PH2 #3: Reallan

2812 Words
# 3_Reallan Nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa mga lalaking humarang sa akin. Ang kaba na naramdaman ko kanina ay bigla na lang nawala dahil sa nakikita ko sa kanya. Galit ba siya sa mga ito dahil hinarangan nila ako at pinagtangkaan? Napangiti ako ng lihim dahil sa naisip ko. "Tanghaling tapat may pinagdidiskitahan kayo. Wala ba kayong magawa sa mga buhay niyo?" Sa tuno nito ay nandoon ang kalamigan pero kung talagang pakikiramdaman mo ay nandoon din ang diin sa bawat salitang binitawan niya. "At ikaw." Napakurap ako ng bumaling siya sa akin dahil matalim ang tingin na ipinukol sa akin. "Ano bang kagaguhan ang ginagawa mo dito." Pasigaw na sita niya sa akin. Tatayo na sana ako pero marahas na humawak siya sa braso ko kaya mabilis akong nakatayo. Napangiwi pa ako dahil parang mababali yata ang buto ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya. "G-gusto lang naman kita dalhan ng tanghalian." Sagot ko kahit nakangiwi parin ako. "Diba sabi ko...." "You f*****g Idiot." sigaw niya kaya hindi ko natapos ang gusto kong sabihin. "Dahil sa kakulitan mo mapapahamak ka ng wala sa oras." At marahas na patulak akong binitawan bago muling hinarap ang mga lalaking humarang sa akin. "And you! Kala ko ba nagtanda na kayo?" na sinabayan ng pagduro sa lalaking bumastos sa akin. Iisipin ko na tuloy na ipinagtatanggol niya ako sa mga bastos na lalaking humarang sa akin kung hindi niya ako unang nasigawan at sinita. Ngumisi lang naman ang lalaking unang humawak sa akin kanina. Saka taas nuong lumapit pa sa kanya. Ako naman ay bahagyang napatago sa likuran niya ng nakangising tumingin pa ito sa akin. "Bakit? Pumapatol ka na ba sa mga bakla ngayon? Ang isang Kanye Anderson makikipagrelasyon lang sa isang kagaya niya. Bakla ka na din ba ngayon?" taas nuo at may gana pa itong mag mayabang sa klase ng tuno ng boses nito. "Watch your word, baka hindi mo kilala ang pinagsasabihan mo ng ganyan." Kinuwelyuhan pa niya ito kaya bahagyang napatingkayad dahil mas matanggakad siya ng hindi hamak sa lalaki. "Malakas lang ang loob mo dahil kilala ang pamilya niyo sa eskwelahang ito." hawak niti ang kamay na kinulwehan niya. "Kahit hindi kilala ang pamilya ko hindi ako natatakot sa inyo. Hindi ko ginagamit ang Apelyedo ko paera lang maging siga sa eskwelahang ito. Kung kayo siguro iyon ang gawain niyo ibahin niyo ako dahil wala pa kayo sa kalingkingan ko." patulak na binitawan ang kwelyo nito. "Walang gustong makipag kaibigan sayo kung hindi ka mayaman Kanye. Kaya huwag kang magmamayabang na kaya mo kami kung walang wala ka." "Sinusubukan mo ba ako?" "K‐kanye." Sumingit ako sa usapan nila at humawak pa ako sa braso niya. "H-huwag mo na lang sila patulan." lakas loob kong pinigilan ito. "At sino ka para pagsabihan ako. Hindi ko sila makikita kung wala ka dito." Galit na iwinaksi niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya kaya naman nabitawan ko siya. "Kung wala naman palang halaga sayo ang baklang iyan, bakit hindi mo na lang ipaubaya sa amin. Total, parang magpapaligaya lang naman yata ang hanap niya. Baka gusto lang niya makatikim kaya siya naghahabol sayo." Napaangat ang ulo ko at napatingin dito. Nakaramdam ako ng pag iinit sa bunbunan ko na kahit na anong oras ay sasabog na. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa lalaki. Mabilis at malakas na dumapo ang palad ko dito. Hindi lang isa, kundi kambal na sampal. "Ang bastos mo." Gigil na pasigaw na sabi ko pa dito. Nanginginig pa ang kamay ko ng ikuyom ko ang kamao ko. Pero huli na yata ng nakapag isip ako dahil palanding na din ang kamao niya sa akin. Pumikit na lang ako at hinintay na dumapo iyon sa mukha ko. Pero ganun na lang ang pagkabigla ko ng umangat ang paa ko sa kinatatatuyan ko at parang balewalang iniwas lang niya ako sa gamit ang isang kamay niya na ipinulupot niya sa baywang ko. "You deserved that, asshole." Galit na naman siya. Kikiligin na sana ulit ako dahil inisip ko na iniligtas niya ako dahil may care na siya sa akin pero nawala na lang bigla iyon ng parang isang sakong bulak lang niya akong itinapon na lang. Siguro kung hindi ko nabalanse ang katawan ko ay baka bumagsak na naman ako sa sahig. "Hindi lahat ng taong kilala mo ay ganyan ang hanap kaya ayusin mo ang pananalita mo. Isa pa, makikita mo kung saan ka tamang dapat mong kalagyan." May banta na naman sa boses niya. "You f*****g dumbass." Hindi naman yata ito natinag sa pagbabanta niya dahil dumeretso ang suntok nito kanina na naiwan lang sa ere pero agad siyang nakaiwas. Tama namang dumating ang mga kaibigan niyang kasama niya kaninang umaga na umawat sa kanila at pumagitna. "Mukhang tama lang ang dating namin ah." Sabi ng isa at lumapit pa sa amin. Tumingin pa ang isa sa akin. "Nakalimutan kong sabihin sayo kaninang umaga na mag ingat ka dahil sa mga taong ito. Pasensya na cutie." Sabay kindat pa. "You‐. Kayo ang may gawa nito kaya siya nandito?" Napansin ko ang matalim na tinapunan niya ng tingin isa isa ang mga barkada niya. "Pasensya na Kanye, dude. Naawa kasi kami kay cutie kaya sinabi namin na sa rooftop ka laging naglalagi sa mga ganitong mga oras." "At alam niyo ang pwedeng mangyari sa kanya. Damn it." Galit na talaga ito dahil kinuwelyuhan niya ang isa. Ang lalaking nagsabi sa akin nun. "Sorry na dude. Kaya nga sumunod kami agad baka kasi mapahamak siya pero nahuli yata kami. Hindi naman namin akalain na aagahan niya ang pag akyat dito." Sabay taas pa ng kamay nito hindi nakipagtagisan ng tingin sa kanya. Halata na ayaw nilang maging kaaway siya. "Shit." Patulak na binitawan niya ito. "Kayo na ang bahala diyan." Kuway utos niya saka naman niya ako binalingan. "And you, you f*****g litte kitten. Pagbabayaran mo ang kaguluhang sinimulan mo." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay humawak na siya sa braso ko saka niya ako hinila paakyat pa ng hagdan patungo sa rooftop. "Enjoy dude. Huwag mong ubusin si cutie huh." Narinig ko pang sigaw ng isa na may kasamang malakas na tawa. "f**k off." Sigaw naman niya sabay sinyas ng f**k sign. Hindi na siya lumingon pa. Halos madapa naman ako dahil sa paghila niya sa akin hanggang sa marating namin ang rooftop. Parang di na yata sumasayad ang paa ko sa hagdang inaapakan ko dahil sa bilis nh pag akyat namin. Pasalya niya akong binitawan ng tuluyan kaming makarating ng rooftop. Matalim na nakatingin sa akin habang yakap yakap ko ang bag kung saan nakalagay ang tanghalian namin. Napayuko na lang ako dahil nakita ko sa mga mata niya ang galit na galit niyang aura. Kung may apoy siguro sa mga iyon ay kanina pa nagliliyab iyon at nasusunog na ako sa init. "Ang isa sa pinakaayaw ko ay ang may bubuntot buntot sa akin. Kaya heto na ang huli na magpapakita ka. Pasalamat ka na lang, dahil walang nagyari sayo." "But-." "No more buts you-. f*****g little kitten. f**k it. Nasaan ba ang utak mo at ang hirap mong pagsabihan na tumigil na." dinuro pa niya ang sintido ko. "nag iisip ka ba?" nasa tinig ang gigil na parang gustong ulit-ulitin ang pagduro sa sintido ko at itanim sa isipan ko na gamitin ko naman ang utak ko. Napasimangot ako dahil sa pagsigaw niyang iyon. Sinamahan pa ng walang tigil niyang pagmumura. Mas humigpit na lang ang pagyakap ko sa dala kong lunchbox dahil doon na iniingat ingatan ko kanina pa na hindi ko mabitawan kahit pa natumba na ako sa sahig. "Stop acting like a child will you. You're not a kid anymore para ipagpilitan ang mga nais mo. Look, hindi maganda ang ginagawa mo ngayon. Kaya naman, pwede bang makinig ka." Muli akong napasimangot. "Pero gusto kita." Lakas loob kong sabi sa kanya. "Hindi lang gusto, tingin ko nga mahal na kita." pang uulit ko na nakapagpatigil sa kanya. Tumitig pa sa akin. "Damn it." Mura niya pero sa mababa ng tinig. Tinampal niya pa ang sariling nuo na para lang hindi makapaniwala. "You!.... Ang tigas ng ulo mo." Kuyom ang kamao na isinenyas iyon sa akin saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Hindi mo alam ang sinasabi mo." "Alam ko." Taas ang nuong sagot ko. "Alam ko ang sinasabi ko. At alam ko kung ano ang ginagawa ko." "This is ridiculous." Pasigaw na naman sa sabi niya kaya napayuko na naman ako. "No! It's not. Masama ba na magkagusto sayo?" Tanong ko sa kanya. Lumunok pa ako. At muling nakipagtitigan sa kanya. This is my chance na makausap siya. Kahit na alam kong galit na galit siya dahil hindi naman maitatago iyon sa mga mata niyang nakatitig din sa akin. "f**k! Bakit ba sa akin ka nagkagusto? Ang dami diyan. At wala akong panahon sa mga kalukuhan mo." "No words can tell why I like you. Basta gusto kita." muli ay pang uulit ko. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito. "You-." "Just let me like you. Gagawin ko lahat. Please, just let me." Pagpapakababa na ba ang makiusap sa kanya na hayaan akong magpatuloy na magustuhan siya? Tingin ko naman hindi. Sinasabi ko lang naman kung ano ang nararamdaman ko. Basta gusto ko siya at gagawin ko ang lahat para magustuhan lang din niya ako. I hope, he will like me back. Napansin ko ang pagtaas baba ng balikat niya dahil sa pagpapakawala niya ng buntong hininga. Pinid ang mga labi na parang may gusto pang sabihin sa akin pero hindi na siya nagsalita bagkus muli siyang naglakad sa may likod ng pintuang pinasukan namin kaya napasunod na lang ako. May lilim doon na napasadya talaga. "M-may dala akong pagkain." Kuway sabi ko sa kanya ng maumupo na siya. "N-nasabi sa akin ng mga kaibigan mo na dito ka lang lagi naglalagi sa tanghalian at di ka kumakain. K-kaya sana, magustuhan mo." Lakas loob pa akong lumapit talaga. Feel at ease na akong sumampa sa nakalatag na pulang carpet kung saan siya naupo. "Hindi ako kumakain ng tanghalian. Kaya makakaalis ka na." "No! Dapat kumain ka ng tanghalian. Halika ka." At mabilis na inayos ko ang dala ko. Hindi ko na pinansin ang pagpipilit niyang pagpapaalis sa akin. Inilatad ko ang dala kong plastic cover at doon na maayos na inilatag ang mga pagkain. "Kung ayaw mong humawak ng spoon, susubuan na lang kita." Nilangkapan ko ng lambing ang boses ko at may ngiti pang gumuhit sa labi ko. Alam ko, naiinis siya sa akin sa kakulitan ko but I don't really care. Dahil hinayaan na niya akong lapitan siya kahit na alam kung sa titig niya ay gusto ng manuntok. "Ako pa ang nagluto nito. Sana magustuhan mo." Sabi ko habang nagsasandok na ako ng kanin at ulam na adobong karne ng baboy na sinahugan ko ng maliit na carrot at patatas. "Ayan." Nakangiti pa akong tumingin sa kanya ng maipagsandok ko na siya at iabot na iyon sa kanya. Pero natigilan ako dahil nakatitig pala siya sa akin. Ewan ko kung kanina pa ba siya nakatingin o sabay lang kami. Pero kinilig na naman ako dahil doon. My gosh!! Kalma lang. Kalma lang self... Sa loob loob ko. Baka matalon ko pa siya at pupugin ng halik.. Ang ganda talaga ng mga mata niya. At ang lalalim kung makatingin. Para na akong hinuhubaran sa mga titig niya. Ahem! No! Erase Reallan Charles Dela Cruz. Umayos ka.! Muli ko na namang sita sa sarili ko. "B-bakit?" Tanong ko na lang para maalis ang ibang aurang kumalat sa paligid. Mahangin naman at natatakpan ng mga ulap ang araw pero biglang uminit na ang paligid dahil sa kabaliwan ng pag iisip ko. "Saan ka ba ipinaglihi ng nanay mo noong ipinagbubuntis ka. Hindi ka nakakaintindi." Wala na ang galit sa tuno niya pero nandoon naman ang kalamigan ng boses niya pero napangiti parin ako dahil totoo na ito. Kyaaaaa! Kinakausap na ako. Hindi man sa malambing na paraan at least, nag uusap na kami. Balang araw lalambing din ang boses niya at lalambingin na din niya ako. Ngumiti ako. Kailangang cute parin ako sa paningin niya. Gender doesn't really matter kung nagmamahal. At iyon ang papatunayan ko at bibigyan ng totoong kasagutan. Na hindi hadlang ang parehong kasarian kung parehong nagmamahalan. And I will make him fall inlove with me the way how I love him now. "Kain na. Please, tikman mo ang niluto ko. Promise, hindi ka magsisisi dahil magaling akong magluto." Nah! Ako na ang unang pupuri sa luto ko. Alam ko naman na masarap ang luto ko. At hindi lang luto ko. Ako din. Ehh! Bumuka ang bibig niya pero ang ngipin niya ay halatang nanggigigil lang. "Saka mo na ako panggigilan. Kumain ka na muna." Sabi ko. Saka ko nilagyan ng kanin at ulam ang kutsara at itinapat iyon sa bibig niya. "Ahhh! Come on. Please." "Sabi ko a-." Pero hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita dahil deretso na sa bibig niya ang isinusubo kong pagkain sa kanya. Ngumiti lang ako ng panlakihan niya ako ng mga mata. Akala ko itatapon lang niya iyon pero nginuya niya naman kaya lalo akong napangiti. Hindi man siya umimik pero sure akong nagustuhan niya iyon. Susubuan ko na sana siya ulit ng napansin kong nilunok na niya iyon pero pinigilan na niya ako at inagaw sa akin ang pinggan na hawak ko. "Akin na nga yan ng matapos na. Kumain ka na lang din para makaalis ka na." Sabi pa niya sa akin. Kaya naman mas ngumiti pa ako at ginanahan na ding sumandok ng kakainin ko. Hindi na siya umimik pa pero kinain naman ang dala ko. "Dadalhan kita ulit bukas. Anong gusto mong ulam para iyon ang mailuto ko para sayo." Tanong ko sa pagitan ng pagnguya ko. Feel na feel lang ba. Pero sa loob ko ay kanina ko pa gustong humiyaw sa kilig ko. Hinahayaan niya akong lagyan ang pinggan niya na kinakain lang niya. "You don't need too. This will be the last." Mataray parin na boses na sagot niya sa akin. "Basta magluluto ako. At pupunta ako dito." Pagpipilit ko. "Heto pa." "Stop it. I'm already full." Pigil niya pero di naman iniwas ang pinggan kaya nalagyan ko parin. Nginitian ko lang siya ng tapunan niya ako ng matalim na tingin. Hindi na niya ako madadaan sa talim ng tingin niya. Lalambot din ang matigas mong puso my labs.. Huh! Ngayon pa. Nakalapit na ako. Ayiieeeh! Kumalma ka lang Reallan. Ano ba? But I can't help.! Ahhhhhhh! Inhale exhale. Inhale exhale.. hooo!. At nagpakawala nga ako isang malalim ng paghinga para lang hindi ko iyon maibigkas. "Done, ano masaya ka na?"saka niya inilapag ang pinggan na hawak. Mabilis naman na inabutan ko siya ng tubig na dala ko sa tumbler ko. Ahem na naman! Syempre, iisa lang ang tumbler ko. Masama ba na magshare kami? Hindi naman diba. Tinanggap naman niya iyon at agad na uminom. Napansin ko pa ang pagmumug niya bago tumayo at idinura iyon sa may kanan namin. Napangiti ako. Ayieeeh! Kahit sa tumbler lang lalapat ang labi niya at least, malalasaan ko din mamaya. Hahaha! Pakulo ko. "Hoy!." He snap his finger in front of my face kaya napakurap ako at nagbalik sa katinuan ang isip ko. "B-bakit?" Parang timang lang na tanong ko. Kasi naman, nakakawala naman siya sa tamang pag iisip. Kakaloka. Siya na lang lagi ang laman ng isip ko. Ng puso ko. Ng buong pagkatao ko. "Your drooling, little kitten." May ngisi na sa labi niya na ngayon ay nakatingin sa akin. "N-no! I am not." Sabay iling ng sunod sunod. Pero ganun na lang ang gulat ko ng kunin niya ang pinggan na hawak ko habang inaayos ko na iyon pabalik sa lagayan ag inilapag iyon. Napaatras pa ako ng upo ng lumapit siya. Ehhh! Ano ang balak niyang gawin? Bakit siya lumapit. Itinungkod ang mga kamay sa pagitan ng kilikili ko kaya ang lagay ay halos nakapatong na siya sa akin. Napalunok ako! Ayaw na gumana ng utak ko. Parang nawalan ng saysay ang mga nasa isip ko dahil mas nanaig ang kaba na bumubdol sa aking dibdib. Ang lakas, kumakabog talaga ng malakas na parang gusto ng kumawala sa kinalalagyan ang puso ko. Baka lumabas nga ang puso ko sa loob ng katawan ko.. "W-what a'are you doing?" Tanong ko sa kanya. Sunod sunod ang paglunok ko dahil nababarahan na ang lalamunan ko. "Hindi na masama, magaling ka nga magluto. Then, lets start dating. Hmmm." Parang fireworks na sumabog sa pandinig ko ang sinabi niya. hindi lang sa panding. kundi para na rin akong nakakita ng aktwal na fireworks. Gusto kong sumigaw pero nalunok ko na yata ang dila ko. What should I do? What should I do?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD