Drizella Genet’s POV Tama nga ang hinala ko. May gusto siya sa akin. Hindi pa naman mismong gusto niya ako pero nararamdaman ko na roon na rin papunta ang nararamdaman niya sa akin. Sarili niyang nararamdaman ‘yon at ayokong pigilan ‘yon. Ang mahalaga sa akin ay mag focus sa dapat kong gawin pero hanggang ngayon… Nasa isip ko pa rin siya. “Kailan ka pa nawala sa sarili mo?” natatawang tanong sa akin ni Aljin. Napatingin ako sa kanya na kasama kong na ngangabayo ngayon sa Arena. Kaibigan ko si Aljin high school pa lang ako. “Malalim ang pag-iisip mo ngayon, Drizella.” Isa pa ‘tong si Geriane na napapansin ang pagkabalisa ko. Kaibigan ko rin at nakilala ko kasabay nang makilala ko si Aljin. Sa sobrang tagal naming magkakakilala, alam na alam na agad naming kapag may iba sa aming tatlo