Chapter 9

3456 Words
Alas sais ng hapon ng umalis si Giovanni sa resort kung saan siya tumutuloy.Napagpasyahan niyang sumakay na lamang sa kanyang kotse sapagkat medyo malayo layo din kapag naglakad siya at sa pampang ng dagat siya dadaan.Baka pagdating niya kila Rosana ay bukod sa madumi na ang paa sa buhangin ay mag amoy pawis siya sa layo ng lalakarin niya.Nakakahiya naman kung magkagayon. Mas mabilis kung sa kalsada siya daraan bukod sa nakasakay siya ay hindi pa siya pagpapawisan.Wala pang limang minuto ay narating ni Giovanni ang villa resort. Sa harap ng gate ay nagtext muna ang binata kay Rosana. "Im already here". Bumusina siya sa may gate at pinagbuksan siya ni Mang Juanito,ipinasok nito ang kotse sa loob. Nag uusap si Miss Claire at Rosana sa may sala nang magtext si Giovanni. "Tita nasa may gate na daw si Giovanni." "Tell him to come in",wika nito. Iginiya ni Mang Juanito si Giovanni sa sala ng villa kung nasaan sila Rosana at Claire. "Maiwan kona po kayo",bigay galang ni Mang Juanito sa binata. "Maraming salamat po",pagpapasalamat ng binata Tumayo sa kinauupuan si Claire at Rosana nang makitang paparating si Giovanni. "So you are Giovanni?"lahad ni Miss Claire sa kanyang kamay. "Nice to meet you",bati ni Claire "Giovanni Monte Verde Maam?" "Claire,Claire Buenaventura!" "Nice meeting you too Miss Claire",sabay kuha sa kamay ni Claire. Nagulat man si Rosana dahil parehas ang apelyido ni Miss Claire at ang kanyang inay hindi ito nagpahalata,naisip niyang what a coincidence. "Please sit down Giovanni",alok ni Claire sa binata. Naupo ang binata habang nakatingin kay Rosana.Nginitian lang siya ng dalaga. "Nagpapasalamat ako at iniligtas mo sa pagkakalunod kahapon itong si Rosana.Mabuti na lamang at naroroon ka hijo". "Mabuti nga po at nakita ko siya kahapon habang nakatanaw ako sa veranda ng kwarto ko.Marahil ang pagkakataon po ang gumawa ng paraan para maligtas ko siya". "Balita ko magkakilala pala kayo?"tanong ni Claire. "Yes Maam she's my friend?"sabay tingin sa dalaga. Tumikhim lang ang dalaga at yumuko. "Wala atang naikukuwento si Rosana tungkol saiyo hijo?" "Tita he is our regular costumer at the restaurant",singit ni Rosana sa pag uusap ng dalawa. "I see",tumango tango namang wika ni Claire. Maya maya pa ay dumating si Buena. "Tita dinner is ready po". "Okey thanks Buena susunod na kami",tugon nito "Shall we go?"aya ni Claire kay Rosana at Giovanni. Nagtungo nga sila sa dining area at naghapunan habang silay nagkukuwentuhan.Madaming napagkwentuhan si Miss Claire at Giovanni samantalang nakikinig lang at ngumingiti si Rosana habang kumakain. Matapos magdinner ay inaya ni Miss Claire ang dalawa sa may veranda. "Alam kong may kailangan kayong pag usapang dalawa kaya maiwan kona muna kayo",wika ni Claire. Nakahalata kasi ito sa mga pasimpleng sulyapan ng dalawa kaya hahayaan niya muna ang dalawa na makapag usap. "Mukhang may importanteng sasabihin si Giovanni",dugtong pa nito. Nagpasalamat si Giovanni at binigyan sila ng pagkakataong makapag usap na dalawa. Naiwan nga ang dalawa na nkaupo sa bakal na silya.Nakaupo si Giovanni sa isahang silya samantalang si Rosana ay sa mahabang silya.Tahimik ang dalawa at walang may gustong maunang magsalita hanggang umimik ang binata. "Are you okey now?"wala bang masakit saiyo dahil sa muntikang pagkalunod mo yesterday? "Wala naman salamat sa pag aalala Giovanni",wika ng dalaga Bago nagpatuloy magsalita ay tinabihan ng binata si Rosana sa upuan.Hindi naman nakatanggi ang dalaga.Pati sa paghawak ng kamay nito sa kanya. "Rosana tell me im rude pero hindi kona talaga kayang balewalain pa ang nararamdaman ko saiyo". Nagulat ang dalaga sa pagkakasabi ng iyon ng binata. "The first time I saw you i think i fell in love with you",nangungusap ang mga mata ni Giovanni. Hindi naman malaman ng dalaga ang gagawin o sasabihin dahil biglang kumabog ang dibdib niya. "Giovanni but"... "Shhhhhh",saway ng binata dito. "Ang sabi ko sa sarili ko kahit mabigo ako ngayon basta masabi ko ang nararamdaman ko saiyo ay okey na ako.Ang importante ay nasabi ko ito saiyo". "Pero Giovanni paano si Trixie?" tanong nito,sapagkat ayaw niyang makasira ng relasyon. "What about Trixie?I told you she's only my friend,a childhood friend... kailanman ay hindi ako nagkagusto sa kanya at never akong magkakagusto sa kanya dahil kapatid lang ang turing ko sa kanya". Nagulumihanan si Rosana sa sinabi ng binata samantalang iba ang sinabi sa kanya ng babaeng iyon. "But she said your engaged kaya nga ako lumayo para hindi makagulo",paliwanag nito. "She said that?" nakakunot ang noong tanong ni Giovanni. Tumango lang dito ang dalaga. "Mahal kita Rosana,sa lahat ng babae saiyo lang ako nagkaganito,kaya kahapon ay sobra akong nag alala sa nangyari saiyo". Lalong bumilis ang t***k ng puso ng dalaga,hindi niya sukat akalain na magkakagusto din pala sa kanya ang lalakeng ito.Buong akala niya ay siya lamang ang lihim na nakakaramdam ng paghanga dito. "Mahal kita pero nang makita kong may boyfriend kna pala nagdalawang isip ako, pero naglakas loob parin akong sabihin ito saiyo". Nagulat si Rosana sa sinabi ng binata. "Boyfriend?saan?kailan?" sunod sunod na tanong nito. "Hindi ba laging may naghahatid at sundo saiyo sa restaurant?ung nakaputing fortuner?" Bigla niyang naisip si Tita Claire,marahil iyong sasakyan nito ang tinutukoy ng binata.Natawa na lamang ito na pinagtaka naman ng binata. "Whats so funny?lalo mo lang ako pinagseselos niyan eh". "Kanino ka naman magseselos kay Tita Claire?" biro nito. "That means wala kang boyfriend?" Biglang niyakap ni Giovanni ang dalaga na ikinagulat nito. "Sorry nabigla lang ako sa tuwa",bawi ng binata sa dalaga. "Ibig sabihin wala kang boyfriend?",ulit pa nito. Umiling ang dalaga,lumuwang ang pagkakangiti nito sa pisngi. "Ibig sabihin tinatanggap mo na ang pagmamahal ko?"tanong ng binata. Nag alangan sa pagsagot ang dalaga,natatakot kasi siya na baka masaktan siya bandang huli kagaya ng itay niya.Tila naintindihan ng binata ang pag aalangan ng dalaga. "Dont worry honey ill promise hindi kita kailanman sasaktan ni paiiyakin dahil mahal na mahal kita." "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalayo kapa sa akin,banggit ng binata Tila nabigyan ng seguridad ang pag aalala ni Rosana,mukhang sincere at totoo naman ang pag ibig ni Giovanni,why not to try.Mahal din naman niya ang binata.Bahala na kung ano magiging kahihinatnan ang lahat,basta pipiliin niya sa ngayon ang nararamdaman niya. Pinili niya ang maging masaya sa piling ni Giovanni. Tumango ang dalaga sa binata bilang pagsang ayon dit "So that means tayo na?"hindi makapaniwalang tanong ni Giovanni. "Tayo na nga?",kumpirma uli ng binata. "Oo nga", wika ng dalaga na sagad ang ngiti. Napatayo si Giovanni at napatalon sa sobrang saya. "Weow!yes!",sigaw nito Tumayo si Rosana at pinigilan ito "Ano kaba Giovanni marinig ka nila Tita". Niyakap ni Giovanni ang dalaga ng pagkahigpit,hindi siya makapaniwala na sila na nang dalagang pinakaaasam niya. Ginantihan naman ni Rosana ang yakap ni Giovanni,pinaikot ikot siya ng binata sa ere sa tuwa.Matapos magyakapan ay bumitaw si Giovanni sa dalaga,pinagmasdan niya ito hinaplos ang maganda nitong mukha.Masayang masaya siya sa gabi na iyon.Tila tumigil ang ikot ng mundo kasabay ng unti unting pagbaba ng mukha ng binata sa mukha ng dalaga. Oh my gosh kinikilig ang dalaga,first time palang siyang mahahalikan at itong gwapong lalaki na ito ang makakauna sa kanyang labi. Papalapit ang magandang mukha ni Giovanni habang napakabilis naman ng t***k ng dibdib ng dalaga.Habang papalapit sa labi niya ay pinagmamasdan niya ang gwapong mukha nito at ang mga labi nitong kapupula,na-excite tuloy siya kung ano ang lasa nito. Wala siyang nagawa kundi pumikit na lamang habang papalapit ang mapupulang labi ng binata.Naramdaman niya ang mainit na dampi nito sa labi niya.Pakiramdam niya ay nasa alapaap siya,ang bango ng hininga ng binata at napakalambot ng labi nito.Hindi malaman ni Rosana ang susunod na gagawin para lamang siyang tuod na naghihintay sa susunod na mangyayari.Banayad ang pagdampi ng labi ng binata sa dalaga. Mayamaya ay biglang nawala ang dampi ng labi ni Giovanni samantalang nakapikit pa din ang dalaga. Pagmulat ng mata ni Rosana ay nakatunghay sa kanya si Giovanni na nakangiti,napahiya tuloy ang dalaga. "First time honey?",wika ng binata. Nahihiya man ay napatango na lamang ang dalaga.Niyakap uli siya ng binata. "Don't worry next time ill teach you",bulong nito sa kanya na nagpamula sa mga pisngi ng dalaga.Nakurot tuloy niya ang binata sa biro nito. Maghahating gabi na nang maghiwalay ang dalawa,hindi nila namalayan ang oras dahil sa sobrang saya nila pareho.Wala silang ginawa kundi magkwentuhan at magbiruan.Hindi sukat akalain ni Rosana na magkakaroon ng katuparan na maging sila ng binata at masaya siya sa piling ni Giovanni. Araw araw ay magkasama ang dalawa,minsan ay naglalakad sila sa tabing dagat kundi naman ay sumasama sila kay Manang Ising pumunta ng bayan para mamalengke,masayang masaya sila habang silay nasa resort.Hanggat maaari ay ayaw na nilang maghiwalay pa. Mag iisang linggo na buhat nang magbakasyon si Rosana,tapos na ang kanyang leave of absence at balik na uli sa trabaho.Napagkasunduan ni Rosana at Giovanni na magsabay nang lumuwas pauwe,pumayag naman si Miss Claire sa paalam ng dalawa sapagkat maiiwan pa si Miss Claire sa resort. Sunday ng hapon balak nilang lumuwas. Linggo ng umaga ay hinahanap ni Rosana si Miss Claire upang mag almusal,ang sabi kasi ni Buena ay hindi pa ito lumalabas ng kwarto nito.Napagpasyahan ni Rosana na puntahan ito sa kanyang kwarto.Ni minsan ay hindi pa nakakapasok ang dalaga sa kwarto ni Miss Claire.Nasa dulo kasi ito ng pasilyo ng villa.Kakatok na sana ng pinto si Rosana nang makitang nakaawang pala ang pinto.Sumilip siya upang tawagin si Claire. "Tita Claire?",tawag nito. Hindi naman napansin ni Claire ang pagtawag at pagpasok ni Rosana.Nakaupo si Claire sa gilid nang kanyang kama habang tahimik na humihikbi,nagsasalita ito na tila may kausap may yakap yakap itong larawan ng tila kung sino. "Ate patawarin mo ako kung hindi kona masusubaybayan ang anak mo,alam ko nangako ako saiyo hindi ko sila pababayaan ni Nilda",nagulat si Rosana sa narinig nito. "Malalaki na ang mga anak mo ate,may mga sarili na silang desisyon sa buhay hindi ko alam kung kaya kong ipagtapat sa kanila ang lahat lalo na kay Rosana dahil sa kanya ako bukod tanging napalapit ng husto". "Itinuring ko na siyang tunay na anak gaya ng bilin mo ate". Nangingilid ang luha ni Rosana habang siyay nakikinig. Bumalik ang lahat ng alaala ni Rosana tungkol sa nakaraan,hindi niya lubos akalain na kaya pala iba ang trato sa kanya ni Tita Claire iyon pala ay kapatid siya ng kanyang inay.Kaya pala simula nang bata palang siya ay tinutulungan na siya nito,madalas pa nga silang mapagkamalang mag ina. "Kaya pala..kaya pala"...bakit hindi niya iyon naisip,masyado siyang naging abala sa pagtatrabaho at pag iisip ng kung anu ano. Ngunit nasaan ang inay niya?kung si Tita Claire ay inutusan ng inay niya na bantayan sila nasaan ang inay niya?Bakit hindi siya ang gumawa niyon imbes na ang Tita Claire. Nahiya ba siya dahil sa pang iiwang ginawa niya sa kanila?napadaming tumatakbong katanungan sa isip ng dalaga. Lumapit si Rosana kay Claire na umiiyak.Nagulat si Claire at hindi malaman ang gagawin. "Tita Claire?",nagtatanong ang mga mata ni Rosana. Hindi mapigilang lalong umiyak ni Claire at humagulgol payakap kay Rosana.At doon nakumpirma ni Rosana na ang larawan ng ina nito ang yakap yakap ni Tita Claire. "Tita Claire ano po ang ibig sabihin nito?",hindi parin makapaniwalang tanong ni Rosana. Pinaupo siya sa tabi nito at isinalaysay ang lahat. Nag aaral pa lamang nang High school noon si Claire nang magtanan ang kanyang ate Susan.May sakit sa puso ang ate nito kaya lubos ang pag aalala ng Mama nila.Wala naman itong magawa kundi hayaan na lamang kahit na ayaw na ayaw nito sa napangasawa ni Susan, ganoon kamahal ng Mama nila ang ate nito,na kahit ayaw niya sa napangasawa nito ay patuloy parin na nakasubaybay ang ina nila. Ang sabi nang doktor ay bawal magbuntis si Susan dahil sa sakit nito sa puso kaya lalong nag alala ang ina nila nang magbuntis si Susan kay Nilda,lalong nagalit ang Mama nila sa asawa ni Susan.Wala namang kaalam alam si Mang Lando na patuloy paring nakikipag ugnayan si Susan sa Mama nito dahil ang buong akala niya ay galit ito sa kanya. Nagbuntis uli si Susan kay Rosana at iyon ang inalala ng Mama nila dahil baka kung mapano si Susan,pero awa ng Diyos ay nakapanganak ng maayos si Susan kahit delikado para dito.Lumipas ang mga taon akala ni Susan ay ganoon lang ang buhay,at dahil hindi siya sanay sa hirap dumaing si Susan sa kanyang Mama. At dahil hindi kayang tiisin ng isang ina ang anak pababalikin niya si Susan sa mansyon at pag aaralin muli kapalit nito ay siya lamang ang babalik at hindi kasama ang pamilya nito.Noong una ay ayaw pumayag ni Susan dahil mahal niya ang asawa at mga anak niya ngunit nangyari ang gusto ng mama niya sa hindi inaasahang pagkakataon. Nangyari nga ang lahat nang magkasakit si Nilda,walang ibang matakbuhan si Susan dahil sa hirap ng buhay.Hindi niya kayang mamatay ang panganay niya na wala siyang ginagawang paraan kung kaya napilitan siyang lumapit sa Mama niya.Kapalit ng pagtulong niya sa anak ay iiwan niya ang pamilya nito. Walang nagawa si Susan kundi iwanan ang pamilya niya,ipinangako niya sa sarili niya na kapag nakatapos siya ng pag aaral ay babalikan niya ang mga ito.Ang lahat ng ito ay alam ni Claire. Ngunit sa hindi inaasahan lumala ang sakit sa puso ni Susan,lumala ito dahil sa pagkasilang niya noon kay Rosana,ang lahat ng ito ay hindi alam ni Lando.Ang sabi ng doktor ay kailangan siyang operahan.Dinala ng America si Susan ng kanyang ina,naiwan si Claire sapagkat nag aaral pa ito.Bago umalis ay ibinilin ni Susan kay Claire ang kanyang pamilya,sinabihan siya na huwag na huwag niya itong pabayaan lalo na ang kanyang bunsong si Rosana.Nangako si Claire sa kanyang ate Susan.Inoperahan nga si Susan sa Amerika samantalang habang lumalaki ang mga anak niya ay sinusubaybayan ito ni Claire.Lahat ng kailangan ng magkapatid ay tinutustusan ni Claire na hindi nalalaman ni Lando sapagkat siguradong tatanggi ito kapag nalaman ang lahat.Lagi niyang lihim na binibigyan ng pera at pagkain ang magkapatid tuwing pupunta siya sa school.Mailap si Nilda kaya si Rosana ang tanging napalapit sa kanya.Kada bibigyan niya ng kung ano si Nilda ay lagi siyang sinusungitan nito kaya ipinapaabot nalang ni Claire ang mga ito sa adviser ni Nilda. Hanggang makatapos ng kolehiyo si Claire ay ganoon ang ginagawa niya sa magkapatid.Siya na din ang nagbabayad sa lahat ng bayarin nila sa school,pinapasabi nalang sa admin na sponsor siya ng dalawang bata.Laking pasasalamat nalang ni Mang Lando na may lihim na tumutulong sa kanya. Pagkatapos ng operasyon ay balak na sanang umuwe ng Pilipinas ni Susan ngunit nagkaroon ng hindi inaasahan sa kalusugan nito.Hindi pa pinayagan ng Mama nito na umuwe hanggang maging maayos uli ang kalusugan nito.Tanging si Claire ang inaasahan ni Susan na tumingin sa pamilya niya.Walang kaalam alam si Claire na lumala pala ang sakit ng kanyang ate kahit inopera na ito, ang buong akala niya ay nagpapagaling na lamang ito. Tumuntong ng High school si Nilda ay patuloy parin ang pagsuporta ni Claire sa magkapatid.Si Rosana ang bukod tanging nakakausap niya at malapit sa kanya.Sila ay nagkaroon ng ugnayan at naging malapit sa isat isa,hanggang isang araw ay bigla na lamang nawalang parang bula si Claire. Nangako pa naman ito na aattend sa graduation ng dalaga .Hindi na ito nakita muli ni Rosana ni hindi man ito nagpaalam sa kanya. Hindi alam ni Rosana na biglang napalipad ng America si Claire. Iniwan nito ang kanilang negosyo.Simula kasi ng makapagtapos siya ng kolehiyo ay siya na ang humawak sa iniwang negosyo ng Mama nila dahil wala itong mag aasikaso,pinamahala muna ito sa Tito Arnold niya,kapatid ni Dona Imelda, habang siyay wala dahil ito naman ang dating humawak sa negosyo nila noong nag aaral pa siya. Meron silang factory ng garments,iniimport pa nila sa ibang bansa ang mga telang ginagamit sa paggawa ng kanilang produkto.Sikat ang kanilang mga design pagdating sa mga damit dahil siya mismo ang nagdedesign nito.Magagaling din manahi ang kanilang mga modista nakukuha kung ano ang design niya kaya ang kanilang produkto ay mabenta sa tao.May mga pwesto sila sa mga malls kung saan naroon ang kanilang mga paninda..Katulad ng mga sikat na blouses gaya ng Unica Hija,Kamiseta,Osh Kosh ay hindi ito pahuhuli sa mga magaganda nitong designs at good quality. Ang Marina ay sikat din kagaya ng mga ito dahil bukod sa de kalidad ay hamak na mas mura ito kaysa sa iba kung kaya patok ito sa masa.Madami din silang mga naging regular costumer na mga artista dahil inaabangan lagi nila ang mga bagong design nila. Hindi man maiwan ni Claire ang kanilang negosyo ay lumipad siya patungong Amerika upang makita ang kanyang ate.Hindi niya lubos akalain ang madadatnan niya pagdating niya doon.Ang kanyang ate ay nakaratay sa hospital payat na payat at nangangalumata,nakatabi sa kanya ang kanyang Mama na nag aalala.Nahabag si Claire sa sitwasyon ng kanyang ate,niyakap niya ito habang umiiyak. "What happened Mama?akala ko okey na si ate at nagpapagaling na lamang siya bakit nagkaganito?", Umiling iling nalang ang kanyang Mama habang umiiyak. "Shhhh", bigkas ni Susan sa kapatid. "Alam kong hindi na ako magtatagal Claire, ang nais ko lamang hilingin saiyo ay bantayan mo ang pamilya ko huwag mo silang pabayaan",hiling nito. "Huwag kang magsalita ng ganyan ate gagaling kapa". "Alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal Claire,ipangako mo please ipangako mo na babantayan mo para sa akin ang pamilya ko". Masakit man para kay Claire ay tumango na lamang ito.Biglang bumitaw sa pagkakayakap si Susan at nawalan na ito ng hininga. Pinacreamate nila ang bangkay ni Susan upang mas madaling iuwe sa Pilipinas.Sabay sabay silang umuwe ng Pilipinas kasama ang ina nito at ang abo ni Susan.Wala pang isang linggo silang nakakauwe ng Pilipinas ay na stroke naman ang Mama ni Claire dahil sa sobrang pag iisip sa nawala niyang anak.Mabuti na lamang at hindi ito grabe. Nanghina ang mga paa nito at simula noon ay gumamit na siya ng wheel chair. Magmula noon ay hindi na nagpakita si Claire kay Rosana,lihim na lamang siyang nakasubaybay sa dalawa,siya narin ang nagsilbing sponsor ng dalawa ng matuntong sila sa kolehiyo.Hindi na lang niya ipinaalam na siya ang sumagot ng lahat sa pagkokolehiyo ng dalawa,ang tangi na lamang sinasagot sa admin office ay may nagmagandang loob na isang organisasyong tumulong sa kanilang magkapatid. Umiiyak na lamang si Rosana habang nakikinig sa kwento ng Tita Claire niya,pakiramdam niya ay mawawalan siya ng hininga.Tinukop niya ang dibdib niya sa tindi ng sama ng loob,hindi niya mailabas ang nararamdaman niya. Naawa siya sa sinapit ng kanyang inay.Buong akala nilay nagpakasarap lamang ito sa piling ng pamilya niya at kinalimutan na sila. "Are you okey hija?",nag aalalang tanong sa kanya ang tiyahin. "Im sorry for not telling you,natakot ako na magalit ka sa akin at kamuhian mo ako dahil sa hindi ko agad pagsabi saiyo". Magalit man si Rosana ay wala na itong magagawa pa,nangyari na ang lahat lahat,ang inaalala lamang niya ay ang kanyang itay at ate Nilda na siyang laging umaasang babalikan siya ng kanilang inay.Napaluha muli siya sa isiping iyon.Muling nagyakapan ang dalawa at nag iyakan habang yakap ang larawan ng inay nito. "Bukas na bukas ay susunod ako paluwas para kausapin ang itay mo at ang iyong ate Nilda.Nais ko sanang sabihan mo silang dalawa na bigyan nila ako ng pagkakataong makausap sila". "I'll be there at 6PM,alam ko namang lunes bukas at pareho kayong may trabaho ng ate mo". "Susubukan ko po tita Claire", sagot ni Rosana. Dumating ang hapon at dinaanan na siya ni Giovanni upang silay lumuwas.Bago umalis ay nagpaalam muna si ang dalaga kay Buena gayon din sa mag asawang katiwala ni Tita Claire. "Rosana balik ka ha?huwag kang madadala sa akin",biro ni Buena. "Oo naman babalik ako dito masarap kaya magbakasyon dito",sagot ni Rosana. "Manang Ising, Mang Juanito salamat po sa lahat,mag ingat po kayo lagi",paalam ni Rosana. "Magiingat kayo hija sanay makabalik uli kayo dito", "Opo Manang,salamat po" Nagpaalam na si Rosana sa totoo niya palang tita. "Tita mauna na po kami",sabay yakap ng mahigpit dito. "Mag ingat kayo hija". "Opo Tita,ill call you when im there". "Hijo drive safely,ingatan mo ang pamangkin ko",bilin nito sa binata. "Makakasiguro po kayo tita Claire.Makakarating po ng ligtas si Claire sa kanila". "Salamat hijo,sige na umalis na kayo at nang hindi kayo gabihin sa daan". Umalis na nga ang dalawa.Kumaway sila habang papalayo ang kotse ni Giovanni. Tahimik si Rosana habang silay naglalakbay. "Okey kalang ba honey?"tanong ng binata. "Im fine just drive". Kinulit ni Giovanni si Rosana kung bakit malungkot ito at ikinuwento nman niya ang lahat ng kanyang nalaman. "So thats why you have a similar face just like Tita Claire,yun pala talagang magkamag anak kayo". "Talagang mapagbiro ang tadhana,Im happy for you honey at the same time nalulungkot din dahil sa nangyari sa inay mo". Nangilid na lamang ang luha ng dalaga sa pag ala ala sa kanyang Inay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD