bc

When Travis Met Jasmine

book_age16+
1.4K
FOLLOW
8.1K
READ
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

WHEN SERIES #1

Pagsasayaw ang naglapit kina Travis at Jasmine sa isa't isa. All along their mutual understanding, hindi nila akalain na may mga taong handang manakit para sa kanila at pati na rin sa malalapit na tao sa buhay nila. Aside from this, lingid sa kaalaman nila na may natatagong sikreto sa likod nang nakasanayang golden rule ng grupo na itinatag ni Geofferson na magiging daan para makilala ni Jasmine ang kaniyang twin sister.

Sa kasamaang dala ni Mr. Gio Prieto ay hindi rin nila inaasahan ang mabilis na pagbabago ng kapalaran, dahil may isang buhay na matutuldukan sa magkambal.

Paano kaya nila haharapin ang bakas ng kahapon? At paano kung mabago ang pananaw nila sa rebelasyong matutuklasan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Simple, walang dating, commoner.   Iyan ang tingin sa akin ng mga kaklase ko sa Unibersidad na pinapasukan ko.   Ako si Jasmine Kylie Llaneta, lumaki ako sa isang broken family. Dahil may bali-balita na nabuntis lang si mama ng isang foreigner, pero apelyido pa rin ni mama ang gamit ko dahil hindi naman sila kasal. Pero kahit gano’n ay hindi ako nagkulang sa pagmamahal at pag-aalaga ni mama.   Kasalukuyan akong nakatambay  sa field ng Stanford University, nang biglang may tumawag sa pangalan ko.   "Jas!" Boses iyon ni Vernice. Siya lang naman ang nag-i-isang Vernice Figueroa, ang mabait at maganda kong best friend. Kumaway pa siya habang papalapit sa akin at ganoon din ang ginawa ko, subalit--   "Aray!" malakas na sigaw ko at napaupo ako dahil sa nawalan ako ng balanse sa katawan dulot ng pagkahilo. Natamaan lang naman ako sa ulo ng isang bola.   Pinilit kong tumayo habang napapailing habang naririnig ko pa ang ilang tawanan na nagmumula sa kabuuan ng field.   “Grabe talaga 'yong mga estudyante rito, imbes na maawa sa'yo ay tatawanan ka pa!” sabi ni Vern habang inaalalayan ako sa pagtayo.   "Travis, nakatama ka!" sigaw pa no'ng lalaki na may katangkaran at may kalakihan ang katawan. Lalapit pa sana sa siya sa direksyon namin upang tulungan akong makatayo subalit naunahan naman siya ni Vernice.   "Okay ka lang ba, Jas?" ani Vern. Tumango na lang ako kahit medyo nahihilo pa, nahihiya na rin kasi ako dahil sa mga matang nakatingin sa amin.   Samantala ay hindi ko inaasahan ang lalapit sa direksyon namin na napapangisi at napapailing.   "Bakit ba kasi dito pa tumatambay, e, alam naman na may nag-pa-practice," sabi pa no'ng lalaking nakatama sa akin.   Nagtangis ang bagang ko sa sinabi niya pero imbes na patulan siya ay sinamaan ko lamang siya ng tingin bago pa kami tuluyang makaalis.   Habang naglalakad kami ay sakto naman nag-bell. Magkaklase kami ni Vernice  kaya madalas ko siyang makakasama, mas nauna nga lang ako sa kaniyang pumasok kaya naisip kong libutin muna ang campus hanggang sa naisipan kong tumambay doon sa field, maaliwalas at presko ang hangin doon kaya nagustuhan ko talaga pero.. hindi ko na yata magugustuhan na puntahan 'yon nang dahil sa nangyari kanina.   Isang malaking kahihiyan!   Natapos na lang ang first subject subalit lutang pa rin ang isip ko sa mga nangyari kanina. Walang anu-ano'y bigla naman akong nakarinig ng tsismisan sa classroom. Kasalukuyan kasing nag-C.R si Vernice kaya nagkataon na wala akong kausap.   "Girls, nakita ninyo ba 'yong nangyari kanina?" tanong ng isang magandang babae, hindi ko siya kilala dahil transferee lang ako dito. Dahil puro rich kid lang ang mga nag-e-enroll sa University na 'to, pero isa ako sa pinalad na maging scholar kung kaya't ako nakapasok dito. Hindi kagaya ni Vernice na nakakaangat sa buhay.   Bumalik ang atensyon ko sa tatlong babae na magkakausap at pinagmasdan ko lang sila pero napuna ko na nakatingin sila sa direksyon ko.   "Iyong babaeng natamaan ng bola?" tanong pa ng isa na katabi lang no'ng nagsimula ng usapan. Tumingin pa siya sa direksyon ko nang sabihin niya 'yon.   "Yes, iyong cheap na transferee, hindi naman kasi siya nababagay sa school na 'to, e!" napapairap na sabi naman ng isang kasama nila.   "Oo nga, e. How pathethic that girl!" natatawang sabi no'ng babaeng naging ugat ng usapan. Tumawa pa silang tatlo kaya mas nainis ako.   "Excuse me?" Halos kami ay natigilan sa biglaang dumating. Pero mas natigilan ako nang makita ang lalaking nakatama sa akin ng bola. "Is there anything funny, girls?" muling wika nito.   "Hi! Travis my loves!" tawag sa kaniya ng babaeng kanina lang ay nangungutya sa akin.   “Travis pala ang pangalan niya,” bulong ko sa sarili sabay napa-iling. Hindi ko lang kasi maintindihan kung anong mayro'n sa kaniya na at halos lahat ng estudyante ay pinagtitinginan siya. At ‘yong babaeng maganda pero pangit ang ugali na nagsimula ng pang-iinsulto sa akin ay bagay lang sa kaniya, pareho silang masama ang ugali!           Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang lalaking nagbibigay sakit sa ulo ko. Bumungad ang boses niya dahilan para mapalunok ako ng ilang ulit.   "Hey, bago ka lang dito?" aniya. Magsasalita pa lang sana ako pero bigla naman sumabat 'yong babaeng nagpasimuno ng usap-usapan tungkol sa akin.   "Yes, Travis.. hindi ba siya 'yong natamaan mo kanina ng bola?" wika nito na naging dahilan ng tawanan nila.   “Akala mo naman  napaka-big deal no'n para pagtawanan,” napapailing kong bulong ko sa sarili.   Napangisi itong Travis. "Excuse me, miss? Anong binubulong mo?” Mas inilapit pa niya ang mukha sa akin habang kinikilatis ang itsura ko. “Okay, kaya pala familiar." Matapos niyang sabihin 'yon ay umupo na siya sa bandang likuran ko. Halos matameme ang tatlong babae sa pag-aakalang i-in-sultuhin din ako ng Travis na 'yon.   “Buti na lang hindi, buti na lang talaga.” Napabuntong-hininga na lang ako sa isiping 'yon.   Maya-maya pa ay dumating na rin si Vernice at doon lang ako nakahinga ng maluwag.   "Nag-CR ka lang ba talaga? Bakit sobrang tagal mo?" halos isigaw ko na ang tanong ko.   Ngingiti-ngiti naman siyang bumulong sa akin. "Sorry, Jas.. nagyaya bigla si Anthony na makausap ako kahit saglit, e."   Namilog ang bibig ko sa sinabi niya.   Si Anthony Tevez, ang pinaka-romantic na lalaki sa lahat, sabi ni Vernice. Suportado ko siya ro'n dahil taon na rin itong nanliligaw sa kaniya.   "Oo nga, best.. teka, bakit wala pang teacher?" aniya. Pero sa halip na sagutin siya ay pina-ikot-ikot ko ang ballpen sa aking bibig habang nakasimangot. "Uy Jas!" Narinig ko pang sabi niya pero inismiran ko lang siya.   "Sana hindi ka na umalis, para napanuod mo ang pang-iinsulto sa akin."   "Naku, Jas-- sino ba 'yong mga peste na 'yon, ha?" tanong niya at ininguso ko na lang ang tatlong babae na nasa left side namin.   "Excuse me? Sinong sinasabi mong peste?" singit nitong Travis sa likuran namin.   Aba at narinig niya pa pala 'yon kahit na naka-earphone siya! Doon ko lang din napansin ang lalaking nerd na katabi niya. Pero ang weird dahil hindi man lang ito ngumiti nang ngitian ko.   Akala namin ay wala ng dadating na teacher dahil mahigit tatlumpung minuto na ang lumipas ay wala pa rin pero biglang dumating si Ms. Menchie, ang English teacher namin.   "Good morning, class! Sorry I'm late, may inayos lang ako. Sinong absent today, Sonia?" tanong niya kay Sonia Alonte, ang class secretary. Nabasa ko lang na nakasulat sa isang chart banda sa gilid ng class room.   "Wala po, ma'am."   "Aba! Very good! Oh, nandito na pala si Travis!" nag-silingunan naman sa kaniya ang mga estudyante.   "Yes, ma'am ang escort ko for the year!" sabi pa no'ng babaeng maldita kanina.   "Nice! Hanna & Travis!" sigaw pa ng isang lalaki. Ayaw ko nang ilibot ang mga mata ko para kabisaduhin ang mukha ng mga kaklase ko pero hindi sinasadyang mahahagip ulit ng mata ko ang list ng officers na naka-post sa gilid at halos mapahiya ako sa isiping nag-a-assume lang ang babaeng 'yon.   At halos manlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.   "Siya pala si Hanna Melendez, totoo nga na siya ang muse.. at.. si  Travis Ivan Ybañez, ang escort." Hindi ko maiwasang ibulong sa sarili ko.   Grabe, hindi ako makapaniwala kung sinasadya lang ba 'to ng tadhana o nagkataon lang. Magmula nang makita ko sila kanina sa field, ngayon ay araw-araw ko na silang makikita sa classroom na 'to.          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.8K
bc

Reckless Hearts

read
256.7K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.5K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.1K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

That Professor is my Husband

read
505.0K
bc

OSCAR

read
227.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook