Magkaibang Mundo

Magkaibang Mundo

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
fated
mate
independent
brave
bxg
pack
supernature earth
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Ang kanyang misyon ay ang protektahan ang kanyang pinsan, ang tagapagmana ng trono sa kanilang daigdig. Pero paano niya maproprotektahan ito kung siya mismo ay hindi sigurado kung kaya niyang protektahan ang sarili sa isang lobo na may mga matang mapang-akit. Kaya ba niya kung ang mismong puso niya ay hindi niya kayang protektahan dito?

chap-preview
Free preview
Prologue
May narinig akong tao na nagtatawag sa may gate namin sa labas. Napa-ungol ako nang marealize ko na nagsimula na ang paborito kong palabas sa TV show kasi ayoko nang tumayo para pagbuksan 'yon. "Christa! May tao sa labas! Tignan mo nga kung sino." Tinignan ko kung nandito ba sa baba ang nakababata kong kapatid pero mukha namang wala siya. I rolled my eyes then forced myself to stand up. Padabog akong pumunta sa bintana at binuksan ito para makita kung sinong matinong tao ang mang-iistorbo ng 10 pm. Nakapagtataka na nakita ko si Mama sa gate na may kasamang batang babae. Ang alam ko talaga, nasa taas na si mama at nagpapahinga ngunit pinagwalang bahala ko nalang ang mga tanong sa aking isip. Nagmamadali na akong lumabas na para buksan ang gate na steel bars upang mapanuod ko na ang paborit kong palabas. "Bakit kasi nasa labas ka pa, Ma? Akala ko ba umakyat ka na sa kwarto mo. Sumunod na nga sa'yo si papa. At sino ba yang kasama mo?" Tanong ko habang binubuksan ang gate namin na parang fence lang. Inantay kong pumasok si mama pero nakatayo lang siya sa labas ng gate habang pinagmamasdan ako. "Ma?" Winagayway ko ang aking kamay sa kanya at saka lang narealize ni mama na tinatanong ko siya. "Ikaw ba ang anak ni Luna?" Tinitigan ko siya na parang nababaliw. Bakit niya nirerefer ang sarili niya in third person? Anong trip ni Mama? At ang hinhin niya ata ngayon. Natawa tuloy ako kasi ang weird na ang hinhin niya tapos parang genuine pa na hindi niya talaga kilala sarili niya. Ang lakas rin ng trip minsan ni Mama eh. "Ano ba 'trip mo, ma? Pumasok ka na--" napatingin ako sa bata sa tabi niya na tahimik lang na nakatingin sa amin ni Mama, "este kayo pala kasi nag-umpisa na 'yung favorite kong tv show. Bilis pasok na baka marami na akong ma-miss sa pinapanuod ko.” Hinila ko na siya papasok sa bahay. Natatawa ako sa pag-aacting niya na nahihiya siya at parang di pa niya nakikita ang bahay namin. Sinarhan ko na 'yung gate at tumalikod dito para pumasok na. Nakita ko 'yung batang babae sa hita ni mama na nagkakapit ng sobra. Nag-overtake na ako sa kanila kasi ang bagal nila at tumakbo papasok para mahabol pa ang palabas. Naalala kong di ko pa nalolockan yung pinakusapan ko nalang si Mama na sila nalang ang maglock, "Ma, ikaw na maglock ng pinto ah. Thanks!" Umupo na ako sa couch at nagstart manuod. Maya-maya, napansin ko na nakatayo lang sila mama sa labas ng pintuan kaya naman nagtaka na ako kasi nasa labas lang ng pintuan sila mama at 'yung bata at hindi sila pumapasok. "Ma? Bakit ayaw niyong pumasok?" "Anong ayaw pumasok?" Napatayo at napalingon ako sa likod ng couch at nanlaki ang aking mga mata nang nakita ko sa likod ng couch si Mama. Lumingon ako sa pintuan at nakita ko ulit si Mama doon. Nilingon ko ulit si Mama na nasa likod ng couch at napanganga ako habang nagpalipat-lipat ang aking tingin sa sa dalawang Mama na nakikita ko. Sinundan na rin ni Mama na nasa likod ng couch yung tingin ko sa labas ng pinto at nanlaki ang mga mata at mukhang nabato si Mama na nasa likod ng couch sa kinatatayuan niya nang makita ang kamukha niya. "Sola?" Unti-unting naglakad si mama palapit at nakita kong papaiyak na silang dalawa. "Ikaw ba 'yan?" Tumango ang babaeng inakala kong si Mama na nasa pintuan at dali-dali silang lumapit sa isa't isa at nagyakapan. Sumunod ang bata at lumapit sa likod ni Sola. "Anong ginagawa mo dito? Pano mo ako nahanap?" Bumitaw muna sila sa pagyayakapan at nagpunas ng mga luha si Sola bago sumagot, "tinulungan kami ni Dawn. Ito nga pala si Graciella, anak ko." Nanlaki ang mga mata ni mama at tinitigan ang bata na mas lalong nagtago sa mga hita ni Sola. "May anak ka na pala? Sino napangasawa mo? 'Wag mong sabihin na ikaw naman ang ipinakasal kay Leandro." Gusto kong ipinaalala sa kanila ang presensiya ko kaya nagpeke ako ng ubo. Lumingon sila sa akin at tinignan ko si Mama na may matang pagtatanong. "Sino siya, Ma?" Lumapit si Mama sa akin at hinila niya ang kakambal niya. "Angelique, siya ang Tita Sola mo. Kakambal ko siya." Ngumiti sa akin si Tita Sola pero nakatunganga lang ako sa kanila. May kakambal si Mama? Bakit hindi niya sinabi sa amin 'to? At bakit ngayon lang nagpakita si Tita Sola? Ang sabi nila sa amin ay ulila si Mama at wala ring mga kamag-anak. So, sino tong nasa bahay namin? Bakit nga ba di ko naisip na hindi si Mama yung nasa gate kanina? Ang dami nilang pagkakaiba. Mas regal ang tayo ni Tita Sola kay Mama at mas mahinhin. Straight na maayos at mahaba ang buhok ni Tita Sola samantalang kay mama, straight at mahaba din ngunit mahahalata mong hindi sinusuklay masyado ang buhok niya. Tinignan ko ang bata na naiwan sa kaninang pwesto nila mama kanina. Ang unang napansin ko sa kanya ay ang kanyang mga mata na kulay abo. Matagal ko nang gustong magkaroon ng gray na mata. Buti pa siya, ganun and kulay ng mga mata niya. Pero hindi lang ito basta basta gray, para bang sliverish gray ang mga mata niya. May dugong foreigner ba siya? O baka naman may contact lenses na suot, pero pwede ba masuot ng contact lenses ang mga bata? "Angelique, siya nga pala si Graciella, pinsan mo." Tinignan ko ulit si Tita Sola na nakangiti pagkatapos magsalita. "Angel nalang po ang itawag niyo sa akin. Ang ganda po ng mata niya. May dugong banyaga po ba siya?" Biglang natense si Tita Sola sa aking tanong pero umiling siya sa kalaunan at ngumiti. Napaka-angelic ng mukha ni Tita Sola. Parang mapapatulala ka nalang sa lahat ng sasabihin or gagawin niya. Parehas na parehas sila ng mukha ni Mama pero may pagka-pilya ang kay Mama. Napatigil ako ng pagkukumpara ng itsura ni Mama at Tita Sola nang marinig kong suminghap si Mama. Bigla akong napatingin kay Mama na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata habang nakatitig kay Graciella. "Kailangan nating mag-usap." Seryosong sabi ni Tita Sola kay Mama. Tumango si Mama na hindi pa rin inaalis ang tingin sa bata. "'Yung tayong dalawa lang." Doon inalis ni Mama ang kanyang tingin kay Graciella at tumango. "Mukha ngang kailangan natin mag-usap at mukhang may kailangan kang ipaliwanag sa akin. Angelique dalhin mo muna si Graciella sa kwarto niyo ni Christa." "Pero nanunuod ako ng favorite show ko, Ma!" Angal ko. Tinitigan ako ni Mama na nagbabanta. Kahit naman parang barkada lang turing ko kay mama, may mga limitasyon pa rin naman. At kasama na doon ang tingin niyang nagbabanta. Nagpakawala nalang ako ng isang buntong hininga at pinatay ang TV. "Graciella, halika. Sumama ka muna sa akin. Ako nga pala ang Ate Angel mo." Umakyat na kami sa kwarto namin ni Christa. Ngunit bago ko masara ang pinto, narinig kong may sinabi si Mama na pabulong ngunit halatang nagpapanic kaya na-curious ako. “Ate? Sino ‘yan?” Tanong sa’kin ni Christa pagkakita niya kay Graciella. “Si Graciella, pinsan daw natin. Mamaya ka na magtanong at naiihi na ako. Bantayan mo muna ah?” Bilin ko sa aking kapatid saka lumabas ng kwarto. Pumasok ako ng CR ngunit iniwan ko na bukas ng slight yung pinto. Mas malapit kasi ang CR sa hagdanan kaya mas naririnig ko sila. "Bakit kamukha at kakulay ng mga mata niya si Joaquin?" Ani mama. "Kailangan ko pa bang magpaliwanag?" "Anong ginawa mo Sola?!" "Kailangan ko pa rin bang ikwento sayo kung ano ang ginawa namin ni Joaquin?" "Sola! 'Wag kang pilosopo! Anong tinatawa-tawa mo?" "Naalala ko noon na ikaw pa 'yung pilosopo tapos ako pa 'yung nagsasaway sayo." Narinig kong humagikhik si Tita Sola. "Hindi ngayon ang time para magbalik-tanaw. Bakit si Joaquin?" Nagpapanic na tanong ni Mama. "Mahal ko siya. Katulad ng pagmamahal mo kay Ernesto--" pinutol ni mama ang pagsasalita ni Tita. "Iba kami ni Ernesto. Itinadhana kami. Iba kayo! Ikaw ang sunod sa trono! At bakit kay Jaoquin pa?" "’Wag mong ikatwiran sakin na itinadhana kayo kasi di tayo sakop ng buwan, Luna. At kasalanan ko ba na si Joaquin ang aking minahal?" Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Napalingon ako sa kwarto nila Mama at Papa kasi naririnig kong may naglalakad palapit sa pintuan. Dali-dali akong bumalik sa kwarto at nagulat ako nang makita kong nakabukas ang pinto at nakikinig rin pala si Christa samantalang nakaupo lang si Graciella sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang kwarto namin ni Christa. Sasarhan ko na ang pinto pero narinig ko pa ang mga huling sinabi nila Tita at Mama. "Nasaan na ba si Joaquin?" tanong ni Mama. "Pinatay na siya ni Bartolome." Pagkatapos kong sarhan ang pinto, nagtinginan kami ni Christa. "Ano daw?" Sabay naming tanong sa isa’t isa. Anong trono? Teka, baka naman pamilya kami ng mga royalties sa ibang bansa ah. Tinigan ko si Graciellla at nakita ang napakinosenteng niya mukha na nakatitig sa akin.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
192.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
160.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
159.2K
bc

Summoners Path

read
52.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.7K
bc

His Obsession

read
99.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook