Hindi sukat akalain ni Endang na ang pinaka- iingatan niyang pag-ibig, karelasyon ay lolokohin lang pala siya. Hindi...matagal na pala siyang iniiputan sa ulo at ang masakit hindi iba sa kanya ang ipinalit. Sa sakit na nararamdaman ay naglasing siya sa kauna- unahang pagkakataon, hanggang sa napadpad siya sa isang tahimik na lugar at doon niya isinigaw ang lahat ng kinikimkim niyang sakit sa puso. Aba teka...huli na nang mapansin niyang hindi pala siya nag- iisa sa lugar na iyon! Ang masaklap ay pinagtawanan pa siya ng estranghero na mas nagpakulo sa kanyang dugo. Ano ang naghihintay na kapalaran ng dalawang pinagtagpo sa maling lugar, maling oras subalit hustong pagkakataon?