay nakita nila sila azura, samantha, claire, at agatha na naka handusay at walang malay
"confirm may apat na sugatan sibilyan dito mag padala kayo ng ambulansya. i repeat mag padala kayo ng ambulanya"
"check the victims dali!" utos ng nakatstaas sa kanila ng makita nila ang katawan ng mga ito ay sinuri nila wala silang malay at walang matagpuan na pulso pero mainit pa ang mga katawan nito
"negative sir, no pulse, not breathing" sagot nung lalaking nag check ng katawan ni azura
"call the ambulance again dali. mag ingat kayo baka may mga bomba pang nakatago" utos uli ng nakakataas sakanila
"sir dito may humihinga pa pero unconscious" tawag nung isang babae na sumuri sa katawan ni samantha na may tama ng baril sa masy balikat lumapit agad ang yung nakakataas sakanila
"negative dito sir" saad ng isa habang sinusuri si clair at ganun ang sabi nya kay agatha na parehong may tama sa balikat malapit sa puso
maya maya pa ay dumating na ang ambulansya at agad silang dinala sa pinaka malapit na ospital