Kabanata 6

1074 Words
Pokus na pokus ako sa kanya at hindi ko na marinig ang paligid ko. Ang tanging pumupuno sa tainga ko ay paghuhuramentado ng puso ko. Nagsimula na silang tumugtog. Sa ikalawang pagkakataon, isinayaw ako ng kanyang tinig patungong langit. Ang simpleng pagpikit ng mga mata niya, ang marahang pagsabay ng ulo niya sa beat ng kanta, ang bawat galaw ng kanyang mga labi . . . Everything he did affect my entirety, my soul. Namalayan ko na lamang na tapos na ang unang kanta nila nang nagsipalakpakan ang mga tao sa paligid ko. Tumikhim ako saka nakipalakpak na rin. “God, ang galing talaga nila!” Tuwang-tuwang sabi sa akin ni Richard habang malakas na pumapalakpak. Ngumiti ako sa kanya saka muling ibinaling ang mga mata sa platform, para lang magulat. Nasa akin ang mga mata ni Iñigo! “Oh, s**t! He’s ooking at you, girl!” “God! Naaalala ka ‘ata niya!” “Natandaan niya ‘ata ‘yong pagbigay mo sa kanya no’ng mga tsokolate!” “Nakakainis ka!” Napakurap-kurap ako sa narinig at napatingin sa aking likuran. Isang grupo ng mga kabataang babae na dalawang mesa ang layo mula sa akin ang naghuhuramentado. Kilig na kilig ang mga ito habang niyuyugyog ang isang kasama nila na halatang hiyang-hiya at nakatungo. Inalis ko agad ang mga mata sa kanila. Parang nabasag ang puso ko. “Are you okay, Serafina?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Richard. Pilit akong ngumiti. “I-I’m okay.” “Are you sure? Parang hindi, eh.” “Ayos lang ako. Huwag mo ‘kong alalahanin.” Muli akong tumingin kay Iñigo. Nakabaling na ang ulo niya sa kaliwa at gumalaw ang panga niya. His ruthless eyes looked sharper than usual. Muli silang kumanta. They sang four alternative rock songs before they bade their goodbye. Throughout their performance, nakikinig lang ako habang nakatungo at painom-inom. Nawalan ako ng gana. Akala ko sa akin siya nakatitig. Umasa ako na sa akin siya nakatitig dahil napapamilyaran siya sa akin o anupaman. Nakakainis! Pagkaalis na pagkaalis nila sa platform ay tumayo na ako. “Aalis ka na?” Kunot-noong tanong sa akin ni Richard. “Yeah ,” walang kabuhay-buhay na tugon ko. “By the way, it’s nice meeting you, Richard.” Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at lumakad na ako paalis. Nakasalubong ko pa iyong babaeng katitigan ni Iñigo kanina kaya binunggo ko siya sa balikat. Natumba siya sa sahig. Hindi ko iyon pinansin at dumire-diretso sa pinto. Tama lang iyon sa kanya. Habang naglalakad ay kinuha ko ang cell phone ko. May ilang mensahe akong natanggap at ni isa ay walang nanggaling sa mga magulang ko. Ibig sabihin ay hindi pa alam ng mga naiwan sa bahay na wala ako sa aking kuwarto. Bubuksan ko na sana ang mensahe sa akin ni Samantha nang may humablot sa kamay ko at hinila ako sa madilim na eskinita. Kunot-noong inaninag ko ang taong humablot sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtantong si Benj iyon! He looked . . . awful and drunk. “B-Benj? What are you doing here?” Kabadong tanong ko. “I just came out from the bar.” Ngumisi siya. “Kung sa’n ka rin galing.” Napalunok ako. Kung ano iyong huling pagkikita namin, iyon pa rin ang estado niya. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya, unti-unting paaglabasan ng facial hair niya, magulo ang buhok, at mukha rin siyang pagod. “H-hindi kita nakita ro’n.” “Paano mo naman ako makikita? You were busy with your new guy.” New guy? Kinabahan ako bigla. Sinong tinutukoy niya? Si Iñigo? But it was impossible! No one knew I liked Iñigo other than myself! Then, was he referring to Richard? “Damn it, Serafina.” He sounded frustrated. “You’re unfair! Mabaliw-baliw ako kakaisip kung pa’no kita makukuha ulit samantalang ikaw, may bago na namang pinagkakaabalahan!” “S-so? Sinabi ko na sa’yo na anumang gawin mo, hinding-hindi na ‘ko babalik sa’yo! Ano naman kung may bago akong lalaki? P-pakialam mo ba? Bitiwan mo nga ‘ko!” I suddeny felt scared when his eyes turned fiery. But it didn’t stop me from squirming. “I was ready for love, Seraf. I was ready for you,” tim-bagang na aniya. “I fell hard and I thought you were, too. Tapos malalaman ko na lang na pinaglaruan mo ‘ko?” Nalito ako sa sinabi niya. Pinaglaruan? Napakurap-kurap ako sa unti-unting napagtanto. Alam niya na ang tungkol sa dare? My lips parted when his grip on my wrist tightened. Kaunting-kaunti na lang, pakiramdam ko ay mababali na iyon! “B-bitiwan mo ‘ko!” Sigaw ko sa kanya. Ngumisi siya. “So, pinaglaruan mo nga ‘ko . . .” “Y-yes! Pinaglaruan kita!” Singhal ko. “I didn’t know you would fall for me when you’re a good player yourself! Parehas tayong magaling sa larong ‘to, Benj! At ‘di ko kasalanan kung ‘di mo alam kung ano rin ako! Gawain mo ‘to, ‘di ba? Tapos ngayon galit ka dahil naisahan kita? Na nagawa kitang paglaruan, when you are an expert of this game?” Nanlaki ang mga mata ko nang pabalya niya akong isinandal sa pader. Pinigilan kong mapadaing sa sakit. Damn it! “Because you didn’t play fair!” Singhal niya. “Sana sinabi mong ‘yan ang gusto mo! Nabigyan sana kita ng magandang laro!” “B-bitiwan mo ‘ko!” “Ikaw nga siguro ang karma ko . . .” Saka siya pumalatak habang ang mga mata ay namamasa. “Oo! Kaya pakawalan mo na ‘ko!” Saka ko siya tinulak na naging matagumpay naman. “Lumapit ka pa sa’kin, talagang lulumpuhin na kita, Benj!” “Mas magaling kang magpaikot kaysa sa’kin. Mas magaling kang maglaro kaysa sa’kin.” Our eyes met. “Kaya humanda ka dahil darating ang panahon na mas matindi ang mararanasan mong sakit kaysa sa akin.” Natigilan ako sa binitiwan niyang mga salita. Naalala ko ang mga sinabi sa akin kanina ni Jianne, na gagapang ako papunta sa lalaking lilimusan ko ng atensyon at pag-ibig. “I’ll wait for that.” Inirapan ko siya at iniwan sa eskinitang iyon. Pero laking gulat ko nang nakita kung sino ang taong sa tingin ko ay kanina pa nakamasid sa amin mula sa bukana. “I-Iñigo . . .”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD